Again
Narrator
Malakas na sumigaw si Topaz dahil sa pamimilipit na sakit ng kanyang ulo. Sa sobrang sakit nito ay naluluha na ang dalaga. Ngayon lang ito nangyari.
Sa tamang pagkakataon, pumunta si Lauren sa kwarto ng kanyang kapatid para sana magtanong tungkol ilang bagay nang maabutan niya ang kalagayan ng nakababatang kapatid.
"Hey, Topaz. Nakita mo yun— Topaz?!" Nanigas si Lauren sa pagkakatayo habang tinitignan ang kalagayan ng kanyang kapatid.
"A-ate!" Nangingiyak na sabi ni Topaz habang nakahawak sa ulo.
"What's happening to you?! Butler Lee!" Ilang saglit lang ay bumalik na rin ang sigla ng kanyang nakatatandang kapatid at nagawa nitong tawagin si Butler Lee.
"Yes Ma'a—Ma'am Topaz!" Sa gulat din ni butler lee, siya din ay napasigaw. Agad niyang binuhat ang alaga papunta sa sasakyan at agad nag-drive papunta sa St. Lukes.
Ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nang madala si Topaz sa ospital at inaabangan na lamang nila ang sasabihin ng doctor. Sa kanilang paghihintay, lumabas ang doctor.
"Kayo po ba ang guardian ng pasyente?"
"Opo! Ako ang nakakatandang kapatid ni Topaz. Ano pong nangyayari, Doc? Bakit po siya ganyan? Ano pong dahilan?" Sunod-sunod na tanong ni Lauren.
"Humihanon po kayo Miss. Pag-usapan na lang po natin ito sa office ko." Sinundan nilang dalawa ang doctor papunta sa office nito at nagsimula na ding magpaliwanag ng doctor.
"Wala kayong dapat ikabahala, hindi naman malala ang nangyari. Stress lang ang dahilan ng kanyang pagka-sakit ng ulo. Siguro ay nitong mga nakaraang araw ay dumadalas ang late niyang pag-tulog. Isa iyon sa mga maaaring dahilan. Nothing serious, maari niyo na rin iuwi ang pasyente kapag nakapagpahinga na siya." Malumanay na sabi ng doctor.
"Salamat po doc, maraming salamat po." Dahil sa sinabi ng doctor tila ba parang natanggalan ng tinik ang kanyang dibdib at iniisip na mabuti na lamang at ito hindi malala. Nakahinga din ng maluwag si Butler Lee.
Topaz
Nang maaninagan ko ang liwanag na nanggagaling sa labas ng kwarto ko ay agad akong dumilat at bumangon. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw sa hindi malamang dahilan. Kumbaga pa parang sobrang haba ng naging tulog ko.
"Good Morning." Mahinahong bati ng kapatid ko.
"Good Morning? Bakit ka nasa kwarto ko?" Taas-kilay kong tanong.
"Don't you remember? You fainted last night."
Huh?
"Wait.. what? I fainted?" Nag roll ng eyes si ate at tinuloy ang pagkain niya ng steak sa harapan ko. Nakaupo siya doon sa mini-living room ng kwarto ko.
"Yes. I was really nervous last night. You scared me. Good thing, it wasn't that serious! Anyways, sit down and eat! You still have your classes!" Oh yeah right, tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 15 minutes na lang ang natitira kong time!
Nagmadali na akong kumilos. Pagkatapos ko kumain ay nag toothbrush ako at konting tingin sa salamin. Sumakay na ako sa baby porsche ko at pinaharurot ito papunta sa university. Pagkababang pagkababa ko ng sasakyan ay nakakuha agad ako ng atensyon sa mga estudyante. Wala na talaga silang magawa.
Anyways, dumeretso na lang ako sa room ko. Ilang minuto lumabas din kami lahat para i greet ang council. Pagkapasok na pagkapasok ko umupo agad ako at inub-ob ung ulo ko sa table.
Bakit ba kasi nalilito ako sa mga nangyayari?!
"Hi, Topaz!" Nang marinig ko ang boses ni Nicole ay tumingala ako para tignan siya.
"Hey. Teka, what are you doing in our room?" Taka kong tanong. "Mamaya pa naman class ko kaya napadaan ako dito sa room mo. Wala pa naman kayong professor." Sabi niya.
"Also, I am so sorry! Hindi kita nabalikan at nasamahan sa mini bus kahapon! My sister kept on pleading na samahan ko daw siya sa mini bus nila! Sorry talaga!"
"It's alright."
"Really? Thanks! Oo nga pala, I heard nanalo ka sa activity kalaban si Hiro! Goodness, I'm so proud of you! I wasn't expecting na ganon kang kagaling." Nag-thank you na lang ako pabalik sa kanya. Agad rin namang siyang umalis dahil pumasok na ako prof namin.
The day went normal. Boring classes, noisy lunch with Nicole and whatever. Nothing special happened today.
But, that's what I thought. I saw him again. I saw that man with a sniper again.
◄♦►
And with that, lalong gumulo ang utak ni Topaz.
BINABASA MO ANG
Willford University
Genç KurguWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...