Kathryn's P.O.V.
Katatapos lang ng New Year at heto kami ngayon, nagkukumahog sa pagpapasa ng mga requirements. At dahil graduating kami, kaylangan na kumpleto ang lahat, walang labis walang kulang.
At eto ako ngayon, nakaupong mag-isa sa canteen, tinititigan ang tambak na mga papel dito sa harap ko. Wala sila Daniel dahil marami pa silang kaylangang tapusin kaya naghiwalay-hiwalay muna kaming barkada. Okay naman na lahat ng requirements ko, mabait na bata e, pwera sa natitirang prof ko na sa di malamang dahilan ay ayaw pirmahan ang ipinapasa ko sa kanya. Ang pinakamasungit at pinakasusuklaman ko na professor sa lahat.
Ewan ko dun, ginawa ko na yata lahat ng pagmamaka-awa pero ayaw patin nitong pirmahan yung papel. Tsk. Gusto pa yata yung papel na may design at may pabango. Ingudngod ko mukha nya sa asin e. *pouts*
Tinitigan ko ulit ang papel na nasa pinakataas ng nakatambak sa harap ko.
Napabuntong hininga na lang ako.
Pano na gagawin ko? Sa lagay na 'to mukhang di yata ako makakatuntong sa stage. *cries*
"Hooy!" Biglang may bumatok sakin sa gitna ng pagluluksa ko dito. Nilingon ko ang walangyang bumatok sakin at si Andria pala.
"Makabatok ha! Bigat ng kamay mo!" Sigaw ko sa kanya. Sakit kaya nung batok nya. Magkakabukol yata ako. O overacting lang talaga ako?
"Sorry bebeKath! I have good news for you!" Nagpeace sign ito at automatic naman na nag-iba ang itsura nya. Biglang syang ngumiti ng malapad.
"Ano meron? Dapat ba akong sumaya?" Sagot ko dito at nag-pout lamang ang bruha.
"Kathryn naman! Sige. Eto na. Dendendendeeeeeeeen!" At umakto syang nagdudrum roll. Hay naloka na.
"Kumpleto na requirements namin! Makaka-akyat na kami ng stage! Oh dibaa! Ang saya!" Nakangiting sabi nito at pumalakpak pa pagkatapos.
Nginitian ko sya at pumalakpak din ng walang gana.
"Congrats sa inyo. Buti pa kayo." Malungkot na sabi ko.Uwaaa! Buti pa sila ayos na. Samantalang ako, isa nalang di ko pa matapos-tapos! Huhu.
"Bakit bebeKath? Yung prof mo na naman ba na masungit?" Tanong nito.
Tumango ako at pinat naman nya ang ulo ko. "Samahan kita. Ako bahala! Andria on the rescue!" Nakangiting sabi nito at kinuha ang mga papel sa table.
Tumayo sya at nauna nang maglakad. "C'mon bebeKath!" Sigaw nito at natawa na lang ako. Buti nalang talaga may mga kaibigan akong tulad niya.
----
"So alin ba dito ang ayaw nyang pirmahan?" Tanong ni Andir ahabang naglalakad kami papuntang faculty room.
Tinuro ko ang papel na nasa taas. "Iyan. Iyang nagiisa na papel na yan." Bitter na sabi ko.
Hay nako. Pag lang talaga. Pag di pa nya to pinirmahan, nako lang talaga.
"Itong nag-iisa na 'to?! Aba grabe naman yang prof mo! Pa-VIP!" Gulat na sabi nito.
"Halika na. Bilisan natin. Nasan ba sila Daniel para mapuntahan natin."' Sabi ko at binilisan namin ang lakad.
"Nandun sa garden. Eto na eto na. Namiss mo na naman yang labidabs mo." Pang-aasar nito sakin.
"Pano mo nalaman? Nako Andria! Nababasa mo isip ko 'no?" Nakangting sabi ko sa kanya. Ang ang bruha sinundot lang ang tagiliran ko. "Ayieeeee." Panunukso nya. Kung di ko lang to mahal nasapok ko na tong babae na to.
Nang makarating kami sa faculty ay saktong nandoon si Ma'am Lira.
"Ayan na. Ano gagawin natin Andria?" Siniko ko sya dahil masinsinan nyang tinitigan si Ma'am.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNiel
Fanfiction"Hindi na ako magpapakidnap sa iba dahil sa una pa lang kinidnap mo na ang puso ko..."