Present time
Matapos ng nangyaring insidente sa Reyna agad nitong pinatawag si Silvan sa Library.
"Greetings to the majestic silver moon of the realm." pagbati ni Silvan habang nag babow,
"Ikaw ba ang nagsabi sa Hari na ako ay isang imortal?" deretsyahang tanong ni Melitta kay Silvan na kinatigil nito ng ilang segundo.
"Opo..." mahinang sagot ni Silvan, napabuntong hininga naman si Melitta at napahilot sa kanyang sentido.
"Hindi mo dapat sinabi iyon, kapag nalaman ng hari ang katotohanan siguradong mananagot ka ng husto dahil sa iyong pagsisinungaling."
Napapikit si Silvan dahil batid nyang maaaring mangyari dahil hindi naman tanga ang Hari, natitiyak nyang may napapansin na ito.
"Ngunit kailangan ko pong sabihin iyon dahil nagtataka na ang hari sa inyong tunay na pagkatao, noon pa man ay nahihiwagaan na sya sa inyo ngunit ngayon ay mas lalo itong naguluhan matapos ng nangyari sa inyo sa Regno Oscuro, ano po ba ang nangyari bakit bigla kayong inatake ng Globo ng apoy?" pag uusisa ni Silvan.
Nagpakawala si Melitta ng malalim na hininga bago nakasagot sa katanungan ng Ginoo.
"Batid mong ako'y isang dating diyos, at ang Globo ng apoy ay yari sa pinagsamang espiritwal na lakas at diwa ng mga Diyos ng cosmos."
"Espiritwal na lakas? ito ba ay mahahalintulad sa Mana?" tanong ni Silvan.
Napalingon naman sya rito.
"Oo ang mga diyos ay may espritwal na lakas na tinatawag samantalang kayong mga imortal ay may tinatawag na mana o elemental forces of nature, ang Globo ng apoy gawa doon, nabuo ito dahil sa mga diyos at dyosa ng cosmos."
Napakunot noo si Silvan, dahil sa sinabi ng Reyna ay tila nabuksan ang kanyang kuryosidad.
"Matagal na itong katanungan ng mga kapwa ko imortal, Kamahalan, bakit nga ba ginawa ang Globo ng Apoy at bakit dito nakasalalay ang kaligtasan ng lahat ng imortal kahit kami ay sinumpang nilalang, bakit tila protektado parin kami?"
Napakagat labi si Melitta dahil sa katanungan ni Silvan ay may masaklap na alaala ang sumagi sa kanyang isipan.
"Hindi ko alam ang sagot sa katanungan mo Silvan, ngunit natitiyak ko na nakasaad sa libro ni Seraphina ang kasagutan sa inyong mga tanong." sabi naman ni Melitta.
Libro ni Seraphina? ang Bloodcurse ba ang tinutukoy nito? mababasa nya lamang iyon kung isasalin ito ng reyna sa kanilang wika.
"Alam kong nagtataka ang lahat dahil sa nangyari sakin sa Relmo naiisip ko na baka nangyari ito dahil sa nakakubling diwa ni Arachne saking katawan."
Oo nga pala, the Queen has a celestial spirit inside her mortal body, and it was the spirit of Arachne the Fate weaver.
"Ngunit noong una palang ay nasa iyo na ang diwa ni Arachne kamahalan, bakit ngayon lamang kayo inatake ng Globo ng apoy? kung kelan naganap ang binyag sa mga bagong silang? bakit hindi noong kayo ay opisyal na pinakilala bilang Reyna?"
Tumindig ang balahibo ni Melitta matapos ng sinabi ni Silvan, ilang beses nyang inisip iyon subalit wala syang makuhang sagot hanggang sa makalipas ang ilang araw.
Ngunit hindi nya parin alam kung bakit nangyari iyon, wala namang makakapag control ng Globo ng Apoy kahit mismong si Haring Marcus ay hindi ito magagawa, tungkulin lamang nitong pangalagaan ang Globo ngunit ang manipulahin ito ay malabong mangyari.
Ang Globo ng Apoy ay apoy na may buhay, ito ang naghahandog ng kapangyarihan sa mga bagong silang at bagong miyembro ng relmo, walang maaaring makaimpluwensya nito kahit sya na dating si Arachne.

BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasyThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...