Picture
Hinarang ko ang kamay ko sa mukha dahil sa liwanag na paparating. Alam kong hindi ito titigil kahit magsisigaw pa ako ng ilang beses dito sa pwesto ko kaya naglakad ako papunta sa gitna ng kalsada at humarang sa sasakyan.
Nagkaroon ng napakatinis na tono nang itigil ng lalaki ang sasakyan niya at unting-unti na lang ay pwedeng mabali ang mga buto ko pero sinusuwerte ako dahil hindi.
Pumunta ako sa gilid ng sasakyan pero nagulat ako bigla ng may lumabas dito.
"What do you think you were doing?!" Sigaw niyang sabi sa akin kaya naman napatakip ako ng tenga ko.
"Chill." Bored kong sabi.
"Anong chill?! Makakapatay pa ako ng di-oras dahil sa mga katangahan mo." Napataas naman ako ng kilay.
"Hindi 'yon katangahan, sinadya ko 'yon. Ever heard of hitchhikers? As you can see, naliligaw ako and I need help."
"Wala ka bang gps sa car mo?!" Sigaw na naman niyang sabi. Will he shut up for a second? He's usually calm but this time, he lost his cool.
"Kasalanan ko ba kung nagloloko iyon at ayaw ma-identify ang lugar na to?" Irita kong sabi.
Nagtanong pa siya ng kung ano ano at naiirita ako lalo.
"Will you just stop asking questions at tulungan mo na lang ako maka-alis sa lugar na ito?" Tinatamad kong sabi. He brushed his hair frustratingly and I thought he looked hot for a second.
"Fine." Napairap naman agad ako. Papayag din pala ang rami pang sinasabi.
Naghintay siya sa loob ng sasakyan yan niya kaya dumeretso na ako sa sasakyan ko. Pero kung minamalas ka naman ay ayaw nito gumana. Seriously? Kainis.
Bumaba ako sa sasakyan at nilock ito dala-dala ko ang mga important stuffs. Kung kanina, I didn't feel pathetic now, I feel it.
Dumeretso ako sa sasakyan ni Hiro. Yeah, right. Si Hiro nga ang lalaking iyon. Kumatok ako sa bintana nito at sumigaw na naman.
"Oh ano na? Bakit hindi ka pa nakasakay sa sasakyan mo?!" Ang init ng ulo nito, ano kayang nangyari? Wait, like I care.
"Unfortunately, ayaw mag-on ng sasakyan ko. I don't have a choice kung hindi kunin ito bukas at magpahatid ulit sayo dito." Napairap naman agad siya pero pinasakay din ako.
Ang komportable sa feeling ng sasakyan ni Hiro kahit ngayon lang ako nakasakay dito. Napatingin ako sa picture na naka suksok doon sa ilalim ng stereo.
Madilim ang sasakyan niya kaya hindi ko makita masyado ang mukha ng nasa picture pero ang alam ko ay si Hiro ang lalaking iyon at may kasama siyang babae.
Napatingin agad ako sa mukha ni Hiro na seryoso sa pag drive pero napailing agad ako sa napatingin na lang sa labas. Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya ng mabasa ang caller id pero sinagot din ito.
"What do you need?" Nakatingin ako sa labas ng sasakyan niya nang bigla siyang magsalita.
"Fuck. Right now?!" Napatingin naman ako agad sa kanya at nakita itong nakatingin sa akin pero umiwas agad siya.
"Tsk. Alright. I'm coming." Binaba niya ang phone at nag drive na lang ulit.
"I can't leave you here dahil malayo pa ito city kaya I need to take you to my house." Napakunot ako ng noo at iritang sumagot.
"What?!"
"You see, something urgent happened and I badly need to go home. I have no choice kundi isama kita sa bahay o kung gusto mo, I can leave you here." Napairap naman ako sa kawalan. Alangan naman magpaiwan ako dito? Madilim na at puro puno pa din ang nakikita ko.
"Do you expect me to choose the latter? Alangan namang matulog ako sa kalsada."
"That's the point kaya kita isasama sa bahay." Napatahimik naman ako doon. Hindi maintinidhan ang atmosphere sa loob ng sasakyan na ito.
Tensed? Awkward? Comfortable? I don't know.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita ulit siya.
"Gusto kong pagkarating natin sa bahay ay pag hinatid kita sa kwarto ko, wag na wag kang lalabas, naiintindihan mo ba?" Napatango na lang ako dahil sa seryoso niyang ekspresyon.
Biglang tumigil ang sasakyan niya sa isang mansyon. Mi hindi ko nga din napansin na nakapasok na pala ito sa gate. I can say na malaki nga ito pero hindi naman ako ganoong nabighani kasi mansyon din naman ang bahay namin kaya sinundan ko na lang si Hiro.
May mga ilang katulong na tumigil para batiin si Hiro. Mukhang nagtataka pa ang iba na may kasama siya. Is this his first time bringing a girl at his house? Oh, I don't think so. May picture siya sa sasakyan niya. That must be her girlfriend or something.
Tumigil kami sa pintong bandang nasa dulo bago ako papasukin ay nagsalita muna siya.
"Papadalhan na lang kita ng pagkain mamaya sa maids, diyan ka lang. Tandaan mo yung sinabi ko sayo kanina." Napatango na lang ako at tinulak agad ako ni Hiro papasok sa kwarto.
Una kong napansin ang kulay ng kwarto niya. Plain white and black lang ito pero relaxing ang ambiance. Napansin ko din ang malaking kama na pure white.
Nagikot-ikot pa ako sa paligid nang mapansin ko ang mga picture frames sa isang cabinet.
Una kong napansin yung mga graduation pictures niya and family pictures. Ang creepy noong itsura ng matandang lalaki sa picture which I think is yung father niya. Meron siyang scar mula noo hanggang ilalim ng mata. Similar to Ms. Margarette. Ano bang mayroon sa scar sa mga mukha?
Napailing na lang agad ako nang napatigil ako sa isang picture. Hahawakan ko na sana ang frame nang biglang may pumasok sa room. Napatingin ako sa maid na may dalang tray na may snacks and drinks.
Tumingin lang ako ulit sa frame. Nakitang si Hiro ito at may kasamang babae. Inaaninag ko ang mukha ng babae dahil medyo luma na ung picture. Nang makita ko ang babae sa picture biglang sumakit ang ulo ko.
Nakahawak pa din ako doon kaya nabasag ang glass sa picture frame nang bumagsak ako. Nagkalat ang dugo sa sahig galing sa kamay ko.
"Nako, ma'am! Lagot tayo kay sir 'niyan! H-hala!" Sigaw ng maid at naaninag ko siyang tumakbo papunta sa akin pagkalagay ng tray sa table.
Napahawak ako sa ulo ko. Biglang bumalik ang isang ala-ala sa akin. Naalala ko ang ganitong pangyayari. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Para akong lumiliyab na hindi ko maintindihan.
Parang pinipilipit ang utak ko. Hindi ko maintindihan. Alam kong nagsisigaw na ako ngayon sa sobrang sakit dahil nagpapanic ang maid at parang humihingi ng tulong sa aking paningin.
Wala akong marinig. Naging malabo ang buong paligid.
Mae Herrera.
Ayan ang unang pumasok sa isip ko simula nang maging blangko ang utak ko. Paulit-ulit ito kaya lalong sumakit ang ulo ko. Bago ako mawalan ng malay nakita kong pumasok si Hiro at napatigil nang makita ang litratong hawak ko.
◄♦►
Kamusta po ang chapter 9? Ito lang kaya ng powers ko sa ngayon, lol.
Sino si Mae Herrera? Alamin natin sa mga susunod na chapters!
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...