Chapter 5

586 14 0
                                    

Kathryn's POV

AAAHHHHH! WAAAAH! Yung lips nya nahalikan ko. Jusko!

"Ui Kath! Tumigil ka na nga sa kakasigaw." sabi ni Andria sakin. Kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw.

"Baka akala ng mga kapitbahay kung ano nangyayari sayo." Osige. Titigil na ako.

Nakita kong palihim na tumatawa si Daniel. Ay.

"Haay. Start na pala ng last sem bukas no? Ano bayan." mahinang sabi ko habang naka-pout.

Malapit na kaming grumaduate ng college. Haaay. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang e naglalaro pa kami sa damuhan.

"Oo nga pala! Yay! Makikita na natin ulit sila Enrique!" masayang sabi ni Andria. Ay nako. For sure crush na nya si Quen. Ayaw pa kasi umamin.

"Ui Danieeeel~ Paturo nga sa Calculus." sabi ni Andria kay Daniel.

"Ayoko nga. Kaya mo na yan malaki na." Ang bait na pinsan! Grabe!

"Tsk! Sige ka hindi kita ilalakad kay Kath." bulong nito kahit rinig ko naman.

"Oy! Ano yan? Narinig ko pangalan ko." Tanong ko lang. Bagay ba kami ni Daniel?

Kasi you know, kung pwede lang turuan ang pusong magmahal e.

"Wala to Kath. Sige punta muna kami sa kwarto naming tatlo. Group study." sagot nito at nagpunta na silang tatlo sa kwarto nila.

Naiwan na lang kaming dalawa ni Daniel dito sa living room. Omygod.

Tiningnan ko sya, nakatingin din pala sya sakin kaya umiwas ako ng tingin. May dumi ba ako sa mukha?

Pinunasan ko yung mukha ko at tiningnan ulit si Daniel. Nakatawa naman sya ngayon. Problema nito?

"Oy! Anong tinatawa-tawa mo dyan?" sigaw ko dito. Ang loko nakatawa parin. Sarap halikan-- este sapakin nito.

"Wala!" sabi nito habang nakatawa parin.

"Bahala ka nga!" tumayo ako. Makapunta na nga lang sa kwarto ko. Its time to study. Mahirap na bumagsak no!

"Ah!" sigaw ko dahil biglang may humila sakin pabalik ng sofa.

Si Daniel.

Nasa taas ko sya. Jusko rape! Rape!

"Pano ba yan Kath? Tayong dalawa na lang nandito." sabi nya ng may malalim na boses. Ay jusko po!

"Bitawan mo nga ako." hawak hawak nya kasi sa taas ng ulo ko yung dalawa kong kamay. Tapos yung paa ko naman inipit nya sa pagitan ng hita nya. How did he do that so fast?

"Pano kung sinabi kong ayoko?" nanloloko nyang sabi. Jusko. Baka magkasala ako ng wala sa oras.

"Bitaw!" sigaw ko sa kanya. Nakatitig lang sya sakin. Yung tipo bang matutunaw na ako.

Tinitigan ko din sya. Ay sige. Titigan na lang tayo.

Naka-ngiti sya. Pero ibang ngiti. Para bang may masamang balak.

Inch by inch we're moving closer. Nararamdaman ko na yung hininga nya.

Half inch nalang ang pagitan namin. Ano ba! Pinagpapawisan na ako dito. Bat sya parang wala lang?

Hahalikan na naman ba nya ako? Anong bang meron sa labi ko? Masarap bang halikan?

Napapikit na lang ako at naghintay.

...

"Pfft--HAHAHAHAHA!" napadilat naman ako ng biglang tumawa ng malakas tong si Daniel.

Bwisit! Akala ko hahalika na naman nya ako!

Oi Kath! Disappointed?

Yumuko ako dahil feeling ko sobrang pula na ng mukha ko. Nakakahiya! Baka iniisip nya na gusto kong halikan nya ako.

"HAHAHAHAHA!" Loko-lokong lalake to.

"Hmp!" tumayo ako at umakyat papunta sa kwarto ko. Bahala sya dun mamatay sa kakatawa.

"AHAHAHAHAHA." Teka.. Bat parang ang lapit lang nya?

Tumingin ako sa likod. Aba sinundan pala ako ni Daniel. Tumatawa parin sya. Mangiyak-ngiyak na nga e.

"Tsk." Di ko nalang sya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Isasarado ko na sana nang harangan ito ng paa ni Daniel.

"Ops!" pilit kong sinasarado pero hinaharangan nya.

"Oy Daniel! Dun ka na lang sa kwarto mo." sigaw ko habang pilit paring sinasarado ng pinto.

Nagawa ko na lahat ng pwesto para maisara yung pinto pero malakas siya. Hanggang sa makapasok na sya. Ang hina ko talaga. Huhuhu.

"Labaaas!" tinutulak ko sa palabas pero di ko sya kaya.

"Ayoko nga. Haha." sabi nya tapos ngumiyi ng nakakaloko. May binabalak talaga to e. Wag po! Bata pa ako!

"Kathryn, I've been waiting for this to come." binitawan ko sya. Umatras ako. Nakakatakot ang mga ngiti nya. Jusko Lord. Pinagsasabi nito?

"And now it's the right time." papalapit sya ng papalapit, ako naman atras lang ng atras.

Atras lang ako ng atras hanggang sa naramdaman ko na yung malambot kong kama. Hala!

"Ahh!" sigaw ko matapos tumalon sakin si Daniel at sabay kaming mapahiga sa kama ko.

"Ahahahahahahahaha!" Bigla naman nya akong kiniliti. One of my weaknesses.

"Ahahahaha! Tama na. Hahahahaha." mangiyak-ngiyak na ako kakatawa dito. Eto namang si Daniel tumatawa rin.

"Oy Daniel! Hahahahaha." Ayoko na. Hahaha!

"Ahahaha!---" nagulat kami parehas ng biglang may tumili.

"Ahhhhhh!!" sabay kaming napatingin sa pintuan. At nakita namin yung tatlong babae na nanlalaki ang mga mata at nakabuka ang mga bibig. Yung para bang amaze na amaze.

Nang matapos mag-loading sa utak ko kung bakit tumili yung tatlo ay naitulak ko si Daniel kaya bumagsak sya sa sahig.

"Ahhhh! Kath! Ano yang ginagawa nyo ha?" nanunuksong tanong sakin ni Clairee ng makarecover sila sa pagka-amaze?

"Wala ah. Nagkikilitian lang kami." Diretsong sagot ko habang inaayos yung buhok ko.

"Oi Kath! May atraso ka sakin. Ang sakit ng likod ko dahil sayo." reklamo naman ni Daniel habang hinihimas nya yung likod nya.

Sorry!

"Nagkikilitian daw. E bat nakapatong sayo si Daniel?" sabi naman ni Brittanie habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

"Mga iniisip nyo talaga!" sabi ko sa kanila at binigyan nila ako ng makahulugang mga titig.

"Andria! Baba na kayo. Kakain na!" narinig namin sa sigaw ni Tita.

Ay ang bilis ng oras.

"Opo Ma!" sigaw naman ni Andria.

"Baba na tayo!" aya ko sa kanila.

Tinitigan lang ako nung tatlo at ngumiti sila ng pilyo.

"Halika na Kath. Kung ayaw nila!" bigla naman akong hinili ni Daniel. Teka akala ko ba masakit likod nito?

"May kaylangan ka talagang ipaliwanag samin Kath!" narinig ko sigaw nung tatlo.

What did I do?

===

Hehe. ^-^ Another update! Reactions? Vote? Comment?

--Maria

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon