Chapter 27

195 5 1
                                    

Kathryn's P.O.V.

"Oo nga. Nanonood ako. Pinapanood kong manood ng sunset ang pinakamagandang babae sa mundo."

"Oo nga. Nanonood ako. Pinapanood kong manood ng sunset ang pinakamagandang babae sa mundo."

"Oo nga. Nanonood ako. Pinapanood kong manood ng sunset ang pinakamagandang babae sa mundo."

----

Nagising ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Huh? Sino naman ang mag-tetext ng ganito ka-aga?

"Daniel. Pakipatay muna nga." nakapikit kong sabi kay Daniel.

Nagtaka ako dahil wala akong naramdamang bumangon at patuloy pa rin sa pag-ring yung cellphone ko.
Kinapa ko ang tabi ko at napadilat na lang ng wala akong nakapang katawan ni Daniel. Huh?
Napabangon ako ng wala sa oras at kinuha yung cellphone ko. Sino ba naman kasi 'tong nag-text na 'to?

Inopen ko muna yung cellphone ko para tumigil yung pag-riring. Nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Parang may kulang. Huh? Teka? Nasan yung mga gamit ko?! At ni Daniel?!
Hala! Napasok ba kami ng magnanakaw?!

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Jusko! Anong nangyayare?!

Hinaluhog ko ang buong room. Sa banyo, wala. Sa mga cabinet, walang bakas ng kahit ano ni Daniel. Sa table naman sa gilid ng kama, wala din! Cellphone ko lang ang kaisa-isang gamit na nandun. Jusko! Grabe namang magnanakaw yun! Inubos lahat ng gamit namin! Pati mga pabango ko. Grabe! Tapos mukhang kinidnap pa ata si Daniel! Hala ka!

Nakangusong umupo ako sa kama. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano ng gagawin ko? Wala namang naiwan na pera dito. Nilibot ko ang tingin ang buong kwarto. Nang madaanan ng tingin ko ang cellphone ko ay may naisip ako bigla na dapat ay kanina ko pa ginawa.

Sila Andria!

Sinubukan kong tawagan sila. Pati na rin si Daniel pero ang laging sumasagot sakin ay,

The subscriber's cannot be reach. Please try again later.

Uwaaaaa! Nasan na sila? Bakit hindi ko sila makontak? Waaa!

Lumabas ako ng kwarto kahit naka-shorts at simpleng white t-shirt lang ako. Baka mga tulog pa yung mga yun.

Pero nang papunta na ako sa kung nasan yung mga kwarto nila ay napahinto ako nang biglang may lumabas na staff ng hotel.

Kumunot ang noo ko at nilapitan yung babae.
"Uhm, ate? Nasan po yung mga tao sa kwarto na mga 'to?" tanong ko sa babaeng mukhang matanda sakin ng limang taon.

"Naku Miss. Nag-check out na po sila. Kagabi ng madaling araw. Pati nga po yung kasama nyo sa kwarto na lalaki." sabi nito at sinara yung pinto.

Dahan-dahan akong tumango" Ah sige po. Salamat," sabi ko at bumalik sa kwarto namin ni Daniel.

Iniwan na talaga nila ako! Waaa! Bat sila ganun?! Mga nang-iiwan!

Nang makarating ako sa kwarto namin ni Daniel at saktong binagsak ko sa kama ang katawan ko at bumagsak din ang mga luhang kanina pa yata gustong lumabas.
Binaon ko ang ulo ko sa kama habang humahagulgol.

Ano ang dahilan nila kung bakit nila ako iniwan dito sa hotel?! Dito sa Boracay?! Wala naman akong naalala na ginawa para gawin nila 'to ah? Bakit?! Bakiiit?
Parang kahapon lang ang saya-saya naming lahat tapos ngayon iniwan nila ako?! At si Daniel! Akala ko ba hindi nya ako iiwanan kahit anong mangyari? Ang anyare ngayon?! Nasan sya?

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Naalala ko na may nag-text nga pala sakin. Baka isa sa kanila yun. Pero ayokong umasa. Masakit.

Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan yung text na dumating.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon