ᗯᘮ - Chapter 48

903 32 0
                                    

Dark

"Gosh, Annica. For the 23rd time, can you please shut up about ghosts?" Irita kong sabi.

"Well, I am sorry if I'm mumbling! I'm just really scared." She answered back at napabuntong hininga na lang ako.

Nagpatuloy kami sa paghahanap kay Melissa sa mga kwarto though we're not really sure kung ano ba talaga ang makikita namin. I'm not sure if I should expect a bloody dead body of Melissa somewhere or a body in a body bag.

Napahawak ako bigla sa braso ko ng makaramdam ng kilabot.

"This floor is clear." Sabi ko at niyaya na si Annica sa taas.

Gaya ng mga ilang floors na nadaanan namin, ganun pa rin ang ilaw. Nagfi-flicker din siya kaya naman si Annica, todo dikit sa akin. Kahit gustuhin ko mang pagsabihan siya, hindi ko magawa dahil napapagod na ako sa kasasaway.

Napatalon kaming dalawa nang biglang mag-ring ang phone namin ni Annica. Sabay pa iyon kaya ng tinginan kami. Agad kong sinagot iyon at nalaman kong naka-conference call kami.

"May nakita na ba kayong clues o kahit ano?" Tanong ni Lucas. I suddenly felt like narrowing my eyes for some reason.

"Wala pa! You won't believe it. Nagfi-flicker ang ligh-" Sabi ni Annica pero pinutol ko na agad siya.

"Wala pa din, kamusta sa inyo?" Tanong ko.

"Wala din." Sagot ni Hiro.

"Well, damn. Gaya ng nabasa natin kanina, our mission will only start kapag nahanap na natin si Melissa at masabi ang code! But then, how are we going to do that kung patay na tao ang hinahanap natin? That woman at the lobby must've been the one who killed her!" Frustrate na sabi ni Caleb sa kabilang linya.

"We don't know for sure. Let's just keep looking." Sagot ni Jack.

"But guys, don't you think we should crack the riddle first before looking for Melissa? It's a clue. We should answer it para mas mapadali ang paghahanap natin. I doubt we can even find the spy in this group kung hanggang ngayon ay hindi pa rin natin nahahanap si Melissa at hiwa-hiwalay pa tayo." Sabi ni Olivia.

"She's right." Hiro agreed.

"Okay, then. Let's all meet up. Sa lobby ulit?" Tanong ni Lucas.

"Uhm, no way! Do you expect us to go there gamit ang stairs? Honestly, no!" Reklamo ni Annica.

"Then, use the elevator?" Sabi ni Caleb at napabuntong hininga si Annica.

"Nasaang floors ba kayo lahat? Let's meet up sa pinakamalapit na floor." Suggest ko at nag-agree naman silang lahat.

Nag-usap usap kami kung saan magkikita at napagdesisyunan rin agad. Nagmadali na kami ni Annica papunta sa meeting place. Nang magkita-kita kami, naghanap kami ng lugar na pwedeng pag stay-an kung saan mag-uusap.

"Dito na lang tayo, ito pinakamalapit." Sabi ni Caleb pagpasok niya sa room na may dalawang pintuan.

Dere-deretso kaming naglakad habang hinahanap ni Caleb ang switch ng lights. Pagkabukas ng ilaw, agad akong napatigil nang meron akong marealize.

"This is it!" I shouted na nakapagpalingon sa kanilang lahat. Napatalon at napahawak pa sa puso si Annica pati na rin si Caleb.

"What?" Tanong ni Jack.

"Her body lies in the dark where silence surrounds." ulit ko sa clue. "Where silence surrounds! A library! Also, the woman said that a noise couldn't be heard or you'll be kicked out." Dagdag ko at mukhang na gets nilang lahat ang pinopoint out ko.

"Right! In libraries kapag maingay ka papalabasin ka." Dagdag ni Olivia.

"But, what about her body lies in the dark?" Tanong namin ni Jack.

"When we entered the library, what was the first thing we noticed?" I asked.

"Madilim." Sagot ni Annica.

"Exactly!"

"But, we are not sure kung yung 'her body lies in the dark' ay itong buong library. There could be a specific place in this library na madilim." Dagdag ni Lucas.

"You have a point, Lucas." Sabi ni Hiro.

"Damn, all this time. Library lang pala ang hinahanap natin!" Sabi ni Caleb.

"Okay, so now. Let's all split up to look for the body. By partners ulit para mas mapadali ang paghahanap." Pagkasabi na pagkasabi iyon ni Lucas ay agad kaming naghiwa-hiwalay.

"I can't believe it! Library ang nasa isip ko kanina but I didn't tell you about it dahil parang ang weird naman if there's a library in a hotel. Hotels usually don't have libraries." Sabi niya habang naghahanap kami.

Now, I get it. Kung bakit para siyang may parang sasabihin kanina pero hindi niya tinuloy.

"Kung sinabi mo lang sana, nahanap na natin agad." Iling kong sabi at nag-pout naman siya. Napabuntong hininga na lang ako.

Tumatakbo kami ni Annica habang hinahanap si Melissa but there was nothing. Wala kaming nakita. "It's a dead end." Sabi ni Annica.

Napakagat ako ng labi. Is she really here in the library? Napabuntong-hininga ako ng yayain na ako ni Annica maghanap sa ibang lugar.

Susundan ko na sana siya nang biglang may sumagi sa isip ko.

I suddenly remembered the guns & roses. There was a secret passage at the bookshelves. What if? What if there's really a secret entrance here to somewhere dark? Bigla akong kinalibutan sa naisip ko.

"Annica." Sabi ko sabay lingon sa napatigil na naglalakad na Annica.

"Let's check the bookshelves." Napakunot naman siya ng noo.

"If there's a secret passage."

"Oh my god, right!" Nagmadaling tumakbo si Annica sa mga bookshelves at naghanap ng entrance. Pagkalipas ng ilang minuto ay halos wala ng laman ang bookshelves at nagkalat lahat ng libro sa floor dahil sa inalis namin iyon lahat, hoping there would be an entrance gaya ng nangyari sa akin noon.

"Oh, shit." Napatingin ako kay Annica ng may mahigit siyang book pero hindi iyon natanggal. Instead, napa-atras kami nang maghiwalay ang bookshelves at mayroon dong dalawang pinto ulit.

Nag-tinginan kaming dalawa ni Annica.

"It actually worked!"

◄♦►

Willford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon