Amusement Park
Nang matapos ang usapan at kwentuhan naming apat ay inihatid na rin nila ako. Pagkarating ko sa bahay ay nag-aalalalang tumingin sa akin si Butler Lee. I don't want to believe anymore. Agad na tinawagan ni Butler Lee si Ate sa kanyang cellphone.
"Topaz? Where have you been?" Sabi ni Ate sa kabilang linya. Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko sa nalaman ko.
Someone has been drugging me. I don't how for long but one thing is for sure, it could be anyone from this house and I can't just trust anyone may it be Dad, Butler Lee or Ate. I'll find out the truth kahit masakit man sa posibleng malaman.
"May nangyari lang na aksidente sa UG Light. I was hospitalized but I am okay na. It's nothing serious." Sabi ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad. I suddenly feel like I am back to those things I was trying to run away from. Nakakaya ko pang tumawa sa piling nina Jc but when I am at thus house, tanging lamig lang ang nararamdaman ko.
"Are you sure, Topaz? Parang alalang-alala sina Alex noong tinawagan ako. Sigurado ka bang iyon lang ang nangyari?" Nag-aalala niyang tanong. Is she really worried? I feel empty. Was she expecting something more? Was she one of them that's been drugging me?
"Oo, ate." I lied. It's not my first time lying to her but with anger and trust issues I am currently feeling, it feels something deeper.
Hindi nagtagal ang tawag dahil medyo kinagabihan na rin noong dumating ako sa bahay. Iginala ko ang tingin ko sa loob ng mansyon. Parang ang tagal simula noong mangyari ang kay Stone at Greenwoods.
I felt a little sad for Mariana. She was a good person but just like that because of this mission. I even concluded that she was Stone's daughter. If I wasn't so stupid hindi sana doon kakahantungan ang lahat.
Kinabukasan, nang makarating ako sa university ay agad kaming nagkasalubong ni Hiro. Napakunot ako ng noo when he suddenly grabbed my arm as I pass by him. Tumingin ako sa kanya at napansin ang seryoso niyang tingin. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa garden ng building namin.
"What?" Tanong ko.
"Are you okay?" I almost forgot he was with us when we pursued Stone. Hindi ko pa nasasagot ang kanyang tanong ay agad niyang hinila ang braso kong nabaril para tignan ito. Ngumiwi ako ng unti dahil sa naramdaman. Napansin niya naman iyon kaya nag-sorry siya bago muling tinignan ang aking sugat na hindi pa masyado gumagaling.
Napansin kong biglang naigting ang kanyang panga pero lumambot ang tingin niya sa akin . Napabuntong-hininga siya.
"It's my fault you got shot." Agad akong natawa sa kanyang sinabi. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa aking braso. It was not a happy laugh but it wasn't sarcastic either. Kahit sa sarili ko ay hindi alam kung bakit ako natawa. Maybe it was my way para pagaanin ang loob ko? Though, I am pretty sure it doesn't work just like that.
"Why would you have to apologize, Hiro? You helped me with the mission. Whether I got shot or not, labas ka na doon. Tsaka anyone can say this is all my fault. Nagpadala ako sa emosyon kaya na distract ako." Umigting ang kanyang panga sa aking sinabi.
"I heard he died." Biglang nanigas ang katawan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng walang tigil. Nararamdaman kong unti-unting nanginginig ang aking kamay sa pagkaka-alala ng memoryang iyon.
Bumuka ang bibig ni Hiro nang makita niya ang reaksyon ko. I realized then nang mapansing unti-unting tumutulo ang aking mga luha. I shouldn't be showing him my weak self! How pathetic, Topaz! Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking mukha pero hindi iyon nakinig sa gusto kong mangyari dahil tuloy tuloy lang pa rin ang buhos ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Willford University
Teen FictionWillford University, 2014 © F I L | E N G No one had foreseen that transferring into Willford University will change Topaz Jewel Montereverde's life. She had always been in love with mysteries and once her eyes is fixed on something, she won't let...