**Eros Kayce**
Pangalawang araw ko na dito sa pack ni Dencio. I still don't know what to do. At wala pa akong maisip kung paano makalabas sa lugar na ito. Paano ko makokontak si Milo o si Kessler? Buong araw, hindi ako binalikan ni Hope. Ano naman kaya ang plano niya?
May kumatok sa pintuan ko. Kakatapos ko na ring maligo at magbihis, nakatanaw lang ako sa dalampasigan dito sa bintana. Sabay sa paghaplos ng tiyan ko, mahinang bumukas ang pinto. Isang buwan na lang, manganganak na ako.
"Miss Rachel, naghihintay po ang Alpha sa lamesa. Kakain na po kayo."
So, iyon na 'yon. Pinalampas lang niya ang isang araw ko na hindi nagpapakita sa kanila.
For God's sake. Alpha Dencio is my father and an enemy of my pack. I have heard so much about him. Hindi ko lubos maisip na anak ako ng isang kalaban.
"Susunod ako."
Unang lumabas ang serbidora, at hindi rin nagtagal ay sumunod ako sa kanya.
Nasa kabesera si Alpha Dencio at kakarating lang din ni Hope na naka-tank top, leggings, at shoes. Nagpupunas siya ng pawis sa kanyang katawan. Siguro'y kagagaling niya lang sa ehersisyo.
"Oh, hi Luna. Buti naman bumababa ka na." Panunutya ni Hope.
"Kakain na muna tayo," simpleng sabi ng Alpha.
Kumuha ako ng pagkain at pasimpleng tumingin kay Hope. Pero kahit minsan, hindi niya ako pinansin. Tumingin ako kay Alpha Dencio; tahimik lang siyang kumakain.
"Hmmmm," I cleared my throat to start.
Nakuha ko agad ang atensyon nila. Tumigil sila sa pagkain at tumingin sa akin.
"I want to go home," Sabi ko.
"Kumain ka muna," sabi ng Alpha.
"I want to go home, Alpha," matigas kong sabi.
Dahan-dahan niyang nilapag ang kutsara at tinidor sa plato at malamig na tumingin sa akin.
"Hindi ka pwedeng lumabas dito. This is your home. Matagal kitang hindi na kasama at naulila ka rin ng napakaraming taon," he said.
"Excuse me, my Lolo Simon loves me. He feeds me. He gives me everything I want. Though a tough love, after all, he is always right. He always protects me."
His face darkened.
"Protect you? Loves you?.... He hid you from me; he lied to you about your real father," galit niyang sabi.
Tama siya. Lolo hid something from me.
"I still want to go home."
Tumunog ang telepono niya kaya hindi siya nagpatuloy sa sasabihin.
I gasped.
"Mag-uusap tayo ulit," sabi niya sabay sagot sa telepono. Lumabas siya ng pinto at doon sinagot ang tawag.
Meanwhile, kakaubos lang ng pagkain ni Hope. Akma na siyang tumayo.
"Hindi mo ba ako tutulungan?" tanong ko sa kanya.
She rolled her eyes. "Shunga ka ba? Bakit kita tutulungan?"
Tuluyan na siyang lumabas at naiwan akong mag-isa.
Nabangga niya ang bodyguard na nakabantay sa amin.
Tapos na akong kumain pero hindi pa bumalik ang Alpha dito sa hapag-kainan.
Siguro ganun ang asal ni Hope dahil may mga tauhan sa paligid. Pretending that she doesn't like me.
Paglabas ko sa kabisera, may kausap pa rin ang Alpha sa telepono. He looked stressed. Ano kaya ang nangyayari, bakit lukot ang mukha niya?
YOU ARE READING
Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)
ParanormalA werewolf love story. A beta daughter who has everything-beauty, brains, money, a company, and power-wishes to have a low-ranking partner or mate. However, the moon goddess surprises her by giving her an Alpha King savior. Will she choose to live w...