Kasalukuyan na silang nasa hapag kainan sa loob ng Regno Della Bestia, kasama nila sa hapag ang apat na nagpakilalang heneral at ang kanilang pinuno, wala doon yung babaeng nagpakilalang si Dayneria dahil matapos nun ay pinaalis sya at dinala sa kung saan.
"Patawad Kamahalan, hindi ko batid na si Dayneria pala ang tumawag sa inyo, matagal syang nawala sa aming relmo at hindi ko alam na nakabalik na syang muli." eksplenasyon naman ng pinuno.
Seryoso lang na nakikinig si Marcus habang humihigop ng Ale sa basong yari sa sungay ng kung anong hayop.
"Batid kong nagawa nya lamang iyon dahil nag aalala sya dahil sa pagbalik nya ay naglipana na ang mga demonyo sa barrier ng aming Kaharian, kung kayat sana ay malinaw na sa inyo na isa lamang itong maliit na pagkakamali." pagmamakaawa ng pinuno.
Bumuntong hininga si Marcus.
Naniniwala sya sa sinabi ng pinuno at ramdam nya ang sinseridad sa mga salita nito ngunit mayroon syang nakakapang pakiramdam.
Mayroong hindi tama sa mga nangyayari.
"Kung ganoon saan sya nagpunta at bakit sya nawala?" marahang tanong nya bago deretsyong tinignan sa mata ang pinuno.
Naka upo sya sa hapag subalit nakatayo lang ang pinuno dahil hindi naman ito makakaupo kagaya nya dahil kalahating kabayo ito.
Ang apat na heneral lang ang nakaupo sa harapan nya at tahimik lang na nakikinig sa usapan nila.
"Hindi ko rin alam dahil kagaya ng sabi ko biglang syang nawala at ngayon ko lamang nalaman na nakabalik na sya."
nanatili lang na malamig ang mukha ni Marcus habang nakatingin sa pinuno.
Maya-maya ay napangisi sya na kinamaang naman ng pinuno ng RegnoDella Bestia.
"Strange, hindi magawang makapasok ng mga demonyo sa inyong barrier dahil sa defensive power nito ngunit mayroon sa iyong pangkat ang nagagawang makapag labas pasok sa inyong relmo nang hindi man lang nasusugatan?" sarkastikong saad nya, mukhang naumid ang dila ng pinuno at hindi na nagawang makapag salita.
Mukhang napaisip din ang pinuno dahil may punto ang kanyang salita.
"Kung nag aalala ka sa kaligtasan ng inyong mahiwagang puno ng buhay, hindi ba dapat ay mas mag alala ka rin sa iyong mga nasasakupan? baka sa ginagawa nilang paglabas nang walang permiso ay may nakakapasok na palang kalaban nang hindi mo namamalayan."
nanlaki ang mata ng pinuno, naibaba nito ang ulo at tila napapahiya dahil sa mga sinasabi ni Marcus.
"God forbid your grace, I think that it will never happen?" sabi nito.
"Pano mo nalaman ikaw ba si Arachne?" sarkastikong tanong nya at natameme naman ang kausap nya.
"You summoned me here because you wanted my help because you wanted to prevent the demons from taking away your core, but I am wondering, of all people why did you choose to ask for my assistance? why me? when you have the cosmos to support you?" saad nya.
Napabuntong hininga ang pinuno at malungkot na tumingin sa kanya.
"I guess I have no choice but to tell you, this happened a very long time ago, No one knows but the Universe and we are their living witness."
Napakurap kurap si Marcus, wala syang ideya sa sinasabi ng Pinuno kaya bigla syang nakuryoso.
"Ever since that day, everything began to shambles, when she was gone, the universe lost its powerful Leader, Arachne the fate weaver."
Naibaba ni Marcus ang kanyang kopita at kumalabog ang kanyang puso.
"The day when Arachne vanished from the cosmos, everything messed up, her absence led us to an abyss, we lost our light, we lost our way when she was gone at dahil sa kanyang pagkawala ay ang unti unting pagkabuwag ng bawat diyos sa cosmos."
BINABASA MO ANG
The King's Heir #2
FantasyThe King Series #2 COMPLETED/R-18- Vampire-Romance Fantasy This is the continuation of the story of King Marcus before the reign of the usurper, The Night King Decimus. This is the Prequel of TOD R18 Taglish Date Posted:October 25,2022 Date Finished...
