Chapter 26

160 4 1
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Kath ano gusto mo? Barbeque? Tilapia? Bangus? Hipon? Hotdog? o Abs ko? Sabihin mo lang." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Daniel. Abnormal! Abs daw nya? Pwede rin.

Pinalo ko sya at kumuha ng plato at nilagyan ng kanina para sqming dalawa, "Abs ka dyan! Ano barbeque at tilapia na lang." sabi ko tapos umupo sa kawayan na upuan at hinintay syang kumuha ng ulam para saming dalawa.

"O kamay-kamay lang ah! Walang aarte!" sabi ni Andria habang kumukuha ng pagkain.

"Yes boss!" nakangiti syang sinakuduhan ni Kevin.
"Che! Hindi ikaw!" inirapan sya nito at umupo.
Sinundan naman sya nito at tinabihan.

Ang kulit ng dalawang 'to. Haha. Parang aso't pusa. Away-bati-away-bati. Abnormal lang.

Napatingin naman ako sa tabi ko nang umupo si Daniel. Dala-dala na nya yung paper plate na laman ang ulam namin.

"Eto na ang ulam!" nakangiting sabi nito at nagsimula na kaming kumain. Ng naka-kamay.

Tabi-tabi kumain ang mga magkakapares. Nagtataka ako dahil close na agad sila nung babae. Kahit kagabi lang sila nagkakilala. Kagabi nga lang ba? Tsaka hindi ko pa rin alam yung pangalan nung babae.

Tumingin ako kay Daniel. Naramdaman nya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin sya sakin.
"Hmm?" tinaasan nya ako ng dalawang kilay habang patuloy na kumakain.

"Ano pangalan nung babae na nabingwit nila Andria kagabi?" tanong ko. Bahagya naman syang natawa nung sinambit ko yung salitang 'nabingwit'.

"Haha. Nabingwit talaga? Pangalan nun ay Lea. Tsaka hindi lang nabingwit yun nila Andria. Ang sabi nila Quen magkakilala na daw yung dalawa. Nagkita lang sila kahapon nung dumating tayo dito." sagot at paliwanag nito.

"Ahh. Kaya pala. Nagtataka kasi ako bakit close sila agad." sabi ko at tiningnan saglit yung dalawa na tumatawa habang kumakain.

Hala. Bagay sila!

"Pero bagay sila." nakangiting sabi ko kay Daniel at sumubo ng barbeque.

"Pero mas bagay tayo," napatingin ako bigla sa kanya dahil sa sinabi nito. Nadatnan kong nakangisi sya.

Bigla kong naramdaman na nag-init ang pisngi ko.
Pinalo ko si Daniel sa braso pero tumawa lang sya.

"Bakit? Totoo naman ah?" nakatawa pa rin nitong sabi.

"Kumain ka na nga lang! Gutom lang yan." sabi ko at bumalik na sa pagkain.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil tumatawa pa rin sya.
"Sorry na boss!" sabi nito at ngumiti na labas ang ngipin.
"Ganda mo talaga!" nakangiti pa rin nitong sabi at ninakawan ako ng halik sa pisngi.

Ngumuso ako at kumain na ulit.

Pwede isa pa, Daniel?

----

"Uy bilisan nyo! Siguradong marami ng papables dun sa dalampasigan!" excited na sabi Andria habang magkatabi silang naglalakad ni Clairee na excited din. Hay nako. Haha.

Yung dalawa naman nilang mga labs ay nakasunod lang sa kanila at napapatawa na lang.

Tiningnan ko si Daniel. Pinalupot ko ang braso ko sa braso nya at nakita kong napangiti sya. Tumingin sya sakin ng nakangiti pa rin.
"Buti na lang hindi ka ganun, Kath. Ako lang naman ang lalake mo diba?" sabi nito .

Ngumuso ako at kunuyaring nag-isip, "Hmm. Ikaw lang ang lalake ko? Ewan ko." sabi ko at tumakbo para maabutan sila Andria.

"Kathryn!" sigaw ni Daniel pero hindi ko sya nilingon. Haha. Aasarin ko muna sya.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon