LUNA FREI POVMalakas na sampal ang inabot ko sa aking ina nang maka uwi ako sa bahay
“ wala kang kwenta! Kaka Tanggap lang sayo sa trabaho tapos ngayon matatanggal kana naman?! Alam mo namang kailangan na ng kapatid mo ang pera para sa babayaran sa Paaralan!” galit na sigaw ni mama
Napahawak ako sa pisnging sinampal niya Habang nangingiligid ang luha. Masakit masamapal ng sariling ina pero mas Masakit parin itong mga sinasabi niya
Bakit pakiramdam ko ay wala na akong ginawang tama..
Ginagawa ko naman ang lahat, lahat- lahat para lang matulungan sila pero eto parin.
Halos hindi na ako Magpahinga dahil sa mga trabahong pinapasukan ko Maibigay kolang yung pangangailangan nila
Pero bakit laging gan'to, bakit parang hindi man lang ni mama makita yung pagod ko para sakanila
“ Ano?! Bat ganyan ka makatingin?! ” dilat na dilat ang mata ni mama na nakatingin sakin habang bakas na bakas sa mukha neto yung galit
Huminga ako ng malalim
Pinipilit kong intindihin ang lahat pero hindi kona kaya...
“ Bakit hindi niyo po ako tulungan? Alam niyo po ayos lang naman e, ayos lang na ako yung magtrabaho para Sainyo pero please naman po ma, wag niyo naman po akong pahirapan. Yung perang pinaghihirapan ko napupunta lang sa walang kwentang alak at sigarilyo mo.”
tinitiis kong hindi sigawan si mama. Pero kahit na ganon ay alam kong bastos na rin kung paano ko siya kausapin ngayon
Hindi ko na mapigilan at para na'kong sasabog kapag Hindi kopa nilabas to
Nakita ko ang pandidilim ng mukha ni mama. Napa daing nalang ako nang bigla netong hilain yung buhok ko
“ ah! Ma, Nasasaktan ako”
Hindi ito ang unang beses na ginawa niya to sakin
Mali ko na naman...
“sumasagot sagot ka pa huh?! Wala kang respeto h*yop ka! Mabuti nga at pinalaki kita kahit anak kalang sa labas ” doon na nagsibagsakan ang luha ko habang pilit na inaalis yung kamay niya na panay hila parin sa buhok ko
Bakit kailangan iparamdam na hindi ako parte sa pamilyang ito? Porke't ba anak sa labas kailangan na gantuhin?
anak nga ako sa labas kaya hindi na Nakakapag takha na sobra yung galit sakin ni mama. Kahit na nung nabubuhay pa si papa ay ganto na yung trato sakin ni mama. Si papa na nga lang yung kakampi ko ay nawala pa
Kaya nang mawala siya ay mas lalo lang akong naghirap
High school lang ang natapos ko. Dapat ngayon ay nasa 2nd year College na'ko e Kung tinuloy kolang sana yung pag aaral ko
Kung may pera at kaya lang naman e bakit hindi? Pero wala, kailangan kong unahin yung mga kapatid ko.
“pasensya na po.. ” pag Hingi ko ng tawad
Ayoko nang mas magalit pa siya kaya agad na akong humingi ng tawad. Kasalanan ko rin naman kung hindi ako nasisante baka sana ngayon hindi uminit yung ulo niya sakin
Binitawan niya na yung buhok ko
“ Umayos ka huh, Tandaan mo na anak kalang sa labas kaya lahat ng iuutos ko ay susundin mo. Inalagaan lang naman kita dahil sa walang kwenta mong ama.”
Pinahid ko yung luha ko
Masakit na marinig ang mga salitang binibitawan ni mama pero hindi ko din siya masisisi, anak ako sa labas. isang pagkakamali lang. Alam kong sa tuwing nakikita niya ako ay naalala lang niya ang pagkakamaling nagawa ng tunay kong ina at ni papa
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...