Sick
"Are you done? Let's go." Seryosong sabi ni Hiro na ikinatingin nilang lima sa amin.
"Can't you see? Hindi pa diba?" Naiinis kong sabi.
Nabigla naman ako nang hinila ako ni Hiro sa braso papunta sa may lababo para linisin ang sugat ko. Pagkatapos noon ay hinila niya akong muli papuntang table para lagyan ng bandage ang sugat ko. Uupo na sana ako nang bigla na naman niya akong hilahin.
This guy is so annoying!
"Hey, where are you guys going? Ayaw niyo bang manood ng sunod na laban?" Tanong ni Annica. Panandaliang tumigil si Hiro sa paglalakad bago binigyan ng tingin si Annica.
"Private matters." Matalas na sabi ni Hiro bago ako hilahin muli.
Private matters?! This guy is ridiculous! Anong private matters pinagsasabi nito? Baka sabihin nila may relasyon kami. The nerve of this guy!
"Let go of my hand, Hiro! I can walk on my own, okay? I'm not disabled or anything. Hindi ako tatakbo, I swear." Naiirita kong sabi habang sinusubukang kalasin ang kapit niya sa braso ko.
Pagkarinig niya noon ay binigyan niya ako ng matalas na tingin bago ako bitawan. Napatingin ako sa braso kong medyo namumula dahil sa mahigpit niyang pagkakakapit.
Napairap ako. Sino ba siya ha? Bakit ba sobrang big deal ng nangyari sa akin para sa kanya? Hindi ko aiya maintindihan!
"Stop standing there and follow me." Irita nitong sabi at sumunod na lang ako. Napansin kong nasa labas lang kami ng MilSim Boundary. Wala ring ibang tao rito dahil nga nasa loob ang lahat.
"Spill." Galit na sabi ni Hiro nang hinarap ang kanyang sarili sa akin.
"You know what? I am so confused, Hiro. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaasta mo. Why are you so concerned kung makapatay ako o hindi? It is none of your concerns!" Gigil kong sabi.
"I care." Lalo ko siyang tinignan ng matalim dahil hindi ko narinig ang sinabi niya. Ngayon bubulong siya?
"What?!" Sigaw ko.
"Fuck! I care, okay?" Sabi niya ng pasigaw. Napahawak siya sa kanyang ulo at nagmura pa. Napaatras ako. What the hell!
"But, why?" Lito kong tanong.
"You remind me of her and I feel like I need to take care of you for her sake." Agad namang napakunot ako ng noo sa sinabi niya.
"Of her? Who the hell are you talking about?" Nakakunot noo kong tanong. Don't tell me—
"I'm talking about Mae." Pagkasabi na pagkasabi ng pangalan niya ay bigla akong nanlamig at pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko. Nakaramdam ako ng panandaliang hilo. Agad na napansin iyon ni Hiro at inalalayan ako sa braso.
"Are you okay?" Alalang sabi niya habang hinahawakan ang noo ko.
"You're burning!" Sabi niya na may kasamang mura. Agad kong inalis ang kamay niyang nakapatong sa noo ko at inis na tumingin sa kanya bago ako tumayo.
"Don't touch me." Maigting kong sabi.
He cares for me because I remind him of that girl? Why do I feel disappointed, anyway? I should be angry! I should be frustrated! I can't believe someone has the guts to tell me they care because of stupid similarities!
Gigil akong lumayo sa kanya at naglakad pabalik sa cabin. Muli na naman akong nakaramdam ng hilo kaya napakapit ako sa poste na nadaanan ko. Agad kong hinawakan ang noo ko at tama nga siya, sobrang init nito.
Nagmura ako ng malakas sa sobrang gigil at inis. Napakamalas. Ngayong weekly camp pa ako nilagnat. This is probably because of the wound or maybe because of stress? I don't know anymore. There are still four tasks bago matapos ang weekly camp kaya hindi ako pwedeng hihina-hina. I hate to be so pathetic like this!
Pagkarating ko sa cabin ay meron akong nakasalubong ng teacher kaya nilapitan ko ito.
"Pwede na bang bumalik sa tents? I need to rest, I might be sick." Sabi ko. Hinawakan naman ng babae ang noo ko at napatango siya.
"We don't bring school doctors in these kind of events kaya walang makakapagcheck sayo. You are from the first group, hindi ba?"
"Ako nga."
"Well then, since tapos na naman ang laban niyo, you can take a rest." Sabi nito at nagpasalamat ako.
Naisipan ko munang pumunta sa main cabin para kumuha ng gamot sa medicine kit na nasa table kanina. Pagkarating ko roon ay nandoon na rin silang lahat. Napakunot naman ako ng noo dahil nauna pa sa akin si Hiro. Agad akong lumapit sa table at naghanap ng gamot doon.
"Topaz, okay ka lang?"
"Ayos lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga. Puntahan niyo na lang ako sa tent bukas bago magsimula ang task in case I'll oversleep, can you?" Tanong ko.
"I will. Ako na ang bahala." Sabi ni Lucas sa akin.
Agad akong tumango at nagmadali ng bumalik sa tent kaya malayo iyon. Naghanap ako ng tubig at ininom ang gamot. Well, shit. Gusto ko ng matapos ang weekly camp na ito.
Pagkarating ko ng tent ay agad akong nahiga. I can feel pain from both of my hands and my head. It felt like someone is hammering my head into pieces sa sobrang sakit. Halos mamanhid na ang ulo ko sa sobrang sakit nito.
I tried to reach for my phone pero unti-unting nagdilim ang paningin ko.
|
"Topaz!" A little girl shouted.
"What is it?" Nagmamaktol kong sabi habang kumakain ng strawberries. Ang sarap ng kain ko tapos didistorbohin ako. Nakakainis talaga, hay.
"You gotta hurry up if you want to see this!" The girl screamed. Kahit nainis ako sa pagudlot ng kain ko ng strawberries, agad rin naman akong tumayo para tignan ang tinuro niya.
"Okay, fine. Papunta na ako. Pero, are you sure na hindi tayo mapapagalitan?" Tanong ko.
"Hindi 'yan! Come on." Takbo niya papunta sa akon at tuluyang hinila ang kamay ko. Bumuka ang bibig ko nang makita ko kung ano ang gusto niyang ipakita sa akin.
"Look at those balloons!" She squealed.
She was referring to the balloons na nagsiliparan dahil nabitawan ito ng lalaki. Sa aking palagay ay binebenta niya iyong mga balloons.
"Wow." Sabi ko ng nakangiti habang tinitignan ang mga lobong makukulay.
"Naalala ko bigla yung up na palabas! That was a wonderful movie!" Sabi niya na para bang tuwang-tuwa.
I giggled and told her, "I know! Ang cute nung movie."
Suddenly the scene changed.
"Topaz!" The girl from before screamed as I heard a gunshot.
◄♦►
BINABASA MO ANG
Willford University
Novela JuvenilWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...