Thumb
"It's been good so far. Wala namang complications. Alyssa, you can take your break first." Banggit ko through the earpiece. Naglalakad ako ngayon sa paligid ng booths at nag-tatanong sa mga estudyante kung mayroon ba silang naging problema pero dahil halos wala naman ay nagbigay na ako ng order.
"I'll take my break later, Topaz. Napagusapan kasi ng mga dati kong friends na bibisita pa sila pero they're still not here e." Sagot niya sa kabilang linya.
I wonder what time the guys will visit though? I haven't checked my phone once at naka-silent iyon kaya hindi ako sigurado kung nakarating na ba sila. Tsaka kahit nakarating na sila, hindi ko naman agad agad kailangan silang puntahan since may susunod pang mga araw.
"Who can take the break now, then?" Tanong ko.
"We have plans for later as well." Sagot ni Nathan. Napabuntong hininga ako. Sabagay, first time pa lang naman kaya okay lang kung medyo maluwag pa kami. Napaisip tuloy ako kung sino pa ang pwede.
Muli ako ang napabuntong-hininga. I should ask Hiro if he's free. Baka mamaya magtaka pa lalo ang iba dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya. This is stressing me out! I had no choice kaya naman tinanong ko si Hiro.
"I'll take it. For two hours, right?" Sagot niya at um-oo ako.
"Wait! What about you two take your breaks together, if you're free now, Topaz? Kasi mamaya magkasama kami ni Hannah, if pwede sana. We're meeting our common friends."
"But-" Sagot ko sana. I furrowed my eyebrows sa pagputol ni Hiro sa isasagot ko. The heck is up with this guy?
"We'll take it. Together." Agad akong napatigil sa paglalakad sa sinabi niya. What did he mean by together?! The others could misunderstand his way of words! I face palmed when I heard a quiet snickers in the other line. Sinasabi ko na nga ba!
"Sana all may together." Pagkakantsaw ni Rick.
Napakunot ang noo ko.
"Sana all? What the heck does that even mean?" Tanong ko at nakarinig ako ng exaggerated gasp. The hell is wrong with him?
"Ay. Hindi ka updated sa trending memes, Topaz? Check ka naman minsan ng facebook." Natatawang sabi ni Rick. Napairap ako doon.
"Who uses facebook nowadays, John." Pang-aasar ko sa ayaw niyang palayaw. After a while, I could hear laughter in the other line. Except Hiro, of course!
"Nice one, Topaz." Natatawang sabi ni Alyssa. Napailing na lang ako doon at nagsabing i-report na lang sa akin kung mayroon mang mangyari.
Matapos iyon ay agad ko ring chineck ang aking phone at nakitang may ilang messages nga doon. It was from the guys. I felt sad for a second. Hindi raw sila makakapunta ngayong araw dahil may biglaan silang basketball practice kaya naman napagdesisyunan nilang bukas na lang o sa makalawa.
I quickly told them to remind me what time they'll come so I could reserve my break time for them. Hindi na ako umasa roon ng reply dahil sigurado akong nasa training pa rin sila. Nagikot-ikot pa ako hanggang sa maka-amoy ako ng takoyaki. Dang it! It's been a while!
Mabilis akong lumapit doon at nag-order ng para sa akin. Nagulat nang may tumapik sa likod ko at nakita si Annica at Olivia. I furrowed my eyebrows.
"Parang lagi ata kayong magkasama ever since the camp." Sabi ko at sumubo ng isang buong takoyaki.
Oh wow. This has a really nice kick of spice. Tumingin ako sa pinagbilhan ko at ngumiti sa kanila at nagpasalamat, complimenting their takoyaki. Excited naman silang nag bow sa akin at nag-ngitian. Right, I almost forgot I am the so-called queen of the university now.
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...