Kathryn's P.O.V.
Hindi parin ako makaget-over kagabi. Hays. Di dahil sa kiss ni Daniel ngunit dahil sa nakita ko pagtingin ko sa bandang likod nya. Tama nga ang hinala ko. Sinundan nya kami dito. Sino pa ba? E di si Sam.
Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil dun sa mga ngiti na naman nya. Ngiting nakakapatay. As in literal na nakakapatay. Hindi dahil sa kilig, o kung ano pa man. Kundi dahil sa takot at kaba.
"Kath?" Napalingon ako kay Daniel. Nag-aayos na kasi kami ng mga gamit namin. Mamayang ten o'clock sakto ng gabi ang flight namin pabalik sa Philippines. Waa. Ang bilis. Malapit na akong magpaalam sa Paris. *cries*
"Hmm?" Ungol ko tapos sinara oo yung maleta ko sabay upo sa higaan.
"Okay ka lang?" Nag-aalala nitong tanong.
"Uhm.. Oo naman," sagot ko sa ngiti ng bahagya.
"Kagabi kasi, baling ka ng baling sa kama. May bumabagabag ba sa'yo?" Nahalata nya pala yun kagabi? Tsk. Bwiset na Sam."W-wala naman, Daniel. Okay lang talaga ako, praaaamis!" Sagot ko pinuntahan sya at niyakap.
"Kelan ka pa naging clingy?" Medyo natatawa nitong tanong kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba?" Tanong ko sabay pout.
Muahaha! I know you can't resist me, Daniel-
*tsup*
Sabi na e.
"Wag kang mag-pout sige ka. Papaulanan kita ng halik dyan," nakangising sabi nito at binelatan ko lang sya sabay takbo.
"Habulin mo muna akooo~" sabi ko habang tumatakbo at siya naman ay hinabol nga ako.
"Pag nahuli kita. Lagot ka sakin. I'm serious," sabi nito habang nakangising hinahabol ako. Tumingin ako saglit sa kanya at tumakbo ulit. Serious pala huh? E bat nakangisi?
Binato ko sya ng una na galing sa higaan pero nakaiwas sya agad. Kinuha naman nya yun at binato sakin. Binato ko ulit sa kanya kaya napatigil ako. Tumigil din sya sabay bato sakin ng ibang unan. Kaya ayun ang ending nag-pillow fight kami sa ibabaw ng kama.
"Yaaaaa!" Sigaw ko habang pinapalo sya at sya naman ay tawa lang ng tawa kaya hindi ko mapigilang mahawa sa tawa nya.
Guminto sya at ngumisi. Bakit ba ang hilig nyang ngumisi ngayon?
"Huli ka!" Sigaw nya sabay hawak sa magkabilang braso ko kaya napasigaw ako.
"Kyaaa!" At saktong pagsigaw ko ay na-out of balance ako bigla kaya ang landing namin ay sa kama. At nasa ibabaw ko sya. OH MY GOD."Nahuli rin kita," nakangisi parin nyang sabi.
"Madaya ka e," sagot ko naman sa kanya tapos natawa sya ng kaunti.
"Pano ba yan? Nahuli kita. It means..." pabitin nyang sabi pero alam ko naman kung anong gagawin nya kaya tinawanan ko lang sa.
"Wag mo kong tatawanan, Kathryn. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," sabi nya ng nakangisi parin. Bakit ba ang gwapo nya kahit saang anggulo?
Mga isang dangkal lang ang pagitan namin kaya hindi ko mapigilan na titigan ang napakagwapong mukha ng boyfriend ko.
Naiimagine ko na ang future na kasama sya. Ang saya lang.
"Baka naman matunaw na ako nyan, Kathryn?" Nakangiti nya sabi kaya natauhan naman ako.
"Ang kyut-kyuut mo talaga!" Sabi nya sabay pisil sa kaliwang pisngi ko gaming yung isa nyang kamay. Dahil yung isa ay nakasuporta sa kanya sa may higaan.
"Ang gwapo-gwapo mo talaga!" Bigla ko nalang nasabi kaya lalo naman syang ngumiti.
"Alam ko," proud na sabi nya at hinalikan ako sa ilong.
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNiel
Fanfiction"Hindi na ako magpapakidnap sa iba dahil sa una pa lang kinidnap mo na ang puso ko..."