ᗯᘮ - Chapter 40

1.1K 37 0
                                    

Escape or Save

I woke up hearing my name. Nang dumilat ako ay nakita kong naroon si Lucas. Noong una ay akala ko nag-iisa lang siya pero napansin kong nasa likuran niya ang iba.

"Bakit nandito kayong lahat?" Tanong ko.

"We heard from your friend Nicole, was it? She said you were having a nightmare and that you were burning. She saw Hiro and Hiro then told us about it." Sabi ni Annica.

"We came to check on you after hearing about it." Sabi ni Caleb.

"Medyo bumaba na ang lagnat mo, can you manage?" Tanong ni Lucas na ikinatango ko.

Noong sinubukan kong bumangon ay may biglaan akong nakita na babae sa memorya ko but that went away in a split second. Kumunot ang noo ko dahil doon. I feel like I'm forgetting something very important.

"How many teams na lang ang natitira?" Tanong ko.

"Lahat pa naman ay makakapagparticipate for the third task but there are five teams at the edge. So far, wala pa naman tayong talo kaya safe pa." Sagot ni Lucas.

"We don't need a losing point anyway. We need to win all of the tasks." Seryoso kong sabi habang hinahanap ang phone ko." Pagka-check ko noon ay wala namang text messages at napansin kong alas singko pa lang ng umaga.

Medyo may sinat pa ako pero alam kogng kaunting pahinga lang ay aayos rin ako. Nakakagulat lang rin ako na nagkaroon ako ng lagnat dahil bihira lang ako magkasakit.

"Saan tayo magki-kita mamaya? Pwede na kayong bumalik sa tents niyo, I can manage by myself. You guys should rest." Sabi ko.

"Okay, then. We'll meet up with everyone in the canteen this time by 6:30am. Set your alarm in case you oversleep." Sabi ni Lucas.

Tumango sa sinabi niya. Napatingin ako saglit kay Hiro at nakitang tumingin rin ito sa akin bago sila umalis. Nagtaka ako dahil kanina ko pa hindi nakikita ang magkapatid na sina Nicole at Yna. Well, it is not my business anyway. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nag-set ng alarm.

|

Nang marinig ko ang alarm ay agad kong chineck kung may sinat pa ba ako o wala na. Napatango naman ako sa sarili ko nang maramdamang hindi na ako mainit kahaya kanina. Mabilis rin akong kumilos para maligo at para na rin mahimasmasan ako sa init ng katawan.

Pagkatapos ko sa pagligo at pagpalit ng damit ay agad rin akong pumunta ng canteen. Napansin kong naroon na rin silang lahat. Binati nila ako at tinanong na rin kung maayos na ang pakiramdam. Um-oo na lang ako sa kanila bago kami sabay-sabay na kumuha ng pagkain.

Hindi rin nagtagal ang pagkain ng mga estudyante ay pagkatapos matapos ng lahat sa pagkain ay agad na inalis iyon ng mga staff. Agad rin namang umakyat ng stage ang Dean.

"Good Morning, Willfordians. I congratulate you for getting through day 2." Pagbati nito at nagpalakpakan ang halos lahat ng teams.

"However, there are five teams who are in danger." Dagdag nito na nakapagpatahimik sa lahat.

"Only 26 teams were able to participate yesterday. Four lost by forfeit for arriving later than the call time. And then, at yesterday's task, 13 lost and 13 won. In total, 17 teams ang natalo. 12 teams tallies one loss and five teams, two loss."

"Gaya ng nauna kong sinabi, you're out of the camp if your team gets three loss. You will pack your bags and you have to transfer to the sister university until you pass the secondary yearly camp." Dere-deretsong sabi niya.

"I know the teams that i speak of are already aware. This is why today's task is very important to those teams. Finally, the third task. Today's task will be the same. It is still a team vs. team kind of task." Sabi ng Dean at binigyan ng tingin ang lahat bago nag-bigay ng signal sa mga faculty.

Ang ilang mga lalaking faculty ay nagbuhat ng mahabang mesa at ipinuwesto iyon sa harapan. Pagkatapos ay may nilagay silang mga boxes sa ibabaw noon.

"As you can see, there are 30 boxes and each box has number on it. Those numbers represent your team. Inside those boxes are papers with numbers that each team member has to pick among those. Now, fall in line according to your team numbers and state your name as you give the paper you picked to the faculty." Dagdag nito bago bumaba ng platform at pumunta sa gilid.

Habang nakapili ang mga team based on team numbers ay nagsalita muli siya. "Inside those boxes, there are six blank papers and one paper consists of a crown. Whoever picked the crown will be the key player of this task." Sabi ng Dean. Pagkasabi niya noon ay agad ring tinawag ng mga teachers ang mga pangalan ng mga key players.

"Sino kaya ang key player sa atin? Kinakabahan ako kasi hindi pa sinasabi kung ano ang third task." Sabi ni Annica.

"Surely, it won't be easy." Sabi ni Olivia.

"Since when did the yearly camp become easy, huh?" Tanong ni Jack at pinukulan naman siya ni Olivia ng masamang tingin.

"Topaz." Nagulat ako g bahagya sa biglaang pagtawag sa pangalan ko.

What the heck? Ako na naman ang key player? Napairap naman ako at tumayo na. Maglalakad na sana ako papunta roon nang may humawak bigla sa braso ko. Napatingin ako kay Hiro na nakatingin sa akin.

"Are you sure you're okay?" Alala nitong tanong. As if he's worried because I am Topaz. I bet he's worried because someone reminds me of him!

"I am." Sabi ko bago hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya at umakyat na sa platform.

Pagkarating ng lahat ng key players sa harapan ay agad nandilim ang aking paningin at naramdamang may malamig na kung ano ang dumapo sa aking papulsuhan.

Magmumura pa sana ako when I realized they cuffed our wrists together and even covered our eyes with blindfolds. Nagkaroon ng komosyon sa buong paligid dahil sa nangyari. Kahit ako'y nagulat rin sa biglaang pangyayari.

"Escape or Save. That will be the third task."

◄♦►

Willford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon