CHAPTER 6

1K 30 0
                                    

“ nandyan ba Si Thyroid?” tanong ng isang babaeng sobrang puti, maganda at matangkad ito, Mahahaba din ang legs nito na bumagay naman sakanya

“ ano pong pangalan niyo?” tanong ko

Hinintay kong sabihin niya yung pangalan niya para ma check ko kung may appointment ba siya kay Thyroid

“Hindi na kailangan 'yan.” pataray na sabi neto saka binuksan yung pinto ng opisina Ni Thyroid. Ang bastos naman ng babaeng 'yun, Sayang yung ganda niya tapos ganun yung ugali.

Teka sino ba 'yun?

Pumasok ako para tignan kung sino nga ba ang babaeng 'yun

“ Good morning Babe. ” rinig kong sabi ng babae kay Thyroid

Babe?

May girlfriend siya?

May girlfriend siya tapos pinakasalan niya'ko?

Agad na nag init ang ulo ko dahil dito

Hayop na Thyroid na 'to

Tumayo si Thyroid Nang makita ang Babae

“ Corinne?”

Pinagmasdan at nakinig ako sakanilang dalawa. Wala akong pakealam kung mag mukha akong chismosa, gusto ko lang naman malaman kung anong ugnayan nilang dalawa, pinakasalan ako ni Thyroid tapos may girlfriend pala siya. Parang gusto kong manakit ng bampira ah

Lumapit yung babae sakanya at akmang hahalikan na siya neto pero agad na umiwas si Thyroid

Narinig ko pa ang pag buntong hininga ng babae at saka medyo lumayo

“ I heard You're married now. ” saad ng babae. Magjowa ba talaga ang dalawang to?

Teka, tama bang andito ako at Nakikinig sa pinag uusapan nila?

Bahala na nga

“Yeah I am. ” Walang ganang sagot ni Thyroid saka bumalik mula sa pagkakaupo niya at tinuon ang pansin sa Loptop Niya

Umupo sa gilid ng Table Yung babae kaya mas lalong Nakita yung mahahaba at mapuputi niyang Legs

Inaakit niya ba si Thyroid?

Hindi 'yon pinansin ni Thyroid at Nanatili ang Tingin sa Loptop niya

“ Exuse me?” Napatingin ako sa babae nang sabihin niya 'yun. Saakin ito nakatingin ngayon

“ Why are you standing there? Nakikinig kaba sa pinag uusapan namin? ”

Tumingin muna ako kay Thyroid na naka tingin na sakin ngayon

“ ah—”

“ yeah why are you still standing there?” gusto kong mainis dahil sa sinabi ni Thyroid

Talaga lang huh

Nakita ko pa ang pag ngisi ng babae

“ Umupo ka dito, Mapapagod ka sa kakatayo niyan. ” dugtong neto

Nakita ko ang biglang pag seryoso ng mukha ng babae at saka tumingin kay Thyroid na parang iritado

“ ah, Hindi na. Lalabas na rin muna ako, mag usap na muna kayong dalawa. ” saad ko at tatalikod na sana pero Tinawag niya ako

“Frei come on, I want you on my side. ” saad neto

“ I can Stay By your Side, Thyroid. ” saad Ni Corinne

Ewan ko kung bakit parang nakakaramdam ako ng inis sakanya, Hays

“ I want Frei. ” Saad ni Thyroid

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now