Epilogue

111 2 0
                                    

Kathryn's POV

"Diba sabi mo dati? Na gusto mong ikasal sa kung saan ikinasal sina Tito at Tita?"

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko at napanganga sabay napatakip ng bibig.

San *** Church

Dito kinasal sina Mama at Papa. Ang dami naming memories dito nung bata ako. Linggo-linggo ay nagpupunta at nagsisimba kami dito. Naka-close ko na nga yung ibang mga tindera dito dati. Palagi ako sa kanilang bumibili ng samalamig o ng mga laruan. At dito ko din nakilala sila Andria. Five years old ako nun. Alalang-alala ko pa.

­­­ "Mama! Mama! Laruan!" sabi ko kay Mama sabay turo dun sa nag-iisang Barbie na naka-lagay.

Tumakbo ako papunta sa Barbie at kukunin sana yun nang may kamay din akong kasabay na kumuha. Tiningnan ko yung batang babae na nakahawak din sa Barbie at nginusuan sya.

"Ako naunaaaa," sabi ko sa kanya na may halong pagbabanta.

"Sige, sayo na yan. Iba na lang kukunin ko," nakangiting sabi nung batang babae sabay abot sa akin nung Barbie.

"Yehey! Salamaaat! Ako nga pala si Kathryn," sabi ko sabay ngiting malapad sa babae.

"Ako naman si Andria. Pwede friends na tayo?" nakangiting tanong ni Andria sa akin.

"Sige ba! Friends na tayo!" nakangiting sagot ko.

Nagulat ako at nabitawan yung Barbie nang bigla nya akong niyakap. Saglit lang yun at kumalas din sya.

"Salamaat! Sige, kita ulit tayo ah?" nakangiti nyang paalam sabay tumakbo.

Winagayway nya yung kamay nya at ganun din ang ginawa ko na may malapad pang ngiti sa mukha.

"Babye Andriaaaa!" sigaw ko hanggang sa nawala na sya sa dami ng tao.

Tiningnan ko si Daniel at nakangiti lang sya sa akin. Hindi ko napigilan at nayakap ko na lang sya bigla.

"Salamat, Daniel. Salamat," hindi ko na napigilan na bumuhos ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte dito kay Daniel. Sa dami nang nangyari samin ay masasabi ko na mas lalo pang lumalim ang pagmamahal ko para sa kanya. Sa mga nagdaan na taon ay lalo ko syang minahal. Hindi ko akalain na ang gwapong kidnaper ko noon ay mamahalin ko pala ngayon. Ang kidanper ko na wala nang kasinggwapo. Ang kidnaper kong mahal na mahal ko higit pa sa lahat. Hindi ko na lang alam ang gagawin ko kapag nagkahiwalay pa kami. Feeling ko ay mawawala ako sa sarili kapag nawala pa si Daniel sa akin.

"Kath, basta para sayo, gagawin ko ang lahat," nakangiting sabi ni Daniel sabay punas ng mga luha ko gamit ang likod ng kamay nya.

Nakita ko sa mga mata nya na paiyak na din sya pero pinipigilan nya lang.

"Dami mo talagang pakulo sa buhay," natatawang sabi ko pero umiiyak pa rin. Abnormal lang 'no?

"Ako pa ba? Daniel Padilla eh," nakangising sabi nito.

"Tara na? Hinihintay na tayo ng pari oh," sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Sabay kaming naglakad papunta sa entrance ng simbahan. Sa labas ay sinalubong kami nina Andria.

"Oh Daniel!! Tagal nyo ah. Akala naming nag-honeymoon na kayo agad eh," pabirong sabi ni Quen.

Pinalo naman sya ni Daniel sa braso sabay nagsitawanan yung mga lalake, "Loko! Honeymoon agad?"

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon