20

1.3K 34 10
                                    

Enjoy! :>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Time flies so fast. Ilang buwan na rin kaming nagsasama ni Gideon. Our parents came home last month at ipinakilala ko narin sa kanila yung boyfriend ko. Hihihi.

I was so gulat pa nga ng kilala nila Mommy at Daddy si Gideon. I thought magagalit sila dahil nagka boyfriend na ako pero hindi. They were so glad na I'm with him.

Ang tanging may ayaw lang naman sa relasyon namin ay ang mga kuyas ko, especially si Kuya Costan.

Tutol na tutol ito at palaging pinipikon si Gideon pero ang isa naman ay walang pakialam. In the end, si Kuya Costan ang napipikon.

Napapailing nalang ako ng maalala ko ang nangyari noon.

Mom told us to gather in the dining room so that we can have our dinner na. Gideon was about to sit down beside me when Kuya Costan forced himself between me and Gideon at umupo sa tabi ko.

Tinignan ito ni Gideon without any emotion on his face. Binilatan lang ito Kuya Costan at bumaling sakin na nakangiti.

"Halika na, prinsesa ko. Kain ka na." He was smiling while putting some foods on my plate at walang pakialam kahit masama na ang tingin ni Gideon sa kanya.

Gideon shook his head and transferred on my other side at doon umupo. Mabuti nalang at hindi pumapatol si Gideon sa kalokohan ni Kuya Costan.

"Costan, epal mo!" Mahinang siyang binatukan ni Kuya Kiel na nakaupo sa tabi niya.

Kahit kasi ayaw nilang may boyfie na ako hindi naman sila katulad ni Kuya Costan na ayaw talaga akong ipahawak sa iba. They are civil and kinda close kay Gideon kasi nag uusap naman sila palagi. Ang ayaw lang nila ay hindi na nila akong ma i-baby palagi kasi nandyan na daw si Gideon para gumawa nun.

I just laughed with what they said. I told them na pwede pa naman nila akong i-baby kahit nandyan na si Gideon.

"Aray! Ba't ka ba dito sa tabi ko umupo? Doon ka nga!" Tumigil ito sa pag lagay ng pagkain sa'kin at  magkasalubong ang kilay na bumaling kay Kuya Kiel.

Gideon held the serving spoon and he continued putting foods on my plate. They only put small portion of each food kasi alam nila na hindi ko naman maubos kapag madami ang pagkain ko.

I'm petite pero magana naman akong kumain minsan. But, that depends on my mood kaya pa onti onti ang nilalagay at lalagay nalang ulit kapag kulang. Sayang naman kapag di makain diba?

"Tell me if you want more, life." Gideon whispered.

"Yes po."

I started eating na while Gideon keeps on glancing at me from time to time. Habang ang kabilang gilid ko naman ay nagbabangayan parin.

"Mommy oh!" Pagsusumbong ni Kuya Kiel nang mahinang hinampas ni Kuya Costan kamay niya.

"Costan, stop it baby." Malumanay ang boses na sabi ni Mommy.

"Rinig mo 'yun? Baby ako ni Mommy!" Proud naman na ngumiti si Kuya Costan kay Kuya Kiel at humalukipkip pa.

Sumama naman ang mukha ng isa at napanguso pa.

"Mommy!"

Our mom sighed.

"Kiel baby dito ka sa tabi ni Mommy. Palit kayo ni baby Laurent." Mom softly tapped Kuya Laurent's shoulder at walang sabi naman na tumayo si Kuya at pumalit sa pwesto ni Kuya Kiel.

Napasinghap naman si Kuya Costan na tutol sa nangyari at tumayo rin at pinilit pa si Dad na pumalit ng upuan.

Napapikit nalang si Daddy at napabuntong hininga.

(Veni, Vidi, Amavi Series #1) Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon