Chapter 15

296 10 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at tinititigan ang graduation picture naming barkada na nakalagay sa dingding ng kwarto ko. Salamat at nakagraduate kami ng maayos kahit marami kaming mga kalokohan. Haha!

Nalipat ang tingin ko sa katabing frame na medium-sized. Picture ng isang napakagandang babae at ng isang napakagwapong lalake, in short picture naminng dalawa ni Daniel. Oha!

Malapit na pala kami mag-1 month. Oh diba! Natagalan namin ang karisma ng bawat isa. Haha!

Anyways, ipagluluto ko nalang sya. Hehe. Este ipagbe-bake ko nalang sya ng Mini Cake. 2 weeks pa naman e, kaya makakapagresearch pa ako. Magpapaturo na din ako kila Andria.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglaang bumukas ang pintuan. Di uso ang katok 'te?

"Bebe Kath!" Masayang bungad ni Andria.

Napatayo ako sa pagkakasigaw nya. Juskong babaeng 'to!

"Ano na naman?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"C'mon Bebe Kath! Mag-empake ka na! Aalis na tayo. Now na!" sabi nya habang nilalabas ang maleta ko sa walk-in closet ko.

"As in?! Seryoso ka?! OmyGod!" sabi ko at dali-daling nagpunta sa walk-in closet at kumuha ng mga shorts, tshirts, shirts, dresses, at kung ano-ano pang mga girly things.

Nang matapos ako ay nakita kong nakaupo si Andria sa higaan ko na may ngiti sa labi.

Nang malakabas ako sa walk-in closet kasama ang maleta ko ay tinaasan ko sya ng kilay.
"Ngini-ngiti mo dyan?"

"Joke." sabi nya at tumawa sya ng malakas. What the f--- is her problem?

"Hoy Andria! Kakatayin kita wag ka ngang tumawa dyan!" sinamaan ko sya ng tingin at dun naman sya natigil sa pagtawa.

"Joke lang na aalis na tayo. Yep aalis na nga tayo pero hindi pa ngayon. Mamaya pang 6 PM ang flight natin. Haha!" tumatawang sabi nya. Jusko!

Kinuha ko ang isang unan sa higaan ko at binato sa kanya.
"Loka-loka ka talagang babae ka!" sabi ko at binalik nya sakin ang unan pabalik.

"Ganun ka ba talaga ka-excited?" natatawa pa rin nyang tanong. Dadalin ko na 'to sa mental. Kanina pa tawa ng tawa.

"Syempre! It's Paris that we're talking about. The City of Love~~" sabi ko at umupo sa higaan ko. Niyakap ko yung unan habang nakangiti sa kanya.

Umupo sya sa tabi ko at pinalo ako ng isang unan. Grabe talaga!

"Nako! Iniisip mo na naman si Daniel? Kayo talagang dalawa! Gumawa pa ng eksena nung graduation." sabi nya at kinurot ang tagiliran ko.

"Aray naman! Eh kasi yang si Daniel eh!" kinilig na naman ako ng maalala ko yung nagyari nung araw na iyon. Haaaay. OmyGod!

"Kinikilig ka na naman! Hays kelan ko kaya mahahanap yung akin? Si Clairee may Quen, si Britt may umaaligid na sa babaeng yun, ikaw may Daniel, e ako?! Naiwan na! Huhu." pagdadrama naman bigla nito.
Tinapik ko ang likod nya at nginitian sya.

"Gusto mo maghanap tayo ng papable dun sa Paris?" tanong ko sa kanya.

Kunot noo syang tumingin sakin. "Seriously Kath?" sabi nito at nilayuan ako.

"Di ikaw si Kathryn! Omygosh! Papable? That's so not you!" gulat na sabi nito at tumayo.

Tumayo naman ako para batukan sya. "Adik! Masama ba banggitin ang papable?" sabi ko dito at tinawanan nya lang ako.

"Tulungan mo ko maghanap dun ah?" nakangiti nitong sabi.

"Of course, girl!" sabi ko at kinindatan sya.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon