**Salamin**
Natanaw ko si Kessler sa couch, kaharap ang laptop na nakapatong lang sa hita niya. His jaw clenched, eyes glued to the screen. He is serious at mukhang problematic.
Kaya niya ba ako pinagluto para naman mabawasan ang stress niya? Kagaya kapag ang mister mo ay na-stress sa trabaho, pinagluluto ni misis ng paborito niya.
I shook my head to get back my own self. Nahihibang na talaga ako sa mga imahinasyon ko. Tanggap ko na tong buhay ko na ganito. I am an omega now. A slave for all I know.
Hinawakan ko yung pressure cooker handle, pero ewan ko ba kung bakit nadaplis yung daliri ko sa katawan ng pressure cooker.
Napasigaw ako sa hapdi.
Dali-dali kong nilagay sa maliit na palangana na may tubig ang daliri ko. Hinihipan ko pa para mas mabilis mawala ang hapdi.
Simula nang nakabalik na ako dito at dinaklarang isa na akong omega, unti-unti na ring nawawala ang kakayahan kong mabilis maghilom ang sugat. Ngayon ay nag-iba na; matagal nang maghilom ang mga sugat ko.
Mga mura ni Kessler ang narinig ko nang nakuha niya ang kamay kong nakababad sa tubig.
"Napa-ano ka?" Makalas ang boses niya, nasa mukha niya ang pag-aalala.
It's slow motion for me. Hindi lang ako makapaniwala na may pag-aalala pa rin siya sa akin.
Or I am just imagining here again.
Nakatingin ako sa mukha niya para lang malaman kung hindi ako nag-iimagine. Hahawakan ko sana ang mukha niya, pero tinakwil ito gamit ang isang kamay niya. Mabilis. Hindi ko nga alam kung nasaktan ba ako.
Kaya nalaman kong... totoong nandito siya sa harap ko at hawak niya ang napaso kong kamay. Hinahawakan niya ito at unti-unting naghilom ang sugat.
"Gutom na ako. Bilisan mo at may gagawin pa ako," utos niya.
Natauhan ako bigla sa utos niya.
"Oo, ito na. Upo ka na doon, I will prepare this for you... sorry."
"Dito ako sa kusina kakain."
"Okay... In a minute."
I served his food very well. I know he likes it because he asked for more. Nasisiyahan naman ako na nagustuhan niya ang luto ko.
"Bakit hindi ka kumuha ng plato? Ayaw mong kumain?"
"Ahhh... hehehe. Pagkatapos mo."
"You can get your plate. Kumain ka na."
"Okay lang sa iyo na sasabayan kitang kumain?"
Tumingin siya sa akin. Nag-iisip.
Nakakalimutan niya siguro na omega na ako ngayon. Bawal kami makihalo sa kanilang mga higher rank.
He clenched his jaw and twitched his mouth.
"I allow you to join me."
"Sure!.. okay." I smiled at him. Masaya akong kumuha ng plato, kutsara, at tinidor. Ngayon ko lang din natantong gutom pala ako.
Kumuha ako ng kanin at isang malaking pochero sa plato ko. Masaya akong sinusubo ang pagkain, humihigop pa ako ng sabaw dahil parang nabibilaokan ako kapag walang sabaw na nakasunod.
"Sarap," sabi ko.
"Dahan-dahan ka."
Tumingin ako sa kanya. Mukhang kanina pa siya nakamasid sa akin.
Nakakahiya.
"We are not in an eating marathon. Just eat your food properly."
Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain na nasa bibig ko. Matagal pa bago ako nakapagsalita.
YOU ARE READING
Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)
ParanormalA werewolf love story. A beta daughter who has everything-beauty, brains, money, a company, and power-wishes to have a low-ranking partner or mate. However, the moon goddess surprises her by giving her an Alpha King savior. Will she choose to live w...