“ Ano Luna sasama naba kayo ni Thyroid? ” kanina pa nangungulit itong si Xeonn na Sumama kame sa Cebu, kasal raw kasi ng kaibigan nila e ayoko namang sumama dahil masyadong nakakahiya.“ Si thyroid nalang ang Isama niyo.” saad ko
“ sasama tayo. ” saad ni Thyroid
“ Ayoko, Nakakahiya kaya.” saad ko
“ Luna, Sumama kana, Wag kang mahiya mabait naman yung kaibigan naming 'yon. ” saad ni Niyana
Hindi pa ako tapos sa problema ko tapos Aalis pa ako dito
“ pasensya na, Yung mga kapatid ko—”
“ may mga nagbabantay sakanila si don't worry.” pagputol ni thyroid sa sasabihin ko
“ilang araw ba? ” tanong ko
“ mga limang araw lang naman.” si niyana na yung sumagot. Limang araw? Hindi na siguro masama noh, Saka hindi pa rin ako nakakapunta doon. Minsan lang din ako makakapunta ng kasal, Masaya pa namang Panoorin yung bagong kasal
“ Pumayag kana Luna, Please minsan lang 'to saka bukas na 'yun kaya sige na”
Huminga ako ng malalim
“ okay.” pagpayag ko
“ yess”
KINABUKASAN, maaga kameng nagising para makapag ayos. Nakapag impake na rin kame kagabi
Sinuot ko yung damit na Binigay ni Niyana kahapon. Humarap ako sa salamin para tignan ang itsura ko
Wow, para mas lalo lang ata akong naging Maputo sa suot kong 'to. Off shoulder strapless dress ito.
Lumabas si Thyroid sa Bathroom nang nakabihis na. Ang gwapo niya
Tumingin ito sakin at pinasadahan pa ang suot ko
“ 'yan yung susuutin mo? ”
Huh, bakit ayaw niya ba sa sgot ko ngayon? Mas lalo siguro akong pumangit. Kinuha na neto yung maleta na Dadalhin namin
“ Bakit hindi ba maganda? ” tanong ko. Okay naman ah.
“ maganda, Masyado nga lang nakikita yung balat mo. Anyway let's go.” nauna na itong lumabas ng kwarto
Napangiti nalang ako kaya mahina kong sinampal ang pisngi ko
“wala lang 'yon. ” Sumunod na rin ako sakanya
Private airplane ang gagamitin namin, I mean, itong eroplano nila.
Kinakabahan rin ako, first time kong sumakay ng eroplano, Hindi kaya sumabog 'to habang nakasakay pa kame
Napailing iling nalang ako dahil sa mga pinag iisip ko
Napalunok nalang ako nang makasakay na kame at umupo
Mukha silang masaya pero ako 'to kinakabahan dahil sa eroplanong 'to
Baka kasi bumagsak o ano
Nagulat ako nang hawakan ni Thyroid yung kamay ko
“nanlalamig ang mga kamay mo, Nilalamig kaba? ” tanong neto
“ oh, Ang Hirap naman kapag hindi kona nababasa Yung iniisip mo.” saad neto
“Hindi ah.. ” hindi ko natuloy ang sasabihin ko
“ kinakabahan ka kasi first time mong sumakay sa eroplano? ” masyado bang nahahalata?
Sinubukan kong ngumiti para hindi nila mahalatang kabado nga ako
Umayos ako ng upo
“ hindi.”
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...