Hospital
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at sinasanay ito sa liwanag. Ang una kong nakita ay puting pader. Pamilyar ang amoy ng lugar na ito. Napatingin ako sa aking gilid at nakitang nasa ospital nga ako.
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko ito. Sinabi sa akin ni dad na huwag daw akong pupunta sa ibang ospital na hindi St. Luke's Hospital. Hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon ay sinusunod ko iyon.
Napabalikwas agad ako at tinanggal ang kung ano mang nakadikit sa akin. Agad ko namang nakita ang bag ko sa malapit na table at kinuha iyon.
Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko na para bang pinipigilan ako nito. Napatingin agad ako sa taong ito at nakita si Hiro.
"Saan ka pupunta?" Seryoso niyang sabi.
Pinipilit ko ang sarili ko na kumawala sa kanya pero hindi ako nagtagumpay gawa din ng mahina pa ang katawan ko.
Ano ba ang nangyari? Wala akong maalala. Bakit ako nasa ospital?
"Hiro, bitawan mo ako. Kailangan kong umalis sa lugar na ito." Nagmamaka-awa kong sabi. I'm usually calm pero nagpapanic ako ng sobra ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit.
Alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako nagmaka-awa sa kaninong tao pero ngayon ay ginawa ko iyon dahil ayokong suwayin si dad. Kailangan kong maka-alis sa lugar na ito.
Umikot bigla ang aking paningin at muntik ng matumba. Binitawan ni Hiro ang kamay ko para saluhin ako. Kahit medyo nahihilo pa ako ay ginawa ko na itong pagkakataon at tinulak siya.
Tumakbo ako palabas ng ospital at pumara ng taxi. Napahinga ako ng maluwag nang makita ko na nakatayo lang si Hiro doon at hindi na ako nasundan.
Binuksan ko ang bag na hawak ko at kinuha dito ang cellphone ko. Puro missed call at messages ang natanggap ko. Karamihan dito ay kay Ate Lauren. Ang iba naman ay kay Butler Lee at Manang.
Tinawagan ko si ate at sinagot agad ito sa unang ring. Napalayo ako sa cellphone dahil sa pambungad na sigaw niya.
"Topaz! Kanina pa kita tinatawagan! Alas-tres na ng umaga! Saan ka ba nagpunta?! Kanina pa kami nag-aalala sayo! Ano ba, Topaz?!" Sunod-sunod na sabi ni ate sa kabilang linya.
Alam kong wala akong karapatan na sabihin sa kanya ngayon na huminahon dahil kahit ako naman din ay magiging ganoon din ang reaksyon kung alas-tres siya dumating ng walang paalam.
"I will explain everything ate. Wait for me, on the way na ako pauwi."
"Siguraduhin mo, Topaz!"
Napasagot na lang ako ng oo na may kasamang tango kahit hindi niya ako nakikita. Ibinaba ko agad ito at hinilot ang sentido ko. Hanggang ngayon ay masakit pa din ang aking ulo at medyo kumikirot pa.
Pagkarating na pagkarating ko sa labas ng mansyon ay binayaran ko agad ang taxi driver. Bago pa ako makalabas ng taxi ay may nagbukas na nito at nakita kong ito si Butler Lee.
Sumakay kami sa sasakyan at pumasok na kami ng gate. Pagkarating ko sa mansyon ay niyakap agad ako ni ate. Napayakap na din ako. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng takot nang malaman ko kanina na nasa ospital ako at hindi ito St. Lukes.
Ikinuwento ko kay ate lahat ang nangyari at ang masasabi ko lang ay nausok na ang kanyang ilong at tenga. Nakakatuwa ang reaksyon ni ate at dahil doon ay nawala ang kaba sa aking dibdib.
Pagkarating na pagkarating ko sa aking kwarto ay nagbihis agad ako at humiga. Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok. Pinapasok ko si Manang na may dala-dalang gamot.
"Heto, inumin mo ito nang mawala ang sakit sa iyon ulo." Napatango naman ako at ininom ang gamot. Unti unting pumikit ang mga mata ko at nakatulog na.
|
Pinipilit ako ni ate na huwag munang pumasok dahil daw naospital ako kahapon. Nakailang-iling na ako sa pag hindi pero sadyang ayaw niya talaga. Kaya naman sa huli ay pumayag na din ako.
Napagdesisyunan ko na simulan na lang ulit ang paghahanap sa simbolong agila. Hanggang tanghalian ay nasa kwarto ako at nagdala na lang ng pagkain si Manang. Nasa kalagitnaan ako ng pangatlong libro nang masapok ko ang sarili ko.
Kelan ka pa hindi nag-isip, Topaz?
Itinago ko lahat ng libro na nagkalat sa aking mesa at inilagay ito sa book shelf. Napailing-iling pa ako habang lumalabas ng kwarto.
"Ate, nasaan si Butler Lee?"
"Nandoon sa kwarto niya may inaayos." Ang mga workers kasi namin dito ay may sariling tulugan at dahil si Butler Lee ay matagal ng nagtatatrabaho sa amin ay binigyan na namin siya ng sarili niyang office at tulugan.
Bago pa ako makapunta sa kwarto niya ay nagsalita agad si ate.
"Maiwan muna kita dito, Topaz. May importante lang akong aayusin." Napatango naman ako at hinalikan siya sa pisngi bago pumunta na sa office ni Butler Lee.
Kumatok ako at pumasok. Nakita ko naman si Butler Lee na may inaayos nang makita niya naman ako ay napatayo agad siya at bumati.
"Butler Lee, may ipapahanap sana ako sayo."
"Ano po iyon?"
"Gusto ko sanang hanapin mo lahat ng organizations or company na merong agila na simbolo. Kapag nahanap mo na ay ibigay mo agad ito sa akin." Napatango naman siya at sumagot.
"As soon as possible po ibibigay ko agad sa inyo." Magalang na sagot ni Butler Lee. Napatango naman ako at umalis na.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay tinignan ko ang maliit na agila na iginuhit ko. Ito ang itsura ng agila na nakita ko sa bala.
Nagambala naman ako sa pag-iisip nang may biglang tumawag. Unknown number ito kaya naman ay napakunot ako. Sinagot ko ito at ang bumungad sa akin ay ang malalim na boses ni Hiro.
"Hiro? Saan mo nalaman ang number ko?"
"Connections." Maigsing sagot nito.
"Nakalimutan mo ata na kukunin ulit natin ang sasakyan mo ngayon?" Napatampal naman ako ng noo nang maalala ko iyon.
Nakalimutan ko!
"Pero paano natin makukuha iyon, sira ang sasakyan ko."
"Ever heard of towing?" He said in a duh-tone kaya naman ay napairap ako.
"Alright." Napag-usapan namin na magkita na lang kami sa park.
|
Nakasakay na ako sa sasakyan ni Hiro at papunta na kami sa lugar ng sasakyan ko. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang lugar na ito. May ilang building akong nakikita sa likod ng mga puno para bang mga factory ng kung ano.
Napatingin naman ako sa kanya nang magsalita siya.
"About pala dun sa nangyari kahapon.."
◄♦►
Medyo pabitin. Medyo walang sense tong chapter na to para sa akin pero sana magustuhan niyo, lol. I'll post the next chapter, ASAP.
Tayo ay magdiwang ngayon dahil #714 in Teen Fiction ang ᗯᘮ. Yey!
Don't forget to vote if you like this chapter.
Comment down your opinions.
And maybe be a fan and a willfordian.
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...