Chapter 26

3 0 0
                                    

**Very Familiar.**

I move my hips and sway a little bit. Sinabayan ko ang tugtug. Hawak ko ang pangatlong wine glass. Nasa taas na ng ulo ko ang isa kong kamay, kumakaway-kaway habang pikit ang mata at dinadamdam ang musika. It was noisy music, an electro music na hindi ko naman naiintindihan. Ang tanging pinapakinggan ko lang ay ang liriko.

"Uy, si Rachel. Sumayaw na," sabi ng isang kasamahan ko.

"Rachel, doon tayo sa dance floor."

Hinablot ni Rumi ang kamay ko para sumama sa kanila.

"Teka, teka." Ininom ko ang pangatlong wine ko.

Ang saya nito. Ngayon lang to.

Nagpatianod ako at sumunod sa kanila.

I am not a dancer, but at least I know how to sway my hips and legs. Okay na to. Ang saya ko.

Naka-inom ako. I have a low tolerance for alcohol, pero sa ngayon I think I am still sober. Maraming nakisayaw sa akin, karamihan sa kanila ay mga lalaki. Pang ilan na nga ba,ito? They are just random guys from here. Walang lumapit sa akin sa pack ko. I can't even see them at all. Nag sasaya rin siguro sila.

I laugh with the people around me. I dance with them. I grind to that cute guy, pero bigla siyang nawala sa paningin ko until isa-isa rin silang dumistansya sa akin.

Alright. Pwede pa rin akong magsayaw dito na walang kapares.

I think I need more refueling. Pumunta ako sa bar at nag-order.

"Tequila Sunrise, please."

Habang tinitimpla pa ang inumin ko, hindi ako tumigil sa pagsasayaw.

Lahat nagsaya, bakit ako hindi pwede? Ngayon lang naman.

"My sunrise, please."

"Here's your order, ma'am."

"Thanks." I stir it.

"Saan ko po e-charge, ma'am?" sabi ng waiter.

I give him a wide smile. Hinagis ko sa kanya ang straw at ininom ko ang tequila. Straight shot.

"Alpha King."

"Huh? Kanino po?"

"She's on me," isang malalim na boses ang nasa likod ko. A very familiar voice behind me.

Nilagay niya ang card niya sa harap ko, kinuha rin ito agad ng waiter.

Nginitian ko ang alpha. I traveled my eyes around his face.

I miss him, pissed.

"Thanks, Alpha."

His face is still stoic. Alam kong naiinis siya sa ginagawa kong pangisi at pagpapasalamat sa kanya.

Bakit ba kasi nandiyan agad siya sa likod ko? Kasasabi ko palang na siya ang pagbabayarin ko sa iniinom ko. Ni hindi ko alam na andito siya.

"My night shining armor." Bakit parang tunog lasing na ako? Shit. Hindi pa ako lasing, alam ko ang ginagawa ko.

Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak na pala sa suit niya. Ang isang kamay ko ay nakahawak pala sa bisig niya.

Napakurap-kurap ako. Bigla kong binitawan ang mga hinahawakan ko at tuluyan nang umalis sa harap niya. Nawala sa isipan ko kung saan ako dapat pumunta. Nasa isang koridor ako papuntang exit.

At ngayon ko palang naramdaman ang pagkahilo ko. Shit. Hindi ako pwedeng malasing. Bakit ngayon pa? Kailangan ko na sigurong umuwi dahil paikis-ikis na ang lakad ko at medyo malabo na ang paningin ko.

Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)Where stories live. Discover now