"Ikaw muna unang pumasok sa loob" wika ng ate niya.
Nasa harap sila ngayon ng bahay nila sa cavite kung saan nakatira ang mga magulang niya.
"Sige" tugon niya.
"Tas susunod kami" Dahan dahan naman silang pumasok sa loob ng bahay.
Wala lang tao sa loob ng sala pumasok naman ang dalawa.Si kuya jhezter naman ang may bitbit ng mga maleta.
Inilagay nito ang mga dala nitong gamit sa tabi ng pinto.
"asan sila" mahinang tanong ng kapatid sa kaniya.
"Ewan baka nasa kusina" pabulong niyang saad.
Marahan siyang pumasok sa loob ng kusina. Doon niya nadatnan ang mga magulang niyang kumakain.
Napatingin naman ito sa gawi niya. Nanlaki ang mga mata ng mga magulang niya sa nakita.
"Joyy!" sigaw ng ina niya. Lumapit ito para yakapin siya.
Niyakap naman niya ito pabalik.
"Buti naman at napabisita ka dito sa bahay. Miss na miss kana namin ng papa mo" Hinawakan naman ng nanay niya ang muka niya saka hinaplos.
Ngumiti siya.
"Na miss ko rin po kayo ma, pa" Saka niya hinalikan ang ina sa pisnge.
"Buti kapa nakakaalalang bumisita dito sa bahay, yung ate mo matagal ng hindi umuuwi di na ata naka alala"Malungkot na saad ng ina.
"Anong di na kaka alala. Im here" Biglang sulpot ng kapatid sa pintuan. Nagulat naman ang ina.
"Grace!" tili ng ina saka mabilis na niyakap ang kapatid niya." akala koy nakalimutan mo na kami ng papa mo" naiiyak na saad ng ina.
"Ayan po ang never na mang yayari, hinding hindi ko po kayo malilimutan ni itay. Sa lahat ng mga sakripisiyo niyo sa akin."
Kumalas naman sa yakapan ang dalawa.
"Papa" saad ng kapatid ng makalapit sa ama. Niyakap ito ng ate niya. Lumapit narin siya para yakapin ang ama.
"Na miss ka namin" Wika ng kapatid.
Niyakap naman sila pabalik ng ama. Dumalo narin ang kaniyang ina sa yakapan.
"Family hug!"
Kumalas naman ang kapatid niya. Saka bumuntong hininga.
"Ah ma, pa may ipapakilala po sana ako sa inyo" Tiningnan naman niya ang kapatid.
"Ano yan nak" sagot ng ina.
Pumasok naman sa loob si kuya jhezter, lumapit ito sa tabi ni ate Grace.
"Ma, pa asawa ko nga pala si Jhezter" kinakabahan nitong saad. Ngumiti naman si kuya jhezter.
Kita ang gulat sa mga muka ng mag asawa.
"Asawa!" sigaw ng ina sa gulat.
"Hello po" bati ng asawa ni ate kayna mama.
"Kailan pa?" tanong ng ina.
"Nakaraang taon pa po ma" Sagot naman ng kapatid na nakayuko sa ina.
"Kasal kana pala pero, di mo man lang sinabi sa amin. Di mo man lang kami inimbitahan ng tatay mong dumalo sa kasal niyo.?" nag tatampong wika ng ina.
"Wala naman po kasing naganap na kasalan ma, pumirma lang kami sa marriage contract. And mag papakasal palang po kami ni jhezter sa simbahan." paliwanag ng kapatid.
Tumango tango naman ang ina.
"oh sya sya, sighe na maupo na kayo at saluhan niyo kaming kumain. Sigurado akong di pakayo nag tatanghalian."
BINABASA MO ANG
Loving My Sister Husband
RomanceR-18| Parental Guidance is Advice I know loving my sister husband is a sin but I don't care what will gonna be the consequences of this but i still love my sister husband. What do you think what would be the next thing will happen for Joy because of...