Chapter 12

393 13 0
                                    

Daniel's P.O.V.

Oo na! Oo na! Nagseselos na ako!

Hay Kathryn. Alam ko namang may pagnanasa-- este may gusto ka na rin sa'kin.

Nakaupo ako ngayon sa garden, kita ko mula sa posisyon ko na inaasar parin nila Andria si Kath dahil kahapon. Narinig kasi nila yung 'Oo na! Oo na! Nagseselos na ako!' na sinabi ni Kath. Haha!

"Ikaw Kathryn ah! Sabihin mo lang at ireready ko na ang ireregalo ko sa kasal nyo ni Daniel!" palapit na sila dito, at halata mong kinikikig yung tatlo nyang kasama. Samantalang si Kath ay naka-pout lang.

Takte. Ba't ang cute nya?

"Mga loka! Hintayin nyo munang sagutin ko si Daniel!" naiinis na sagot ni Kath. Teka...

"Hintayin? So ibig sabihin..." binitin ni Andria yung sinasabi nya.

"Ayieeeeee!" kantyaw nung tatlo kay Kath.

Sabi sayo Kath, I will make you mine.

Nilapitan ko sila at inakbayan si Kath.
"Hi Kath." nakangiting bati ko sa kanya.

"H-hello." awkward nyang sagot.

"Nako. Halika na girls. Iwanan muna natin ang love birds dito. Mamamasyal lang kami ah?" sabi ni Andria at umalis na sila, naiwan nalang kaming dalawa ni Kath dito sa garden.

"Bye!" paalam ko sa kanila.

Tiningnan ko si Kath, at nakayuko lang sya.

"Kath." tawag ko sa kanya.

"Hmm?" ungol nya pero nakayuko parin sya.

"I-----" naputol ang salita ko ng may nagsalita.

"Kuya Danieeeel!!" boses ng isang bata. Teka, parang pamilyar sakin.

Sabay kaming lumingon ni Kath sa pinanggalingan ng boses.
"Nea?!" napasigaw ako. Tiningnan ko si Kath at natawa ako sa expression nya. Nagtataka na naniningkit ang mga mata. Haha!

"Hello Kuya Daniel!" masayang bati nung halos 'hanggang bewang ko' na batang babae sa akin.

"Anong ginawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nag-squat ako para maging magka-level lang kami.

"Mommy's also here Kuya! Did you missed us?" nakangiting sabi nya.

"Teka, hindi mo naman sinagot tanong ko e." sabi ko tapos biglang kumapit si Kath samin.

"Daniel sino yan?" naguguluhang tanong nya. Umupo din sya para magkalevel kaming tatlo.

"Pinsan ko." sagot ko.

"Ah. Ang cute naman nya!" nakangiting saad nya at tiningnan si Nea.

"What's your name?" tanong ni Kath dito.

"Hi Ate! I'm Linnea Ford, I'm 5 years old." nakangiting sagot nya kay Kath.

"I'm Ate Kathryn. You can call me Ate Kath." sabi naman ni Kath at kinurot ang kaliwang pisngi ni Nea.

"Daniel!" sabay naman kaming napatingala ni Kath ng may sumigaw ng pangalan ko tapos tumakbo bigla si Nea sa sumigaw.

"Tita!" sigaw ko tapos nilapitan sila kasama ang asawa nya.

"Kamusta na Daniel? Ang laki-laki mo na. Lalo pang gumwapo." masayang sabi ni Tita sakin.

"Okay lang po. May pinagmanahan e!" proud na sabi ko tapos natawa naman sila.

"Bakit po kayo nandito? Diba nasa states kayo?" tanong ko sa kanila.

"Umuwi muna kami dito para magbakasyon. Namimiss ka na daw ni Nea." natatawang sagot ni Tita tapos niyakap ako ni Nea sa kanang binti.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon