Chapter 17

306 12 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Andriaa!" sigaw ko sa kanya dahil saktong pagkalabas namin ni Daniel sa room ay lumabas din sila Andria.

May kaylangang ikwento sakin tong babaeng to.

"Oh bakit Bebe Kath?" nagtatakang tanong nya.

Bumaba na kami para mamasyal. Yay!

Tinabihan ko sya at nginitian ng malapad. "Yung kahapon, ayieee. Baby pala huh?" asar ko sa kanya at nanlaki naman bigla ang mata nya.

"Oy Kath! Anong baby ka dyan?" bulong nito sakin. Haha! Namumula sya oh!

"Wala. Laters baby!" sabi ko tapos kinindatan sya at binalikan si Daniel.

"Anong sinabi mo dun?" tanong nito tapos inakbayan nya ako.

"Wala lang, baby. Haha!" sabi ko at napatawa ng kaunti.
Lintek na baby yan! Haha!

Kumunot lang ang noo ni Daniel at  nagkibit-balikat lamang ako.

"Guys sa ano tayo pumunta. Sa ano..." biglang sabi ni Britt habang naglalakad kami.

"Sa ano?" tanong ni Clairee.

"Sa ---" naputol ang pagsasalita ni Britt ng may sumigaw at biglang umakbay kay Andria.

"Sa Musée du Louvre!" masayang sabi ni Kevin sabay kindat kay Andria.
Mga fungi yata 'tong tatlo na to. Bigla nalang susulpot.

Napatingin ako kay Calvin at nakita kong nakatingin din sya sakin kaya ngnitian ko na lang din.

"Hoy. Layuan mo nga ako." sigaw dito ni Andria at pilit na inilalayo sa kanya si Kevin.

"Ayieeee!" bigla namang asar ni Clairee.

"Hoy babae! Tigil-tigilan mo lang ako." naasar na sabi nito.

Tumawa lang kaming lahat at iniwan silang dalawa, kaya nauna kaming maglakad sa kanilang dalawa at sila ang nasa hulian.

"Maganda dun. Nandun yung portrait ni Mona Lisa." nakangiting sabi ni Tom.

Nagkatinginan kaming lahat. At sabay na napatingin dun sa dalawa.

"Marunong kayo mag-Tagalog?!" pasigaw na tanong namin sa mga ito.

Natawa sila bigla sa reaksyon namin at tumango na lang.
"Marunong po kami. Trip lang ni Kevin kahapon na mag-English kaya nadamay kaming dalawa." natatawang sagot ni Calvin.

"Teka, bakit ka pa nag-po?" nagtatakang tanong ko.

"Mas bata po ako sa inyo ng isang taon." sagot na lang nito.

Nagkatinginan kami bigla ni Clairee at sabay na napatili.

"Aahhh! Ang kyut mo Calvin!" sigaw ko tapos pinisil ang magkabilang pisngi ng lalake.

"Ang cute mo rin Tom! Kyaaa!" sigaw naman ni Andria.

Yung dalawang lalaki naman ay kumunot ang noo pero nakabawi din sila agad at ngumiti na lang.

Kahapon ko pa iniisip yung mukha ni Calvin e. Baby face kasi sya. Ang kyut lang! (Calvin, Tom, & Kevin on the multimedia)

Sa gitna ng pag-kukurot namin sa dalawa ay nahinto ito ng biglang may tumikhim.

"Ehem!"
"Ehem!'
Sabay pa talalaga sila?

Napatingin kami sa dalawa pang lalaki. E sino pa nga ba?

"Ah Kath bilisan na natin sa museum na yun." seryosong sabi ni Daniel tapos hinila ako palayo kay Calvin. Nag-pout naman ako, ehh!

"Oo nga bro. Ano Calvin san ba yun?" hinila din ni Quen si Clairee palayo kay Tom.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon