Chapter XVIII (Killing Me Softly with her Song)

18 0 0
                                    

Chapter XVIII (Killing Me Softly with her Song)

PLK's Note :

"Lahat naman gagawin ko para sa iyo pero bakit ganito hindi ko mapigilan ang sakit na iniiwan mo sa akin sa tuwing may kasama kang iba."

-Glen Manzano

"Minsan mahirap ang mag-expect at magtiwala kapag di mo pa kilala ang taong kasama mo baka sila pa ang dahilan para ikabagsak mo."

-Claire Zaragoza

At dahil tapos na ang lahat ng characters bahala nasa mga susunod na chapters.

Chapter XVIII

At dahil mag-papasko na si Ma'am Joya ay may naisip na mga pakulo na ikakasaya namin.

At ito pala ung monito monita, ung parang something long, basta ganoon ang hirap mag-explain, sa una loko-lokohan lang ung mga binibigay ko pero lahat nag-iba nung nabunot ko si Claire dahil something memorable un syempre mag-iisip ako kung anong ibibigay ko.

Wala akong maisip, nakakainis na nag-gala-gala muna ako para makahanap ng pangreregalo ko para sa kanya. Nakakainis wala akong maisip na ibibigay, anu ba yan.

Nag-isip-isip muna ako, naupo sa isang sulok at nag-isip kung anong magandang ibigay.

Talagang na blangko ako, walang pumapasok sa utak ko kundi siya.

Wala parin, eh, magtanong-tanong muna ako sa mga kaklase ko bukas at gagabihin na ako ng uwi.

Kinabukasan ay tinanong ko si Ken para makahanap lang ako ng sagot kasi kung iba ang pagtatanungan ko ay tiyak na malalaman nila na crush/mahal ko si Claire, at dahil alam na ni Ken kung sino talaga ang totoo kong crush ay siya lang ang tatanungin ko upang di na kumalat pa.

FLASHBACK

Hindi talaga, pag-singit ni Ken.

Kanina ka pa nandyan?, sabay na tanong namin ni Kian.

Oo, narinig ko ung mga kadramahan mo, teka nga lang akala ko ba si Eliza ung crush mo, bakit di mo sinabi na si Claire pala, edi natulungan na kita, alam mo ba, naging crush ko siya dati.

END OF FLASHBACK

Ken, may tanong ako, ano bang magandang regalo na maaalala ng isang babae?

Bahala ka, teka sino bang na bunot mo?

Si Claire.

Ah, kaya pala nagtatanong ka sa akin.

Aaa ..... Ung laging ginagamit ng mga babae.

Ano ba ung mga un.

Suklay, aa.. , panyo o kaya stuff toy.

Ah, cge salamat ng marami.

Natapos na ang marami kong paghihirap ko nang sabihin ni Ken ang stuff toy na iyon. Uwian na rin un at bago umuwi ay bumili muna ako ng stuff toy.

Kinabukasan ay bigayan ng mga gift na para sa monito monita namin, syempre ayaw ko na may magbibigay ng regalo sa akin dahil magbibigay na ako ng regalo kay Claire.

Wag muna ako, ihuli nyo na ako parang awa niyo na., bulong ko sa sarili ko.

Tapos may nagbigay sa akin ng regalo.

Pakshit, bkit ako na?, nakakainis naman, eh

Wala na akong magagawa, ako na talaga, eh, binigay ko na kay Claire ang regalo.

Nang buksan niya alam ko na may stuff toy dun pero di ko alam na mero pa lang nilagay na regalo ung nanay ko dun, pakshit bakit di ko alam iyon. Pumunta siya sa taguan niya at binuksan ung regalo at nang paglabas niya niya ay natatawa siya, di ko alam kung bakit pero nung nakita kong hawak niya ay panghilod, haha, natawa rin ako. Natapos ung araw ko dun pero kailangan ko na ring mag-paalam sa kanila dahil mawawala muna ako.

CoconutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon