Chapter XV (Fixing Shattered Pieces)

7 0 0
                                    

Chapter XV (Fixing Shattered Pieces)

PLK's Note :

"Hindi ko man, maamin pero, ikay mahalaga sa akin, di ko kayang makalimutan ka, kase ikaw ang iniibig ko."

-Ela Cruz

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang guguluhin ako kapag may ginagawa ako pero pag ikaw ang gumawa sa akin nun ay patatawarin ko kase ikaw ung mahal ko."

-Ken Richards

Abangan niyo na lang ang mga susunod na lines na ginawa ko, hahah. Onting hintay na lang at makakaraos din tayo.Pawang onting katotohanan ang nasa chapter na ito na para lamang sa nakakaalam ng totoong kwento.

Chapter XV

Dahil mabait akong bata ay nakakuha ako ng number ni Claire pero alam na ni Claire ung number ko, di ba ang galing.

Noong November 25 ay nagkaroon ang aming klase nang onting pagsasalo sa bahay nila ewan ko dahil hindi ako nakapunta dahil maysakit ako, gusto kong malaman kung anong nangyayare dahil di ko alam kung sino ang pumunta o pupunts baka kase nandun si Claire na aking mahal.

Tapos ay nakatext ko si Hazel Pascual na alam ko na pupunta, kwentuhan kami at sinabi ko na kung makakapunta si Claire ay pakibantayan muna dahil hindi ako makakapunta at may sakit ako pero sikreto lang iyon dahil hindi pwedeng malaman ng iba pa naming kaklase na may gusto ako kay Claire at masasamain nila iyon dahil mas boto sila kay Glen na walang hiya.

Dahil hindi ko alam ang nangyayare ay tinext ko rin si Kian dahil pupinta din daw siya at baka sa susunod ay hindi na siya makapunta dahil marami siyang inaasikaso, sabi niya na babantayan niya si Claire at dahil alam din daw niya ung bahay nila ay pwedeng ihatid muna ni Kian si Claire bago siya umuwi.

Tanghali na at wala parin akong kaalam-alam sa nangyayare sa kanya, mabuting itulog ko muna at kapag nahalata ng mga magulang ko ito ay patitigilin nila ako sa pag-aaral, ayaw ko naman na mangyare iyon.

Pagkagising ko ng hapon ay nagulat ako dahil may text sa akin si Kian na di pa sila nakakauwi at mamaya pa daw dahil may ginagawa pa sila na open forum, sabe ko sige na mamaya na lang at kakain muna ako.

Pagkatapos kong kumain ay may nareceive akong text galing kay Kian na nagsasabi na pauwe na daw sila ni Claire.

Tinext ko agad si Claire at sinabi ko na,

"Nawa’y gabayan ka ng mga hangin na ipapadala ko na siyang iyong magiging gabay pauwi."

Tapos, "Di ko makakaya kung ikay masasaktan kaya mag-iingat ka dahil hindi natin kilala kung anong mangyayare sa atin ngayon at kinabukasan."

At, "Mag-iingat ka pauwi dahil hindi ko kakayanin na mawala ang isang tulad mo."

At biglang may nag-text, si Claire nag-text, sabi niya salamat sa pag-aalala at un nag-text na kami.

Nag-kwentuhan lang kami at masyadong maaga pa kung agad-agad kong ililipat ung mga tanong ko sa pansarili ko, nagtanong ako kung kumain na ba siya?, kung kamusta na siya ?, at kung ano ano pang pwedeng itanong para lang humaba ung pakikipag-text niya sa akin, tapos sabi niya na kung totoo na ung Glen na iyon ay may ginawa ay di niya mapapatawad siya dahil baka mapasama siya sa di ko alam na kadahilanan. Kinausap ko siya hanggang mga nine o'clock at matutulog na ako, sobrang saya ko dahil nakatext ko si Claire sana hindi na natapos iyong mga sandaling iyon, haaayy..

CoconutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon