Chapter XI
Halos alas-tres na nang umaga at di parin ako nakakatulog dahil nag-rereview pa ako.
At biglang may narinig akong footsteps na papunta sa kwarto ko.
Bigla akong nagtulog-tulugan para hindi halata na hindi ako natulog.
Ginising ako ng tatay ko at sabi niya alas-quatro na, hindi ko pala namalayan ung oras alas-quatro na akala ko ay alas-tres palang, nakakainis. Kumain na ako, naligo, nag-bihis at umalis na nang bahay namin at nakarating na ako sa school na akala ko ay walang tao, nakalimutan ko na may pasok nga pala kami para humabol at may paparating na bagyo.
Mas maaga ako sa usual kong pasok at nauna pa ako sa pinakaunang dumadating sa room na taga-bukas namin, naghintay ako at un dumating narin siya sa wakas at makakapasok na ako at kanina pa ako naghihintay.
Sunod na dumating ang isa ko pang kaklase, lumabas muna ako pars magpa-hangin dahil ang init nh pakiramdam ko, habang hinihintay ko ang mga teachers dahil ung mga teachers na lang ang wala dahil si Kuya Nido ay nandyan na pati narin si Kuya Je.
Biglang may humagip sa mata ko at iyon si Claire na naglalakad papunta sa room namin kaya sumabay na ako para kunin ung hindi ko pa natatapos nang dahil sa kanya. Nag-review ako habang minamasdan siya dahil naayos ko na yung concentration ko, dahil wala akong tulog kanina.
Haaay, inaantok parin ako, tapos iyon na nga dumating narin ung mga teachers na hinihintay namin, yess, dahil makaka-alis na kami at nooo, dahil hindi ko na siya makikita.
Nakarating na kami sa aming destinasyon at habang nag-hihintay kami ay nag-review muna ako.
At iyon na nga ang hinihintay namin, ako na ang unang sumalang dahil nga 2nd year ako at si Kuya Je ay kanina pa nakasalang dahil iba ang contest na sinalihan nyan at iyon ay research iyon.
Andali lang nung mga tanong mas madali pa ito kaysa nung una. Kaya nag-hayahay lang muna ako at nung difficult round lang humirap o sadyang hindi ko lang pinanalo dahil championship na ang susunod.
Siguro nung nag-hayahay lang ako at hindi ko masyadong napag-handaan ung mga mangyayare kaya siguro ako naka-forth place, atleast naka-forth place parin ako at sobrang magkakalapit lang ung mga scores namin ng third, second at first place.
Ok, lang un, di ba first timer ka naman kaya ok na ito, dahil malayo na ang narating mo, pagpapalakas ng loob ni Ma'am Joya.
Dapat sa Fourth Year ka bumawi dahil duon maraming opportunities na darating sa'yo at lahat ng magagandang schools ay maghihintay sa iyo, sunod ni Ma'am Emerald.
Dito na nagtatapos ung araw ko sa pag-hihintay at pag-papahonga pagkatapos ng mga nangyare.
BINABASA MO ANG
Coconut
Non-FictionAno kaya ang meron sa coconut kaya nagkaganoon siya, kung ang coconut ay gaito ngayon, ano kaya dati... Kung kilala mo ako ay maari ring alam nyo na iyang kwentong iyan dahil yan kase ang mga nangyare sa BUhay KO.