Chapter 6

461 14 1
                                    

Kathryn's POV

Narito kaming lahat sa kitchen. Nagutom ako bigla nang makita ko na sinigang na buto-buto ang ulam. Yummy! My favorite!

"Kath, laway mo." nabalik naman ako sa katauhan ng biglang nagsalita si Clairee. Panira ng moment.

Pupunasan ko na sana nung tissue pero naunahan ako ni Daniel.

"Takaw kasi." nakangiting sabi nito habang pinupunasan yung tumulo kong laway.

Ay kadiri ka Kath! Kahihiyan na naman para sa sarili mo.

Nagpout naman ako. "Eh kasi nakakamiss yung sinigang ni Tita." kumuha na ako na ulam ko at ready to fight na! Yum!

"Wag kang mag-pout. Sige ka hahalikan ulit kita." natigil naman ako sa sinabi ni Daniel.

"Seryoso?" nanlalaking matang tanong ko sa kanya.

"Bakit gusto mo ba?" nanunuksong tanong nya.

"Oy hindi ah!" depensa ko. Masama ba magtanong ha?

"O sya sya. Mamaya na kayo maglambingang dalawa. Kumain na tayo. Nagugutom na ang ahas sa tyan ko." natatawang sabi ni Andria.

"Lambingan ka dyan!" Loka-loka talaga ng mga to.

--

Nandito kami ngayon sa Movie Room nila Andria. Yaman nila no? Dahil napagpasyahan naming mag-movie marathon ng ganitong oras. Mga adik talaga ng kasama ko.

Kasalukuyang nag-aaway yung tatlo kung ano ang papanuorin. Kung romance, horror, or cartoon. Haay.

"Romance nalang! May kasama naman tayong dalawang ibon dito e." sabi ni Clairee.

Ibon daw? Nasan? Tsaka ano koneksyon ng ibon sa romance?

"Horror maganda!" sabat naman ni Brittanie. Hay nako. Aabutin kami ng syam-syam dahil sa tatlong to.

"Cartoon nga----" di natuloy ni Clairee yung sasabihin nya ng sumigaw si Daniel.

"Oy kayong tatlo! Manonood ba tayo o mag-aaway nalang kayo dyan?" natahimik naman bigla yung tatlo.

"Sorry Deej. Romance slash Drama nalang." sabi ni Brittanie. Omg! Anong klaseng romansa naman kaya ang papanoodin namin?

Nilagay na nila sa player yung CD at nagstart na.

'The Fault In Our Stars' yung title ng movie. Aba akalain mo. May original DVD agad nito sila Andria.

--

Nandun na kami sa part na nasa Amsterdam na sila. Yung nasa museum ba yun?

Paakyat sila nung matatarik na hagdan. Halata dun sa babae na nahihirapan na sya.

Pano kaya kung may ganyan akong sakit?

Ay wag naman po! Mahal na mahal ko ang buhay ko.

Napatingin ako sa gilid ko ng may marinig akong humihikbi. Si Brittanie.

"Huhuhuhu. Kawawa sila. Uwaaaaa~" magsusuggest ng drama, maiiyak rin pala.

Ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa screen. Nandun na sa part na nasa pinakataas na sila nung museum. Hinalikan na ni boy si girl.

"Kyaaaa! Ang swerte niya." kinikilig na sabi ni Andria.

--

Eto na. Eto na. Eto na ata yung sinasabi nila na 'matured part' nung movie.

Tiningnan ko sila Andria. Ayun tulog. Haha! Di kinaya ang puyat.

Tiningnan ko naman si Daniel. Na nakatingin din pala sakin. Seryoso lang sya nakakatakot naman tong taong to. Makatitig tutunawin na ata talaga ako.

--

Makalipas ang ilang minuto ay malapit na atang matapos yung movie. At dito na sa part na to ako naiyak.

Yung sa libing nung lalake. Namatay sya. Huhuhu. Naiiyak na ako. Shemay. Nandun na sa pary na may binigay na letter yung matanda sa babae. Sa una ayaw nyang basahin yung letter. Pero sa huli ay binasa nya rin.

Eto na talaga yung pinaka nakakaiyak na part.

*snif*

*snif*

Nakakawa silang dalawa. Ang akala ko pa naman ay forever ang pagmamahalan nila. Yun pala may mamamatay na isa.

Nakakalungkot lang kasi yung mga panahong akala mo na okay na ang lahat pero hindi pala. Never magiging okay ang lahat. Magiging okay man pero panandalian lamang. Ganyan ang buhay. Napaka-unfair. Yung mga panahon masaya na kayo pero maya-maya mawawala din. Lahat talaga ng kasiyahan ay may kapalit.

Kaya natatakot na ako. Natatakot na akong magmahal muli.

Gaya nung nangyari samin ni Sam.

Ay teka. Bat ba naalala ko na naman sya? Bwisit.

Patuloy parin ang pag-buhos ng luha ko. Hindi ko mapigilan e. Nadadala ako dun sa storya.

Naramdaman ko na may yumakap sa akin. Si Daniel to panigurado.

Hinihimas nya yung likod ko na nagawawaring pinapatahan ako.

Ang bait nya. Bakit di ko sya magustuhan?

Di ko namalayan pagkatapos ng ilang minuto ay nakatulog na ako.

"Kathryn hinding-hindi kita iiwanan." marinig kong bulong ni Daniel at tuluyan na akong nakatulog sa yakap nya.

===

Yuhoo. Naiiyak na naman ako. Naalala ko nung pinanood namin yung TFIOS ng bestpren ko. Haha! Anyways, Kamusta kayoo?

--Maria

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon