Escape or Save
Pagkarating na pagkarating namin sa lugar ay agad kong naaninag ang isang malaking building bago muling pinasuot sa amin ang aming mga blindfolds. Hindi ko na pinansin si Troye at hinayaan ko na lang rin na dalhin kami ng faculty sa respective rooms namin.
Habang naglalakad, rinig na rinig ko ang echo ng mga footsteps namin. Base sa pagkakatingin ko sa building kanina e medyo abandonado ito. The echo proves it. Wala sigurong kagamit-gamit. Narinig ko naman ang pagbukas ng isang pintuan at napagtantong ito na yung kwarto kung saan ako maglalagi.
Narinig kong nag-uusap ang sa palagay kong kalaban ng team namin habang pinaupo ako ng faculty sa isang upuan gaya ng inexplain kanina.
"I'll leave you here. Magsisimula ang task kapag nagsalita ang dean via broadcast." Sabi ng Teacher bago umalis dahil narinig ko ang pintuan.
"Sino ang pipiliin nating dalawang tao para bantay sa labas?" Salita ng isang babae.
"Should be a guy para bantay sarado ang room." Agad naman akong napairap doon. Napaka-sexist naman ng pagkakasabi ng isa pang babaeng may maarteng boses. Mame-measure ba ang strength sa sex? Well, no.
"Well, then. It'll be Kane and James. Don't confront other team colors at hayaan niyo silang makita ang color natin. It'll save us energy. Kapag nakita niyo ang teams na may red, huwag kayong magpahalata na sila ang kalaban. Saka lang kayo umatake kapag medyo malapit na." Sabi ng isang lalaki.
"This task will obviously be save. I mean, can one girl actually defeat us five, right? Naka-posas pa siya at blind-fold. We should just be wary sa kalaban natin na darating para iligtas siya." Maarteng sabi ng isang babae.
Just see, bitch. I'll escape on my own.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang Dean sa broadcast at naghudyat na nagsimula ang task.
Balak ko sanang tumakas mag-isa but that would be too dangerous. Lima ang nagbabantay sa akin dito. It's not like it's a big problem for me pero mayroon akong suot na blindfold at posas. That's too much for a handicap. Kung balak ko mang tanggalin ang blindfold ay mahahalata nilang may pinaplano ako.
Hihintayin ko na lamang na ma-alarma sila sa pagdating ng mga ka-team ko. Once that happens, I'll do my plan.
"This is boring." Salita ulit noong maarteng babae kanina.
"May dala akong uno dito. Let's play?" Sabi noong isang lalaki at sinubukan kong itago ang ngisi ko. Hindi ko alam kung nakatingin sila sa akin o hindi kaya naman I need to be careful.
"Well, then! Perfect, mayroong table! Tara doon." Rinig kong sabi ng isa pang babae at narinig ko ang footsteps nila papunta sa sinasabi nilang mesa.
Pilit akong nag concentrate kung ilang tao ang naglakad papunta roon. Huminga ako ng malalim bago pinakiramdaman. Napataas naman ang kilay ko dahil naramdaman kong apat na tao lang ang pumunta doon.
Shit, hindi kaya't napakiramdaman ako noong isa na may pinaplano ako? Agad naman akong napakagat ng labi pero nabawi rin iyon nang sumunod na iyong isa.
So stupid of them to leave my back unguarded! Nagtawanan pa sila habang naglalaro at magsisigawan tuwing may matatalo habang ako naman ay pilit kong nilalapit ang daliri ko sa band ng pantalon ko. It had been a habit na lagi akong nag-iipit ng pin sa may pantalon ko. It's either sa bulsa o di kaya sa likod.
Tuwing nagkakasama kasi kami nina dad at ate ay lagi niya kaming tinetrain sa pag-tanggal ng posas and it would be useless kung may alam ka nga pero wala namang pang-unlock kaya naman nakasanayan ko na lang iyon.
Napakagat pa ako ng labi dahil medyo sumasakit at nangangalay na ang braso ko dahil hindi ko rin akalaing masyadong malaki iyong likod ng upuan kaya naman imbis na madalian ako sa pagkuha ng pin ay nahirapan pa ako. Hindi rin ako pwedeng gumalaw ng obvious dahil baka mahalata nila ako. Umupo ako ng maayos at kinagat ang labi habang inaabot iyon gamit ang mga daliri ko.
Napamura naman ako ng mahina dahil naramdaman ko ang hapdi sa labi ko pero hindi ko iyon pinansin at nagdiwang pa sa loob-looban ko nang makuha ko ang pin. Agad ko naman iyong tinago sa kamay ko nang magsalita ang maarteng babae.
"Okay, this is boring kapag natatalo ka lagi. I'm done."
"So, anong gagawin mo ngayon?" Sabi noong isa pang babae.
"Alam ko na." Halakhak nito at narinig kong papalapit sa akin ang babae. Was she wearing a freaking heels for this kind of task?
"Hey." Sabi niya. Alam kong ako ang kinakausap niyo dahil ramdam ko siya sa harapan ko pero hindi ko siya pinansin at nagpanggap.
"I said, hey!" Sigaw nito bago dinuro ang noo ko.
Minura ko naman siya at nagulat ako nang bigla niyang hinila ang buhok ko.
"Wag mo akong mumurahin!"
"Oh, really? Sino nagsabing hindi pwede?" Ngisi ko kahit hindi ko siya nakikita but I bet she's wearing a ridiculous expression.
"You-!" Sabi niya at sinipa ang tiyan ko kaya naman tumaob iyong upuan kasama ako at nasigaw ako nang maramdaman ko ang sakit sa braso ko dahil sa pagkakaipit nito. Fuck, that fucking hurts! Sabi na at naka heels siya!
Napahalakhak naman siya doon pero agad na napatigil nang nagkaroon ng ingay sa labas. Napamura ang mga kasama niya at sumigaw pa na maghanda. Ito na ang hinihintay kong komosyon. Inaayos ko sa kamay ko ang pin at agad binuksan ang posas. Agad naman iyong nagbukas at madali kong tinanggal ang blindfold sa aking mata.
Nagtaka naman ako dahil hindi pa kami nananalo. I guess, ang tamang susi lang talaga ang para doon. Pinulot ko ang posas at hinawakan ito ng maigi bago ni-lock ulit.
Saglit pang nag-adjust ang paningin ko sa liwanag pero agad akong tumayo para umalis doon sa pwesto ng upuan. They were all looking at the door nang biglang mapalingon sa akin ang isang babae at sumigaw.
Hindi ko na binigyan ng oras para makapagready ang babae at agad ko siyang sinipa sa mukha. Bumagsak naman ito agad at dumugo pa ang ilong. That's what you get for being so sexist.
"Bitch, I am stronger." Mabilis kong sabi bago tumakbo papunta sa orasan para kunin ang susi pero may humila sa buhok ko kaya naman napasubsob ako sa sahig. Napangisi naman ako dahil sa wakas ay nakapasok rin silang lahat.
"Ang tagal niyo!" Irita kong sigaw sa kanila.
"They wouldn't even budge! Paano kami makakapasok?" Sabi ni Annica. "At tsaka, paano ka nakawala sa posas?"
"Pins! But, I have to get the key first and unlock it again. Also, you should've kicked their balls." Irap kong sabi bago sinuntok sa mukha iyong babae pero hindi ito nagpatalo.
Agad namang lumapit si Annica at siya ang kumalaban sa babaeng humila sa buhok ko. Sina Hiro naman at iba pang ka grupo ay kinalaban ang natira. Tumakbo naman ako papunta sa orasan pero hindi ko ito abot kaya bumalik ako sa may upuan pero nagising roon ang babaeng nasipa ko.
Galit itong tumingin sa akin at umamba ng suntok pero hindi ako natamaan dahil hinila ni Olivia ang buhok niya. Napangisi naman ako at kinuha na ang upuan bago ilagay ito sa tapat ng wall. Umakyat ako rito at kinuha ang susi.
"May ibabagal pa yan?" Sabi ni Olivia na ikinairap ko.
"There you go!" Sigaw ko sabay bukas ng posas gamit ang susi.
Bigla namang umilaw ang red light sa buong kwarto. Tumigil na rin sa pakikipaglaban sina Lucas at nag thumbs up sa akin. Napabuntong-hininga ako pero binigyan sila ng ngiti. Napahawak ako sa tiyan kong ramdam pa rin ang sakit ng pagkakasipa gamit ang heels.
Nagulat naman ako dahil sa pagsigaw ko noong hinawakan ni Hiro ang kanang braso ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Saka ko lang rin napansin na nagkaroon ng pasa iyon. For sure dahil iyon sa pagkakabagsak ko kanina kasama ang upuan gawa ng naipit iyon.
Tinitigan niya iyon at hahawakan sana upang suriin pero pinangunahan ko na siya.
"Please Hiro. Don't." Sabi ko sa kanya bago nauna ng lumabas sa room. I still can't get over the fact that he cares because I remind him of someone.
◄♦►
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...