Chapter 24

153 5 1
                                    

Kathryn's P.O.V 

Two piece o one piece? Ah! Ano ba isusuot ko? Beach yun e. Kaya dapat mag-two piece ako. Sexy naman ako e. Pero ito kasing si Daniel, pinipilit na mag-short at t-shirt na lang ako. KJ talaga!

"Eto na lang kasi! Bagong bili pa naman 'to nila Mama." sabi ko at ngumuso.

Umupo si Daniel sa kama ko.
"Wag ka na mag-two piece! Hindi ka naman sexy." sabi nito at kinuha yung two piece sakin.

"Eehh! Please?!" pag-mamakaawa ko tapos niyakap sya mula sa likod.

Bale nakaupo parin sya tapos nakaluhod ako sa kama para makayakap sa kanya.

Hinarap nya ako at hinawakan ang mag-kabilang balikat ko.
"Huwag makulit, Kath." mahinahin nitong sabi.

Ngumuso ako at tumango.
"Okaaaaaay."

Bumuntong hininga ako at bumalik sa pag-aayos ng mga damit na dadalin ko bukas.
Pupunta kasi kami ng Bora! Yay! Matagal-tagal na rin nung huli ako nakapag-swimming.

"Kath, uwi muna ako. Mag-aayos lang ako ng gamit ko. Huwag mo na akong masyadong mamiss. Isipin mo na lang ang kagwapuhan ko. Labyu!" nakangisi nitong sabi at hinalikan ako ng mabilis sa cheeks.

"Sige. Labyu too! Ingat ka." nakangiti kong sabi at tuluyan ng umalis si Daniel.

Tiningnan ko yung two piece na nasa kama. Napabuntong hininga ako at kinuha iyon. Nilagay ko iyon sa bag ko at sinara.

Hindi naman malalaman ni Daniel na dinala ko, diba? Hehehe.

-----

"YOU CAN TAKE EVERYTHING I HAVE!" kanta naming mga babae. Or sigaw? Haha!

Nasa byahe na kami patungong Bora. Nasa iisa kaming van nila Daniel, Britt, Andria, Clairee, Tom, Kevin, Quen, at Calvin. Ang nag-mamaneho ay si Kevin na katabi si Andria sa passenger seat. Nasa harap kaming mga babae at yung mga lalake ay nasa likod.

Nakabukas ang mga bintana para feel ang simoy ng hangin at nagpapatugtog sila ng USB.

"LIKE A SKYSCAPER!~" mag-isa ng kumanta si Andria. With feelings at may papikit-pikit pa.

"GO RUN RUN RUN!" sinabayan na naming girls ang kanta.

Dahil nasa may bintana ako ay sumilip ako sa bintana at nilabas ng kaunti ang mukha ko. Hindi pa man nakalabas ang mukha ko ay ramdam na ramdam ko na ang hangin. Mag-hahapon na at malapit nang mag-sunset. Sakto. Para pagdating namin sa Bora manonood kami ng paglubog ng araw.

"Girls! Magpatulog naman kayo!" napatingin kami sa limang lalaki na nasa likod.

Nakakunot ang kanilang mga noo at nanliliit ang mata. Hala! Mukhang nadistorbo yata namin sila.

"Tutulog-tulog kasi kayo." pag-tataray ni Clairee.

Pumikit na ulit sila at bumalik sa pagtulog.

Narinig ko namang tumatawa si Kevin. "Matulog na rin kayo girls. Mga dalawang oras pa ang byahe." tumingin saglit si Kevin kay Andria at hinawakan ang kanay nito na nakapatong sa hita niya.

"Tulog ka na, babe." nakangiting sabi nito kay Andria at tumago naman ang babae.

Hay nako! May pa-babe babe pa sila.

"Langgamin pa kayo dyan!" sabi ni Britt at umayos ng upo para matulog. Ganun rin ang ginawa ni Clairee kaya nakigaya na lang ako sa kanila.

Binaling ko ang ulo ko sa may bintana at pumikit.

Kelan kaya kami magkakaroon ng endearment ni Daniel babe?

----

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong para akong lumulutang. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata. Nanliit ang mata ko nung una pero nang makabawi ay tuluyan na ako dumilat. Naramdaman kong nasa higaan ako kaya sinuri ko ang paligid. Nakita kong inaayos ni Daniel sa isang gilid ang mga gamit naming dalawa.

Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon