Chapter 7

0 0 0
                                    

Meeting with the Elders

Mabilis niya ring nahawakan ang siko at hinablot niya ako paharap sa kanya. Dumapo ang isang kamay ko sa dibdib niya. Mamasamasa pa ang katawan niya galing ligo. May mga kaunting tubig na tumutulo sa katawan niya galing sa kanyang buhok. Ngayun ko lang din na pagtanto na nakatuwalya lang pa la siya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Isang pulgada lang ang distansiya nang aming katawan.

"wag mo akong hawakan." giit kong sabi sa kanya.

"bakit ka galit?" kunot ang noo niyang nagtanong sa akin. Hawak niya pa rin ang siko ko.

"I just want Markus, now" maygiit pa rin ang mga salita ko sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"papunta na siya dito..... Bakit si Markus ang hinahanap mo?" kunot pa rin ang noo niya. Ang mga mata niyang hindi bumibitaw sa katititig sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Bumitiw ako sa titig niya. Inilipat ko ang paningin ko sa sahig. Dahandahan niya ring binitiwan ang siko ko.

Tinalikuran ko siya.

"maliligo lang ako" sabi ko nang hindi siya tiningnan.

I took my shower for almost an hour. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa amin ni Kessler. Galit ako. Galit ako dahil kaya niyang iwan ako at pakasalan ang e rereto sa kanya. Babawalain lang niya ang kapares niya kapalit nang iba. I hate him.

Tinawagan ko si Ava pero ang sabi niya nakauwi na daw siya sa mansion nila. She doesn't know what happened. May sariling problema din siya kaya mas pinili kong hindi nalang sasabihin sa kanya ang pangyayari sa buhay ko.

May kumakatok habang nag susuklay ako sa basa kong buhok. Wala na si Kessler pagkalabas ko galing banyu.

Dahandahan kong binuksan ang pintuan. Bumungad agad sa harapan ko si Ginang Gina.

"Nasa hapag na ang Alpha. Nag hihintay na siya sa iyo."

"okay" sumama na ako kay Ginang Gina kahit basa pa ang buhok ko. Bukod sa gutom na ako baka maliligaw nanaman pag hindi ako sasama sa kanya ngayun.

It's a long table at nasa dulo si Kessler nakaupo. The tablewares set up perfectly. May flower arrangement pa sa gitna nang lamesa. Pinaupo ako ni Ginang Gina sa tabi ni Kessler. It's like an American tableware setup. Our waiter serves the food with proper etiquette.

Kessler dressed like he had an event tonight. May lakad kaya siya ngayun?habang ako ay naka maxi dress lang at inilugay lang ang buhok. Walang make up at naka flip flop lang. Nothing at all. If may lakad siya, that means dito lang ako sa kastilyong to. Hindi niya ako isasama... Baka may date. Pero kung may date siya bakit nakikipag haponan siya kasabay ako?

Umiling nalang ako para mawala ko sa isipan ang mga tanong ko.

Nang naubos ko na ang main course ko, inubos ko rin ang wine ko nang isang inom lang. Ramdam ko ang pagtitig ni Kessler sa akin. He sips his wine too.

"Nasa opisina ko na si Markus." sabi niya sa akin.

"That's great. Kailan ko siya makausap?"

"If you want now. We can go to my office."

Tumayo agad ako pagkatapus niyang sabihin 'yun. Tumayo na rin siya. Hinawakan niya ang baywang ko at lumabas na kami sa dining area. May mga waiters at iba pang taga pagsilbi na nakatingin sa amin kaya hindi na muna ako pumalag sa ginagawa niya.

"Wala nang tao Kessler, pwedi mo nang kunin ang kamay mo sa baywang ko." Umangal ako pakalabas ko namin sa dining area.

Huminto siya at napahinto rin ako. Kasi hinawakan niya nang mahigpit ang baywang ko. Nasa tiyan ko na ang kamay niya.

Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)Where stories live. Discover now