ᗯᘮ - Chapter 43

1K 40 0
                                    

Fourth Task

Pagkatapos ng third task ay nagsibalikan narin ang mga team sa camp. Pagkarating namin doon ay sinamahan ako ni Lucas sa mga faculty para humingi sana ng panggamot sa namamaga kong kanang braso.

Habang naglalakad kami ay ilang beses pa ako nagmura sa isip ko. Ang stupid ng pagkakabagsak ko. Yung kanang braso pa. It's my dominant arm! Fuck, paano na lang ako sa fourth task bukas?

Napailing na lang ako nang makarating kami doon. Tinuro naman ng faculty ang first aid kit at inisprayan ni Lucas ang namamaga kong braso. Pagkatapos niyang gamutin iyon ay agad naman rin kaming umalis.

"I'm kind of interested with you and Hiro." Malalim na sabi ni Lucas na agad naman akong kinalibutan.

"H-huh? What do you mean?" Medyo kinakabahan kong tanong. What am I so nervous for?!

"You know, Hiro is the King of the Campus Royalties. It interests me that he pays attention to a transferee." Kibit balikat nitong sabi at tumango na lang ako.

Habang naglalakad ay bigla akong napatigil ng may marealize akong isang bagay. When did I tell him that I was a transfer student? Binigyan ko siya ng malalim na tingin nang magpatuloy na ako sa paglalakad.

You are suspicious, Lucas. How did you know that I was a transfer student, anyway? Nang tumingin siya sa akin ay binigyan ko lang siya ng saglit na tingin at nagkibit balikat din. Kung nag-iwas ako ng tingin sa kanya ay baka napansin niyang may hinala akong kung ano. Though, I still don't know kung ano ang tinatago niya.

Pagkabalik namin sa mga tents ay doon na rin kami naghiwalay. Gusto ko sanang maligo kaso nagulat ako nang biglang mag-salita ang Dean via broadcast. Nagkatinginan pa kami ni Nicole dahil sa nangyari. Nagkibit-balikat naman siya dahil wala rin siyang ideya.

Pumunta kaming lahat sa center ng camp at doon sa stage siya nakatayo. Maaga kasing natapos ang third task kaya naman ang dami pa naming oras. Nakakapagtaka nga lang dahil pinatawag niya kaming lahat.

"I do believe I said that you must get at least four points to pass this camp but this task is important and it will determine the team who will continue the camp. Whoever loses will have to prepare their things for their transfer to our Sister University. And yes, this is the fourth task." Agad namang nagkaroon ng commotion doon.

"What? Hindi ba't one task a day lang tayo? We just finished the third task! Tsaka hindi ba't seven days tayo rito? Pangatlong araw pa lang natin dito!" Reklamo ng isang babae. Kung tutuusin, hindi lang siya ang may reklamo na ganoon. Halos lahat ng teams ay ganoon din ang mga katanungan.

"Silence! Nag-usap usap ang faculty patungkol rito at talaga ngang kinakailangan ito. It's your choice if you'll join or not. However, if you choose the latter, you'll get an automatic loss." Seryosong sabi ng dean na nakapagpatahimik sa aming lahat.

Maya-maya pa ay nakita ko na sina Lucas at iba pa naming grupo kaya lumapit ako sa kanila.

"May idea ba kayo rito?" Tanong ni Annica.

"We're obviously as clueless as they are." Malamig na sabi ni Olivia.

Agad naman akong napatingin kay Olivia. Napataas ang kilay ko nang makita ko si Jack na sinusubukang lumapit kay Olivia. Okay? Naiba naman ang tingin ko nang magsalita ulit ang dean.

"Now, let me explain the purpose of this task. As a Willfordian, you must have the qualities of being a good fighter. You have to be smart and use your brain well. You have to be mentally prepared and trained. But as you do missions, how will you use your strategic mind if your body cannot keep up with it? Do you get my point?" Tanong ng dean.

Hindi ako makasagot dahil sa sinabi niyang word na missions. What the hell is she talking about? Are we going to go on missions? Dahil si Hiro ang katabi ko ay siya ang tinanong ko.

"What does she mean by missions, Hiro?" Tanong ko ng mahina. Pagkatingin ko sa kanya ay wala itong emosyon na ipinakita. He couldn't answer my question kaya naman nagkibit-balikat na lang ako at muling tumingin sa harap.

"And this task will serve as a proof to those purposes. Are you deserving to be called as a Willfordian? Do you deserve to wear the uniform of Willford University? Do you deserve to fight holding the name of this university? The answer you should have is that you deserve! That is the purpose of this task. If you fail, that means one thing. You don't deserve to be here." Miss Margarette said with a strong tone.

"What do you think is the next task?" Tanong ni Annica kung kanino man.

"I don't know. But, I am sure na maipapakita roon ang qualities of being a Willfordian." Sabi ni Lucas at nag-agree naman sina Caleb. May point naman siya.

"Now, here is what you are going to do. This task is situational. Your team is on a mission. Your job is to obtain a file na nagkakahalaga ng Milyones because that file is very important. One wrong move, the file goes to the enemy at malaki ang madadamay sa gulo. We will give you the map of the building kung saan niyo kukunin ang file."

"Again, your goal is obtain the file, protect it and escape from the enemies. The enemies are not just the other teams. We hired some Chavaliers of Willford Alumni."

Ilang building ba ang mayroon sa Yearly Camp na ito? Parang napakalawak ng lugar na pinangyarihan nito. We had the building from the third task, the town from the MilSim Boundary pati iyon forest ng first task.

"Shit, alumni? Mahirap 'to!" Bulong ng isang lalaki. Hindi siya gaanong kalayo sa akin kaya naman narinig ko iyon kahit bulong or pwede ring sadyang malakas ang kanyang boses.

"Are the Chavaliers of Willford Alumni really that strong?" Taas kilay na tanong ni Annica.

"They are. They are someone to be feared. Alam nila ang galaw ng isang tunay na Willfordian." Seryosong sabi ni Jack kaya naman napalingon kaming lahat. Right, he's a sophomore.

Alumni, huh?

◄♦►

Happy 40k Reads! I am deeply thankful to my readers. Marami rin akong nakikitang nag-add sa library and nag votes ng story ko. Sobrang salamat sa inyo. It also reached #134 in Action last week. Pinakamataas na rank kasi ng WU is #132 kaya naman napakasaya ko at medyo na-reach niya iyon. Sana ma-reach natin ang 120s sa rank. Thank you so much!

Willford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon