Chapter I : A New Beginning

43 0 0
                                    

Chapter I : A New Beginning

Second year na kami bagong mga kakaklase at bagong teacher, bago nga pala magsimula yung kwento, ako nga pala si Roy ang taong lahat ginagawa para sa taong mahal ko kahit na ang buhay ko ibibigay para sa taong mahal ko at naging kaklase ko si Claire na taong tahimik at mahiyain pero mabait at maganda, si Ken na Don Romantiko ang galaw pero di pa nakakaeexperience na magkaroon ng syota, si Kian na hindi pa masyadong close pero naging kaklase ko nung first year kame, si Ela na nagustuhan ko dati pero nagalit naman sakin at si Glen na bestfriend ko at ang sisira pala ng buhay ko.

First day nang pasukan noon at syempre magpapakilala kami sa bago naming adviser na si Gng. Joya at yun simula na ang pagpapakilala namin, nauna si Glen dahil siya ang nasa harap at sumunod naman si Claire na napansin ko agad ang kabaitan at kagandahan, tapos si Ken na makulit pala at palabiro tapos si Ela na nagalit sa akin ay pinansin na ako, haayy gumaan ang pakiramdam ko, at sumunod si Kian na katabi ko at ang huli ako.

Nagkakilala na kami at nagulat ako dahil nga pinansin na ako ni Ela na ayaw sa akin at si Kian naman na nagulat ako at makulit din pala.

CoconutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon