Chapter 4

779 15 2
                                    

Kathryn's POV

Si Daniel pala ay isang casanova dati. Hmm. E ano ngayon na tinatanong nya kung pwedeng manligaw sya sakin. Past is past diba? Baka kasi saktan nya lang ako. Pero.. aish! Once a casanova always a casanova, right? Ay ewan!

"Psst! Ano Kath? May pag-asa ba yung pinsan ko sayo?" nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Andria. Mushroom lang? Pasulpot-sulpot kung saan.

"Ewan ko. Sabi mo kasi diba casanova sya dati. Natatakot lang ako." sabi ko naman dito at bumuntong hininga.

"Bakit? Gusto mo na sya noooo?" sabi nya tapos may pataas-taas pa ng kilay.

"Hindi ah! Crush lang." Patay!

"Got it." sabi nya tapos may nilabas na cellphone.

"Teka..." Huwag mo sabihing nirecord nya yun?!

"Ahahahaha! Huli ka ngayon Kathryn! Ayieeee. Umamin din sya na crush nya si Daniel~~" kinikilig na sabi nya. Omygod.

"Ui hindi ah!" pagde-deny ko.

"Suus! Nag-deny pa e. Gusto mo bang iparinig ko to sa kanila." Oh no!

"Oi waaaag!" sigaw ko tapos bigla syang tumakbo habang hawak-hawak yung cellphone.

"Bleeee~ Ayieee! Kathryn plus Daniel equals KathNiel!~ Love love~" Ano baaaa kinikilig ako!

Ay Kath ano sabi mo? Erase. Erase.

"Bumalik ka ditong babae kaaaa!" sigaw ko tapos lumabas sya ng kwarto at sinundan ko. Bilis tumakbo nito parang si Daniel.

Ay bat ba Daniel, Daniel!

"Catch me if you can~~~" Adik na babae to. *pouts*

"Marami ka pang atraso sakiiiiiin! Yung chocolate di mo parin binibigaaaay!" sigaw ko ulit. Nakakapagod habulin tong babaeng to.

"Bleeeeeeee!" Ang bilis tumakbo nito. Huminto muna ako saglit at pagtingin ko ay wala na sya. Hala! Nawala?

"Andriaaaaaa?!" sigaw ko. Nasan na yung babaeng yun?

"Andriaaaaa?" may narinig akong kumakaluskos sa pinto malapit sakin. Ah baka nandito to! Gulatin ko nga. Hahaha!

Konting lapit pa Kath. 1... 2... 3!

"BOO---AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!" My virgin eyes!

"Aaaahhhhhh!!!" Tumakbo ako ng tumakbo habang nakatakip yung isang mata ko. Jusko Lord ano bang nagawa ko?

"Aaaaahhhhh!!" nagtatakbo parin ako. Jusko nagising ko yata sila Tita.

"Kath!" Ahhhhh!!

"Kaaath!!" napatigil ako sa pagtakbo ko. May humarang na pader sa aking dinadaanan. Hinawakan ko yung pader gamit ang right hand ko. Bakit may curves?

Dinilit ko ang mata ko. At nagsisisi akong dumilat. Dapat ay pumikit nalang ako at tumakbo ulit.

"Aaaahhhhhh!!!" tatakbo na sana ako kaya lang natigil na naman ako.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakitang kong hawak-hawak nya yung dalawa kong braso.

Umatras ako at umatras din sya. Juskooo. Atras lang ako ng atras hanggang sa maramdaman ko na ang totoong pader sa likod ko.

"Bakit ka sumisigaw Kath?" Omygod. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Naalala ko yung nangyari kahapon sa loob ng sasakyan nya. Nakakahiyaaaa!

"W-wala!" Jusko. Pinagpapawisan na ako dito.

"Wala? Kung makasigaw ka kaya wagas. Parang nakakita ng multo." matawa-tawa nyang sabi.

"Wala! Pwede ba lumayo ka. Masyado kang malapit. Ni hindi nga tayo close." Ang init. Ang init na. Pawis everywhere. Juskoo.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon