Chapter 21

2 0 0
                                    


**Rachel's POV**

Ilang taon din akong naging alila sa loob ng palasyo ni Dencio. Nagagalit siya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa aking anak sa Nahalin.

"Bakit ka bumalik dito?" tanong ni Hope sa akin.

Kababalik ko lang galing Nahalin at dumiretso ako dito sa kanyang selda. Wala pa si Alpha Dencio dahil inaambush na naman daw ang isa sa mga pag-aari niya sa Cebu.

"Paano ka?"

"Anong paano ako... bakit ka bumalik?" galit niyang tanong sa akin.

"Sa tingin mo, pag hindi ako babalik dito, hindi ako guguluhin ni Dencio?... Hope, ayoko kong masali sa gulo si Kessler at ang pack. Madamay pa pati sanggol namin. Mabuti nang nandito ako para hindi na niya guluhin pa ang Nahalin."

"Kessler has the power to protect you," giit ni Hope.

"Pero maraming madadamay, Hope. At saka, paano ka?"

Hope looked very disappointed.

"Bumalik ka na doon. Baka maabutan ka pa dito ni Alpha."

Bumalik agad ako at sa opisina na ako naghihintay sa Alpha. Nasa lamesa ang malaking bag na may lamang cash. Sobrang sobra ito sa hiningi niya.

Pero malakas na sampal ang natanggap ko galing kay Alpha Dencio.

"Ano... anong sabi mo?" galit niyang tanong sa akin.

Alam kong dumugo ang bibig ko sa hampas niya. Dahan-dahan akong tumayo para harapin ulit siya.

"It's 80 million pesos in exchange for Hope's life."

Tumawa siya nang malakas.

"I am not doing business with you, Rachel. Pinanganak mo yung bata at iniwan mo pa sa ama niya... sinasadya mo talaga iyon."

"Hindi ako makapapayag na dito siya lumaki at para ano... para isali siya sa mga eksperimento mo?" sigaw ko sa kanya.

"Siya rin naman ang makikinabang sa lahat ng ito."

Sa galit ko, idinura ko sa kanya ang dugo sa bibig ko.

"Walang kinalaman ang anak ko dito, Dencio. So, you better leave my family alone."

Pinahid niya ang dugo na nasa mukha niya at isang hampas na naman ang dumapo sa mukha ko.

Malakas siya. Isang Alpha.

Natumba ulit ako sa sahig at this time, nahihirapan na akong tumayo.

"Dalhin siya sa pack hospital at kailangan siya doon," utos ni Alpha Dencio sa mga tauhan niya.

Pagkarating ko doon, may tatlong taong lobo na nakahiga sa hospital bed. Sugatan at halos wala nang malay dahil sa natamo nilang pasa at sugat sa katawan.

Sa utos ng Alpha, gamutin ko sila gamit ang kakayahan ko. Sa kabila ng lahat, hindi ako kailangan ng aking ama bilang isang anak. Kailangan niya ako dito dahil sa kakayahan ko.

I feel dismay; hindi ko naman inaasahan na mamahalin ako ni Dencio bilang isang anak niya. After all, totoo lahat ang mga narinig ko tungkol sa kanya.

Masakit mang isipin dahil naging pamilya ko ang tulad niya. Napag-isip-isip ko na tama lang na hindi ako pinakilala sa ama ko noon. Natutuwa ako na lumaki ako sa isang mabait at maunawaing pamilya.

Namimiss ko tuloy si Lolo.

Ginamot ko ang tatlo. Pagkalipas ng ilang oras, nagising na ako sa isang puting higaan dito sa hospital. Bumangon ako at bumalik sa aking silid.

Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)Where stories live. Discover now