Confused
"Congratulations to the teams who finished the first task." Sabi ng dean. Nandito ngayon sa harap ng small stage ang lahat ng teams.
"Hindi ko ine-expect na hapon na matatapos ang first task dahil bandang 10 pa lang ay tapos na tayo. Anyway, ayos na rin naman yon dahil matagal-tagal din tayong nakapagpahinga habang hinihintay ang iba." Sabi ni Annica.
"Yeah. Nakapag-training rin ako." Sabi naman ni Lucas.
Hindi pa nagtatanghali noong matapos kami sa task at nang makarating kami sa camp ay iilan pa lang ang mga grupong nakatapos. Mabagal rin ang inverval ng mga team na successful na nakapaguwi ng limang flag kaya naman halos ang rami naming oras kanina.
"As I've mentioned, lahat ng teams na natalo ay hindi maaaring pumasok ng canteen for the night but we permit you to go back to the forest to find your own foods. Meron ding cooking equipments sa cabin at pwede niyong gamitin iyon para sa lulutuin niyo. Pagkatapos ko magsalita rito sa harapan ay maaari na kayong maghanap ng kakainin sa gubat habang may araw pa."
Halos lahat ng teams na natalo ay napabuntong hininga pero nagpapasalamat rin ang iba na kahit papaano ay makakain sila.
"Now, tonight, we will be updating the score board at the stage. Maaari niyo iyong tignan after dinner which will be at 7 o'clock and beyond that time ay free time na iyon. Kayo ang bahala kung gusto ninyong matulog na agad, mag training at kung ano pa. The second task will be announced tomorrow morning at the canteen during breakfast. Ang call time ay 6 o'clock. The team with a late member will lost by forfeit. That's all. Dismissed."
Lahat ng natalong team ay nahati sa dalawa. Iyong iba ay pumunta sa cabin upang kumuha ng mga cooking equiments at ang iba naman ay pumunta sa gubat.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Caleb.
"Ewan, free time na rin siguro. Hihintayin pa natin mag 7 bago makakain ng dinner. Hay, gutom na nga rin ako e." Sabi naman ni Annica.
"Well then, wala na naman tayong pag-uusapan diba? Mauna na ako." Sabi ni Jack.
"Ako rin." Sabi ni Olivia.
"Saglit lang." Pigil ni Lucas sa dalawa.
"I will say this now dahil baka makalimutan kong sabihin mamaya sa dinner. I am aware the everyone has a phone so I want us to exchanged phone numbers to keep everyone updated."
"Updated like?" Taas kilay ni Olivia.
"Kung may male-late ang gising sa atin hangga't hindi pa pasado ng alas-sais ay matatawagan natin sila. Alam niyo namang iba-iba tayo ng tent."
"I'm starting to get kung bakit hindi natin kasama ang kagrupo natin sa tent." Sabi ni Caleb.
"Right? I'm sure na parte ito ng team work. Every member needs to have a discipline and sense of responsibility kaya mag-kakahiwalay tayo ng tent." Sabi naman ni Annica.
"Well, then." Sabi ni Hiro.
Agad namang lumapit sa akin si Annica at pinalo-palo ang braso ko.
"Omg, makukuha ko ang number ni Hiro." Sabi niya na bakas ang kilig sa boses. Napailing na lamang ako doon.
"Para mas madali ang pag-dial, ilagay niyo ang team number natin tapos sa tabi ay name ng may number." Tango naming lahat sa sinabi ni Lucas. Matapos kaming magpalitan ng number ay nagsalita siya muli.
"Para mas madali tayong mag-kita bukas ay sa labas tayo ng canteen magkita-kita gawa ng doon ang call-time. Walang mauunang pumasok. Sabay-sabay tayong papasok, okay?" Tumango kaming lahat sa sinuggest niya bago kami nagpa-alam sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...