Chapter IX
Ansaya ko talaga dahil sa mga nangyare sa akin, woooh, nung umuwi ako ay nagkaroon kami nang onting salo-salo.
Nagkaroon nga pala kami ng project sa Filipino, tungkol daw un sa balagtasan tapos ang ka-group ko pala si Claire, syempre masaya ako dahil ka-group ko siya at gumawa kami ng project sa bahay nila.
FLASHBACK
Ang isa naming kaklase ay nagtanong kung saan kami gagawa ng project sa Filipino.
Ang sabi daw ni Claire ay pede sa kanila kaya dun nalang tayo, magsabay-sabay na lang tayo para sa mga di pa nakaka-alam ng bahay nila.
"Talaga?", ang pagtatanong ko sa kanya.
"Oo nga, ang kulet, di makapaniwala?", sabi niya sa akin.
Ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay sobrang sa dahil pupunta ako sa bahay ng crush/minamahal ko, whahaha.
Habang nasa jeep kami nila Claire, ung lider/kaklase, at si Ken, di ko mapigilan ung sarili ko na tumitig sa kanya, ewan ko nga kung bakit ako naka-titig sa kanya.
Tapos ....
Hoy!, nakatulala ka, san ka ba nakatingin?, tanong sa akin ng lider/kaklase.
Ha?, ako na nakatulala?, Kelan pa?, sagot ko
Oo, ikaw, ngayon nakatulala ka, pambabara niya.
Di nga, Troy?, tanong sakin ni Ken.
Wala, nakatulala ka eh, pag gipit sakin ni Ken
Andito na tayo, baba na tayo, pagsingit ni Claire.
Tapos nandito na pala ung iba naming groupmates.
May nagawa na ba kayong pang-sagot ung topic natin ay, Saan mas magandang mag-aral sa Pang-publiko o sa Pang-pribado?, singit ni Lider.
Wala pa, eh, sige gagawa na kami, sagot naming lahat.
Nag-assign si Lider kung anong gagawin namin at lahat kami ay sobrang busy at alam ko na ang isusulat ko, si Claire kaya lang gagawin ko muna siyang school, whahaha.
Tapos na ba kayo?, biglang tanong ni Lider.
Di pa, eh, ang sagot namin.
Sige, tapusin na natin toh, para maaga tayong maka-uwi.
Natapos ko na rin ung ginagawa ko matagal din akong nakakatitig sa kanya at buti na lang at walang nakapansin.
Ibigay niyo na sa akin kung tapos na kayo, ha., sabi ni Lider
Ibinigay ko na at sabi niya ako daw ung sa opening na part 2 para sa pampubliko dahil nga pang-publiko ang ginawa ko.
Sa hindi inaasahan ay si Claire ang ka-pair ko kaya nga lang ay sa pang-pribado siya.
Tuwang-tuwa ako nun kaya lang dapat di ko ma-express masyado ung hapiness ko.
At iyon nakapair ko nga siya at habang nag-sasalita ako ay di ko kayang pigilan ang sarili ko at malapit na akong tumawa.
Bago pa ako makatawa ay bigla ko na lang narinig na tumatawa/hagikgik si Claire kaya un napigilan ko ang sarili ko.
Iyon natapos na rin ako pero di parin ako maka-get over dahil sa mga nangyare at nagkasalubong ang aming mga mata at di ko mapigilan ang sarili ko na tumingin din sa kanya, ansarap niya kasing titigan parang nasa langit na ako,.haaaay, sana di na matapos ang sandaling iyon.
Pero natapos ito dahil sa bwiset na Ken na iyon, whaha, dahil pinahawak niya sa akin ung camcorder/cell phone niya dahil malapit na siya magsalita.
Anu ba yan, sabi ko sa sarili ko.
Buti nalang at natapos na kaagad at umuwi narin kami at dito na nagtatapos ung maliligayang araw ko dahil mag-rereview na naman ako para sa quiz bee, haaaay.
BINABASA MO ANG
Coconut
Non-FictionAno kaya ang meron sa coconut kaya nagkaganoon siya, kung ang coconut ay gaito ngayon, ano kaya dati... Kung kilala mo ako ay maari ring alam nyo na iyang kwentong iyan dahil yan kase ang mga nangyare sa BUhay KO.