**Dry Leaves**
Hindi ko pa lubos makuha kung nasaan ako. Everything is blurred and feels empty. Ang tanging alam ko lang ay nasa isang kwarto ako.
I tried to remember what happened, but my mind and body were too tired to recall and recognize the present. I fell asleep again.
Until I heard the door open and shut. Someone held my wrist, checking if my vital signs were still going or whatnot.
"Rachel... Rachel, do you hear me?"
I know that voice.
Dr. Bejoc.
Am I in the Kingdom of Nahalin? Kung ganun, makikita ko si Eros.
Sinubukan kong galawin ang mga mata ko. Alam kong kaya ko nang gumalaw. I tried... I tried to move my fingers too. I know I did, pero bakit ang hirap gumalaw.
"Rachel, do you hear me? Si Dr. Bejoc ito."
I felt my fingers move a bit. I then opened my eyes and blinked many times to adjust my sight.
I guess I am right. Nasa hospital pack ako. Dr. Bejoc is now in my vision.
"Hi Rachel, I am glad you are already awake."
Kumuha ng tubig si Doc at pinainom ako.
"Am I home?" sabi ko sa kanya. Akala ko hindi niya ako maririnig sa hina ng boses ko.
"Na sa facilities pa tayo ng Division Group. Isa ako sa mga doctor na natawagan para maggamot sa mga casualties gaya mo."
"Kagaya ko?" I then remembered Hope and Lucio.
"Where's Hope... and Lucio?" tanong ko kay Doc Bejoc at insaktong pumasok si Kessler.
His grim face stuck in my sight.
"Siya pa rin hinahanap mo kahit binitawan ka sa ere... Oo nga pala, tulog ka sa gabing iyon... dress up."
Binato niya sa akin ang isang puting t-shirt at cargo pants.
"She is still weak, alpha," awat ng doktor.
"Kaya na niya 'yan. Naghihintay na ang mga kasamahan niya sa labas," istriktong sabi niya at lumabas na ng kwarto.
"It's okay." Dali-dali akong nagbihis. Ngayon ko lang din napansin na naka-hospital dress pala ako.
"Puno ka ng dugo pagdating dito. Kaya binihisan kita ng hospital gown dito. 'Eto, sandwich, kainin mo para lumakas ka."
Dugo iyon ni Lucio. I fully remember now.
Lumabas ako sa kwarto, nasa malaking sala ang mga naka-unipormeng camouflage. Napatingin silang lahat sa akin pagkasarado ko ng pinto.
"Where's my pack?" I asked. Hindi ko pa alam kung nasaan at anong nangyayari kay Alpha Dencio. All I know now is that we are safe and saved by the Division Group. Isang black ops branch ng gobyerno na hindi alam ng pangkalahatang publiko.
Isang black ops sa bansa na hindi dapat malaman ng mga tao dahil alam naman nating hindi talaga maiintindihan ng mortal ang pag-iral ng mga supernaturals.
The Division Group will only operate when there's supernatural involvement in a specific crime or situation.
At isa si Kessler sa mga miyembro ng Division Group.
"Nasa labas," sabi ng isa.
"Salamat."
Nasa labas nga silang lahat. Sa malayo palang nakikita ko na si Hope at Lucio nag-uusap. Ang iba ay abala rin sa pag-uusap sa katabi nila. Hula ko ay dito na ang iba natutulog at kumakain. May mga balot pa ng mga pagkain sa paligid, may mga karton at sako rin na nakalatag na sa tingin ko'y ginawa nilang temporaring higaan.
YOU ARE READING
Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)
ParanormalA werewolf love story. A beta daughter who has everything-beauty, brains, money, a company, and power-wishes to have a low-ranking partner or mate. However, the moon goddess surprises her by giving her an Alpha King savior. Will she choose to live w...