Bulong.
"What was that, Lucio?" I immediately asked as soon as we arrived at his house.
"I saved your ass. Gosh! Muntik ka na 'don."
"Eh, akala ko may isang oras pa ako 'don, pero bigla kayong dumating sa opisina," paliwanag ko.
"You should have a backup plan, especially when you're in a tight spot, Rachel. I might go crazy because of you... kaloka."
Nagtataka ako sa bilis ng lakad niya papuntang lababo at nagduduwal doon.
Sinundan ko siya at nakapamaywang. Siningkit ko ang mga mata ko dahil may hinala akong...
"You're not straight," sabi ko sa kanya. That was a statement.
"Obvious ba... ew!" Diring-diri siya sa akin.
"Ang sarap mong humalik ahh," biro ko sa kanya sabay sa malakas kong halakhak.
"So paano na ang kasal?" biro ko ulit sa kanya.
"Ew, anong kasal? Mas bet ko yung ex-husband mo, nuh?"
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.
"You knew my ex-husband?"
"Of course, number one in tabloids kaya yung scandal niyo sa Nahalin at kasal niyo, 'noh. Kahit nakablock yung ibang channel at website dito, I still have my own resources of media and websites."
"At sino bang hindi mahuhulog kay Alpha Kessler... kunting titig lang nun, nahuhulog ka na," patuloy niya.
Iniiripan ko si Lucio.
"Nag-eenjoy ka sa imahinasyon mo ahh."
"Bakit, ex mo na naman yun. Free na akong i-imagine siya sa harap mo."
Binato ko sa kanya ang tinapay na hinahanda niya.
"Aray, aminin mo nga may feelings ka pa sa ex mo, nuh?"
"Ano nang susunod na plano natin? Mabuti na lang nagpapanggap tayong magkarelasyon para hindi sila maghinala kung bakit tayo nagkikita."
"Oo. Tama nga rin yun... pero sagotin mo muna yung tanong ko sa'yo."
"Anong alin?"
"Sus, pabebe ka pa."
"Gusto ko lang makita ang anak ko..."
"I know little about you. Minsan rin akong bumisita kay Hope nang palihim. Nag-alala siya sa iyo dahil sa pagkawalay mo sa anak mo."
"Oo, I did what I needed to do. Mas safe siya doon at maaalagaan. I still don't know if magkikita pa ba kami."
"Anong plano mo pag nakalabas ka dito?"
"Hindi ko pa alam... I know they felt betrayed dahil sa pagpili kung bumalik dito. Akala nila pinipili ko ang ama ko."
"Hindi pa nila alam na kapatid mo si Hope?"
"I never mentioned her to Kessler. Kaya ang alam lang talaga nila ay pinili ko si Alpha Dencio."
Lumapit si Lucio sa akin at yumakap.
"Okay, lalabas tayo dito. Tayong tatlo. Dahil ikaw, aayusin mo ang pamilya mo. Si Hope, aayusin niya ang nasira niyang relasyon sa ex-mate niya. At ako... ewan... siguro hanapin ang soulmate..."
Tahimik akong kumakain sa hinahanda niyang pagkain sa lamesa. Napaisip ako bigla kay Kessler. Kumusta na kaya ang mag-ama ko?
Saan kaya nagmana si Eros? Kamukha ba siya ng ama niyang gwapo? Matalino ba siya sa school? Suplado o masayahin ba siya?
YOU ARE READING
Sweetheart Series 1. Wild Heart. (Uni Black Moon Pack)
ParanormalA werewolf love story. A beta daughter who has everything-beauty, brains, money, a company, and power-wishes to have a low-ranking partner or mate. However, the moon goddess surprises her by giving her an Alpha King savior. Will she choose to live w...