Memory Lapse
Matapos mangyari iyong sa ferris wheel noong isang araw ay agad na rin kaming umuwi ni Hiro. Nanatali kaming tahimik sa sasakyan niya habang hinahatid niya ako pauwi.
These days had been so confusing for me. Vague memories were starting to appear from time to time. Hindi ko nga lang iyon maintindihan. I arranged an appointment with Doctor Galdez. For now, I will be moving on my own. I can't risk to trust someone from the house.
Alam kong pamilya ko sila but it seemed wrong to trust them. Kailangan kong maghanap ng sagot. Sa pakiramdam ko ay marami akong bagay na hindi nalalaman.
"Topaz, where are you going?" Sabi ni Ate na nakasalubong ko. Pinalabas na siya ng doctor pero advice sa kanya ay huwag muna siyang masyadong magkikilos.
"Hang out." Tipid kong sagot.
"You don't usually go out, Topaz. May problema ka ba?" A lot, ate. Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
Umiling ako sa kanya, "Seriously, marami lang akong inaasikaso."
"Mag-ingat ka." Tumango ako at lumabas na. Of course, I can't tell her that I am going to a hospital that is not St. Lukes! St. Lukes? Agad akong napaisip. Bakit nga ba ay doon lamang nila ako dinadala? Could it be?
"Do you have an appointment, Miss?" Tanong ng babae na nakapagputol sa aking iniisip.
"I have an appointment with Doctor Galdez." Sabi ko at sinabi ang aking pangalan. Tumango naman siya at pinasunod ako papunta sa office ni Doctor Galdez.
"Ms. Monteverde. I'm glad you arranged an appointment. Akala ko ay medyo matatagalan ka pa." Sabi nito sa akin.
"Hindi ko rin inaasahan, Doc. Marami lang talagang bumabagabag sa akin patungkol sa bagong memorya na naalala ko." Tumango naman siya sa aking sinabi.
"Actually, Doc. If possible, I want this appointment to be removed from all records." Sabi ko ng seryoso. Nag-isip muna siya roon bago tumango.
"I can make it possible."
"Thank you. There are lot of things going on po kasi. My family has a lot of connections po. If they figured out na pasyente niyo ako, it can affect your job."
"No problem, Ms. Monteverde. Gagawan ko ito ng paraan. So far ay dalawa pa lang naman ng record mo rito sa hospital. You're asking if I can delete both, tama ba?" Napailing ako.
"Sa unang record ko po rito, just let it be. Ang tatanggalin na lang po ay ang ngayon at ang mga future appointments ko po sa inyo." Dagdag ko.
It'll build their suspicions kung ipapatanggal ko rin sa kanila ang unang record ko rito. Ate knows about the accident and sooner or later, malalaman nilang dito ako dinala. Kapag nakita nilang wala akong record dito ay maiisip nilang I am up to something.
Nakausap ko na naman sina Xander tungkol sa nangyari. Kapag nagtanong sa kanila si Butler Lee, ang ime-mention lang nila ay ang tungkol sa aksidente and nothing more.
"These past few days po ay madalas kong nakikita yung memories na nakita noon. Umuulit lang siya."
"Can you tell me the memories you remember specifically?" He asked and I tried to remember.
"Actually, it's still blur but I can remember a girl. A little girl, to be specific. And then, men in black, a gun, a van, and a tiger emblem. That's the first memories I can remember." Napahawak sa baba ang doctor.
"Hmm, let's see. Base sa mga sinabi ay parang may naganap na kidnapping. There's a van and men in black. Yun ang madalas na nagaganap kapag may nakikidnap. The little girl you are talking about might be you or might be someone you know." Napaisip ko rin ako.
"I don't know, Doc. Malabo iyon sa paningin ko. I am not sure if its me or it is another person." Napatango ang doctor.
"There's a possibility na hindi ikaw ang babaeng iyon dahil iniisip mong hindi ikaw iyon. According to the perspective of your memory ay nakikita mo ang lahat ng iyan, hindi ba?"
"Yes, tama po kayo. It's in my perspective po."
"Meron ka bang kilalang babae sa ngayon na ka-close mo from your childhood?"
"Ang ate ko lang po but I am sure na walang nangyaring kidnapping sa aming dalawa." Tumango siya habang may isinusulat sa papel. Dumangaw ako roon at nakita ang mga binaggit kong mga memorya.
"When did you remember this memory? Yung setting kung saan at paano mo ito naalala." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"I was with a guy and nasa ferris wheel kami. I think wala namang relate iyon sa naalala ko. However, my head started to hurt noong nagkuwento siya tungkol sa past niya. It was about a girl he loved pero patay na iyon."
"There's a possibility that his past is similar with you. Maaaring namatayan ka rin gaya niya and it's possible na you loved the girl from your memory. A childhood friend is possible." Napatango ako sa sinabi niya. Well, he's making sense pero hindi ko pa rin iyon maintindihan dahil hindi naman namatay si Ate o wala namang akong kilalang kababata na namatay.
"Did he mention any name?" Tinging malalim sa akin ng Doctor.
"Yes, he did. It was-" Naputol ako sa sinabi at kumunot ang noo ko. How come I don't remember the name? Napahawak ako sa ulo ko pilit na inaalala ang pangalan.
"That's weird. I can't remember the name." Kunot noo kong sabi at tinitigan lang ako ng doctor.
"That's a memory lapse. Maaaring maalala mo ang ilang bagay but there's always a piece of information na hindi mo maalala. Try asking the guy you were referring to but it seems that it's difficult dahil parte iyon ng past niya. Are you sure, this is the first time you met him?" Napatango ako.
"Yes, sa university po."
"Well, if your memories are connected, I can say this is a coincidence." Sumang-ayon ako sa sinabi niya.
"That's it for today, Ms. Monteverde. I know you want to continue the session pero it's not good na sabay sabay ang pasok ng information sa iyo. It's not healthy. Your assignment will be the girl from the guy's past. Try knowing something about her before having another session, okay?" Advice ng doctor. I then thanked Mr. Galdez bago ako umalis ng hospital.
◄♦►
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...