Ikaw pa rin.A very familiar smell, a very familiar memory. Na parang kailan lang na hatid-sundo niya ako gamit ang kotseng 'to.
Ako pa ang bumili nito na buong akala ko ay pinapangarap niya lang na magkasasakyan nang ganito; isang Haring Alpha pala ang iniibig ko. Kung kotse lang ang pag-uusapan ay wala lang to sa mga sasakyang meron siya.
Si Kessler ang nagda-drive habang nasa passenger seat ako. Gaya ng dati, naka-convoy pa rin kami ng mga personal bodyguards niya. He's wearing an American suit kaya hindi ko makikita ang braso niya, pero bakit sa tuwing kumikilos ang mga kamay niya sa steering wheel, minsan lumilipat sa gear shift, ay mag-iiba ang timpla ng pakiramdam ko?
Naiimagine ko ang mga braso niya na habang mahigpit niyang hinahawakan ang manubela ay lumalabas din ang mga ugat sa braso at pawisan dahil sa...
I shook my head. Hindi puwedeng pagnanasaan ko siya ngayon. Wala na ako sa posisyon bilang asawa niya. Hindi puwede.
"Bakit ako ang isinama mo?"
"Why not?" Kunot ang noo niya pero nasa kalsada pa rin ang mga mata.
"Hindi ba magagalit ang girlfriend mo? This is a socialite party, maraming makakita sa akin doon."
"Sinong girlfriend?"
Napilitan akong tumingin sa kanya.
"Girlfriend mo."
"Huh, anong pinagsasabi mo?"
Ngumuso ako at tumingin na lang muna sa labas. Bakit niya ba dine-deny?
"Milo and Ross will be there."
Tumingin ulit ako sa kanya. "Bumisita ako minsan sa library ng school at tiningnan ang mga lumang newspapers and magazines. Walang kwento tungkol sa Nahalin at sa pag-alis ko."
Napakagat-labi ako at ngumuso.
"Does this mean you controlled the media about it?"
"Yes." Kompirma niya.
"Bakit?"
"For Eros."
Lutang akong tumingin sa kanya.
"I'm sorry." I simply said.
Biglang tumaas ang busina ng sasakyan at mabuti ay naka-seatbelt ako at hindi ako nausod.
"Take off your hands."
Hindi ko namalayan na nakahawak pala sa hita niya ang isang kamay ko. Sa lahat nang pwedi kong mahawakan ay sa hita pa niya na punta ang kamay ko.
He stiffened and I saw his face redden.
Dalidali ko namang kinuha ang kamay ko.
"Don't do that again." Medyo tumaas din ang boses niya.
"Hindi ko naman sinasadya. Nagulat lang ako na bigla ka nalang nag-break diyan."
He nodded a little pero nakapikit ang mga mata at nakayuko ang ulo sa manubela.
My heart hurt. Alam kong wala na akong lugar sa kanya at hinanda ko na ang sarili ko sa puntong ito, pero bakit nasasaktan ako ngayon? Kasalanan bang hawakan siya? Hindi ko naman sinadya.
"I will be more careful next time," Sabi ko.
Nang nasa pula na ang ilaw, ay tama lang din ang pagtaas ng ulo niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Going to this party is just for a phase. Walang nakakaalam sa totoong nangyayari sa amin, so I will play with it. Ito ang gusto ni Kessler, so be it. Malaki ang kasalanan ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/325296806-288-k669841.jpg)
YOU ARE READING
Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)
ParanormalA werewolf romance tale. A beta daughter who possesses beauty, intelligence, wealth, a successful business, and influence longs for a humble partner. Unexpectedly, the moon goddess blesses her with an Alpha King as her protector. Will she decide to...