Chapter 2

2.3K 24 0
                                    

Daniel's POV

Hindi parin sya nagigising. Antukin talaga nito. Shhh lang kayo ha?

"Hmmm" sakto. Nagising din sya. Nandito na kami sa sinasabing garden ni Andria.

Nauna akong bumaba kay Kath. Syempre gentleman ata to!

Binuksan ko yung pinto na kotse. Nakapikit parin si Kath. Ang ganda nya talaga. Nakakabakla. Oy! Lalakeng-lalake to!

"Kath... Gising na." sabi ko habang dinuduro yung pisngi nya. Ang cute nya din pag natutulog. Medyo mamula-mula yung pisngi. Hay Kath. Bakit ba hindi mo ako magustuhan?

"Hmmm..." dahan-dahang bumukas ang mga mata nya. Pati mata nya ang ganda. Para bang kumikislap sa isang napakadilim na gabi.

Pagkadilat nya biglang nanlaki mata nya at natulak ako.

"Aray!" tumama yung tuhod ko sa semento.

"Anong gagawin mo sakin?! Rape! Rape! Kuya wag po! Bata pa po ako! Marami pa po akong pangarap na hindi natutupad. Uwaaaa!" imbis na maramdaman yung sakit ng gasgas ko ay natawa ako sa mga sinabi nya.

"Ahahahahahaha!" grabe si Kath. Rape agad? Pwede din. Willing ako. Joke lang. May respeto ako Kathryn.

"Hoy! Mr. Kidnaper anong tinatawa-tawa mo dyan?" mangiyak-ngiyak nyang sabi.

Nilapitan ko sya at niyakap.

"Tahan na Kathryn. Magtiwala ka sakin. Hindi kita sasaktan." sabi ko habang pinapatahan sya. Ayoko sa lahat ay makitang umiiyak sya.

Tinayo ko sya at hinawakan ang kamay nya. Sabay kaming pumasok sa ****** Garden.

====

Kathryn's POV

Hindi ko alam pero nung niyakap ako ni Mr. Kidnaper ay para bang nawala lahat ng kaba ko. Omaygaaaad. Hinawakan nya kamay ko. Shemaaaaaay!!

Pumasok kami sa... garden? Ata. Maraming mga halaman eh. Pine trees? Ewan.

"Mr. Kidnaper, Nasan po tayo?" tanong ko sa kanya. Ang ganda naman rito. *sparkling eyes*

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din pala sya sakin. Tapos ngumiti sya.

JUSKO PO ANG GWAPOOOO!

Umiwas ako ng tingin. Naalala ko yung nangyari kanina sa kotse nya. Nakakahiyaaaaa.

Pagkadating namin sa gitna nung garden may maliit na gazeboo ba yung tawag dun?

May mga lights tapos may table for two. Teka. Ano to?

Huwag mong sabihing idadate ako nitong kidnaper na to?

"BebeKathryyyyyyn!" napalingon naman ako sa pinanggalingan nung boses. Boses ni...

"Andriaaaaaaa!!" tumakbo ako papalapit sa kanya.

Aba nakauwi na pala tong babaeng to. Di man lang sinabi sakin! Hmp.

"Andriaaa! Di ka man lang nagsabi na uuwi ka na!" sabi ko dito tapos niyakap ko sya.

"Sorry BebeKath. Surpriseee!" Teka... Huwag mong sabihing sya may pakana nito?

"Enjoy the night." sabi nya tapos kinindatan ako. Tapos tumakbo sya bigla.

"Hoooy! Bumalik ka ditoooo!" sigaw ko pero di ko na sya makita.

"Kathryn!" nakita kong patakbo si Mr. Kidnaper sa pwesto ko.

"Kilala mo sya?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Highschool friends kami." sagot naman nito.

Ohh. Di sinasabi ni Andria'ng may gwapo pala syang kaklase nung highschool.

"Anong---" di ko natuloy sasabihin ko dahil hinili ako ni Mr. Kidnaper sa gazeboo.

Wow! Ang sasarap nung pagkain! Heaveeeen.

Pinaupo ako ni Mr. Kidnaper dun sa isang chair at sya naman umupo dun sa kabila.

So dinner date nga? Nakoo! Andria makakatay kita.

Nilagyan ni Mr. Kidnaper yung plate ko. Nakatingin lang ako sa mukha nya. Hmm. Gwapo naman sya. Crush ko na syaaa! Shhh lang kayo ah?

"Kath..."

"Kath..."

Snap! Oh shemay. Nahuli nya akong nakatitig sa kanya!

"Nagwapuhan ka na sakin no? Tsk. Alam ko nang gwapo ako. Crush mo na ako no?" pabiro nyang sabi tapos nag-wink sya.

Oh. Bumigay na akoooo. No no Kath! Act cool. Wooh!

"Che! Di ah. Gwapo daw. Di nga?" nag-aalangang sabi ko.

Humawak sya sa dibdib nya at umaktong nasasaktan. "Aww! Masakit Kath." Adik to. Di bagay sa kanya.

"Ahaha! Kumain na nga lang tayo." sabi ko dito tapos kumain na ako ng kung ano man ang nilagay nya sa plato ko.

"Ganda mo talaga." narinig kong bulong nya. Binulong pa nya narinig ko naman.

Teka... Bakit nag-blush ako?

==

Natapos na kaming kumain. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench. Nagstargazing. Ang liwanag ng mga stars ngayon. Waaaaa~

"Mr. Kidnaper ano nga pala pangalan mo?" Akalain mo yun. Medyo naging close ako dito. Mr. Kidnaper parin tawag ko sa kanya, e sa di pa nya sinasabi pangalan nya sakin.

"Ehem. Oo nga pala. Daniel Padilla, 18. Gwapo. Mabait." sinama nya talaga yung gwapo ano?

"Ahh." inaantok na ako. Antukin ko talaga.

"I love you Kath." Huh?

===

Sabaw ng chapter 2 no? Sarreh~ :3

Next update coming up!

--Maria

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon