Chapter VIII
At dumating na ang kinatatakutang araw ko ang, Science Fair na nakakainis dahil hindi mo alam kung paano sumagot.
Buti nalang may program pa at nawala pa ang aking kaba kahit ka-onte, hahaha, tapos un na nakasalang na ang Gr. 7 sa plato, ang init nang labanan dahil hindi pa nila alam kung ano ung mga itatanong dahil itoy bagong kurikulum.
Habang naghihintay kami ng resulta kase halos isang oras din ung contest na un ay kumain muna kaming mga hindi pa nakasalang at ung mga teachers din namin na nakasuporta sa amin, yahoo!!, kainan time, my favorite all the times, ang kumain, hahaha, ansarap. Otap at Rice with Fried Chicken, ansarap talaga.
At natapos na ang paghihintay ko, ako naman ang sumalang sa hot seat.
Nakapasok na ako sa room, teka nga lang nasabi ko ba na nandito ung mga parents ko, kung hindi, ay andito sila ngayon nanonood at kailangan kong ipakita ang mga paghihirap nila ay masusuklian ko din.
At iyon na nga nakapasok na ako sa pinto ng room na pinag-gaganapan ng quiz bee, nagpakilala ang mga judge/proctors/quiz masters/teachers etc. kung anong gusto nyong itawag dun.
Unang questions para sa Easy, What do you call ......di ko na masyadong palakihin pa ang story basta di ko ko mapigilan ang sarili ko dahil kakaisip kay Claire, atleast nakakapag-focus pa ako kahit onte, at dumating na ang average round, halos kulelat ako, mapapahiya ako nito, kelangan kong mag-concentrate at mag-focus at kalimutan muna kahit saglit si Claire.
Nakaka-catch up ako kahit papaano atleast may nasagot na ako kahit onte, per nung sa Difficult Round ay bumawi ako dahil alam kong pag di ako nakabawi ay malulungkot ang mga magulang ko, at yun na nga sunid-sunod na yung tama ko sa Difficult Round, "Yes!!",bulong ko sa sarili ko, atleast makakasama ako kahit papano.
FLASHBACK
"Ang tandaan mo lang kahit na matalo ka nang mga regular highschool ay tandaan mo na dapat ay mataas mo pa rin ang isang science highschool kung hindi wala na ang chance natin para manalo, sabi ni Ma'am Joya"
END OF FLASHBACK
"Hala", pagka-alala ko sa mga sinabi ni Ma'am Joya sa akin ay bigla akong napag-hinaan ng loob.
"At dun na nagtatapos ang patimpalak na ito para sa 2nd Year Level",sabi ng proctor/quiz master/etc
Habang binabanggit ung mga scores ay di ko mapigilan ang sarili ko na may tumulong luha sa mukha ko, pinunasan ko kaagad ito at un narinig ko nalang ay ...
2nd Place is number 14, pagtingin ko sa number ko ay 14 siya, hindi ako makapaniwala dahil dun, yess, naipakita ko na lahat ng paghihirap ng mga magulang ko ay masusuklian ko na.
Pagkalabas ko ng room ay binati kaagad ako ng aking mga magulang pati na rin si Ma'am Joya at mga kasamahan niya, ang galing mo buti na lang ay nakahabol ka dun sa last round kundi wala na talaga tayo.
FLASHBACK
"Kilala mo ba kung sino ung lumaban bago ikaw, ung third year nagyon?",tanong sakin ni Ma'am Joya.
Hindi po ang sagot ko.
Si Kuya Nido un, Nikolai Dominic, ung naging first place sa buong Pilipinas.
Hala, ang galing niya naman po.
END OF FLASHBACK
Dahil nga sa shocked pa ako nun, ay natulala lang ako. Haisst.
Pagkatapos ng mga sumunod na mga sasabak ay si Kuya Nido lang ang nanalo, yehey, dalawa kami.
Kumain kami at ginawaran ng mga medalya dahil kami ay nanalo.
Pabalik na kami ng school, inaasahan ko na wala nang tao dun kundi ung PEP na lang pero mali ang inaakala ko yun pala andamin pang-tao dun tapos un na umuwi na ako na parang walang nangyare pero may mga kaklase pa ako na binati ako.
BINABASA MO ANG
Coconut
Non-FictionAno kaya ang meron sa coconut kaya nagkaganoon siya, kung ang coconut ay gaito ngayon, ano kaya dati... Kung kilala mo ako ay maari ring alam nyo na iyang kwentong iyan dahil yan kase ang mga nangyare sa BUhay KO.