Chapter 29

79 3 0
                                    

Daniel's POV 

Nang may maaninag na akong ilaw ay huminto ako sa pagtakbo at hingal na hingal na humawak sa isang puno. Tinext ko sila Andria at sinabi sa kung saan naming mahahanap si Kath. Tinext ko na rin na huwag muna silang padalos-dalos sa pagpunta. Delikado na. Buhay ni Kath ang nakasalalay dito. Buhay ng babaeng pinakamahal ko.

Tinungo ko na ang bahay na sa tingin ay kung saan dinala nung babae si Kathryn. Hanggang second floor ang bahay at medyo luma na ang pintura. Mababakas mo ito sa sira-sirang mga bintana.

Dahan-dahan kong binukas ang pinto at inihanda ang aking sarili sa kung ano mang bubungad sa akin. Pero gulat ko na lang ng bukas ang ilaw at walang bumungad sakin.

"Kath?" mahina kong sambit habang naglalakd at palingon-lingon sa paligid.

Binukas ko ang lahat ng pintuang nadadaanan ko pero wala akong Kathryn na nakikita. Nang makapunta na ako sa dulo ng bahay ay may isang pinto doon. Lalo akong pinagpawisan ang kinabahan habang papalapit ako dito. Sa bawat hakbang ko ay padagdag nang padagdag ang kaba sa aking dibdib.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at dahan-dahan ding binukas ang pinto.

Pagkabukas ko ay napatakbo na lang sa babaeng nakatali sa pader, nakabusal, at pawis na pawis.

"Kathryn! Sa wakas!" mahinang sigaw ko at agad na niyakap ito ng mahigpit.

"Daniel... Nahanp mo ko..." iyak lang nang iyak si Kathryn.

"Aalis na tayo dito. Ligtas ka na," pinunasan ko ang mga luha nya at nginitian sya.

Ngumiti rin sya ng bahagya at hindi ko mapigilang mamangha pa rin sa kagandahan nya kahit na nasa ganito syang kalagayan.

Madali kong tinaggal ang pagkakatali nya sa poste pati na rin ang tali nya sa paa at kamay. Isang tali na lang sana sa kamay ang tatanggalin ko nang biglang bumukas ang pinto.

"What a wonderful reunion!" nakangising sigaw ng isang babae at pumalakpak ito.

Napalingon kami parehas ni Kathryn sa babae. May kasama pa pala 'tong dalawang lalaki.

"Daniel..." niyakap ko nang mahigpit si Kathryn.

"Ang saya nyo naming tingnan kanina," nakangisi nitong sabi at dahan-dahang naglakad papalapit samin ni Kath.

"Pero mukhang hanggang dun na lang yun? Diba boys?" tumingin sya sa dalawa nyang kasamang lalaki at ngumiti.

"Go!" signal nung babae sa dalawang lalake at bigla naman kaming nilapitan nung dalawa lalake.

Sa kawalan ng konsentrasyon sa nangyayari ay nasuntok ako nung isang lalaki na ikinatumba ko naman, "Kath!" sigaw ko nang hatakin nung isang lalaki si Kath mula sa magkakayakap ko sa kanya.

"Daniel!" sigaw ni Kath habang iyak ito ng iyak.

"'Wag nyong sasaktan si Kathryn!" banta ko sa kanila habang nanghihinang tumayo.

Kakatakbo ko lang ng mahabang takbuhan pagktapos ay masusuntok na lang ako bigla? Aba nasan ang hustisya?!

Pagkatayong-pagktayo ko ay nasuntok kaagad ako nung lalakeng sumuntok din sa akin.

"'Wag ka nang lumaban boy!" natatawang sabi nito at sunod-sunod na pinagsusuntok ako sa katawan.

"Daniel! Daniel!" narinig kong sigaw ni Kathryn.

Nanlalabo na ang paningin ko sa ilang beses na pagsuntok sakin nung lalake pero kitang-kita ko pa rin ang pagpupumiglas ni Kath sa kamay nung isang lalaki kasabay ng pagbuhos ng kanyang mga luha.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon