“ Uy ilang araw ka ding hindi pumasok, Buti naman at bumalik kana. ” ngiting sabi ni Erin, kasamahan kong nagt-trabaho dito. Pero siya yung trabaho niya ay yung samahan ang customer sa mga table nila
Ngumiti ako
“ oo nga e.” yun na lang ang tangi kong naisagot
“ may asawa kana pala?”
Dahan dahan akong Tumango. Tama bang sinabi kong oo?
Mula kasi nang Magkakilala kame ni Netong si Erin ay hindi ko naman naikukwento sakanya ang tungkol kay Thyroid. Pag minsan na sinusundo ako ni Thyroid e wala naman siya Dito kaya Hindi niya rin nakikita
“ ilang taon na kayong mag asawa?” tanong neto. Dahil wala pa namang masyadong customer ay Nakikipag chismis na naman ito
“ Buwan palang. ” sagot ko. Tumango tango ito
“ Si Thyroid aguas ang Asawa mo diba? Sikat ni Business man 'yun ah, bilyonaryo. E bakit nag t-trabaho ka dito sa bar?” kitang kita ang pagtatakha sa mukha niya
Ano nga bang isasagot ko sa tanong niya. Grabe naman talaga ang babaeng 'to
“ ah, Syempre hindi naman porket asawa ko siya e sakanya ko nalang iaasa lahat mag asawa kame kaya dapat lang na nagtutulungan kame.” ewan ko kung sapat na dahilan na 'to para maniwala siya
Ngumuso ito
“hmm, tama nga naman, Pero seryoso? Pinayagan kang mag trabaho sa bar? ”
Okay, ang dami niya na talagang tanong kailangan ko na siyang takasan
“ Miss beautiful!” nag taas pa ng kamay ang isang lalaki na nakatingin sakin
“ teka lang may customer.” saad ko. Ngumiti ito saka tumango
“ sige. ”
Hays buti nalang
Umorder na yung lalaki at saka ko naman ito dinala sakanila
Nasaan na kaya si Thyroid? Sinubukan kong hanapin siya dito gamit lang tingin Pero hindi ko siya mahanap. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 11: 30 pm na
Nagpunta na muna ako sa Restroom, Masyadong maingay doon. Tatawagan ko lang yung kapatid ko, Binilhan kona sila ng cellphone kaya matatawagan kona sila
Tatawagan kona sana yung kapatid ko pero bigla akong nakarinig ng kalabog
Binaba ko ulit yung cellphone ko at dahan dahang naglakad papunta sa Kung saan ko narinig 'yun
“ Hmm, More blood. ” rinig kong sabi ng isang Lalaki. Nagtago ako sa pintuan saka sumilip ng konti. Nakita kong nasa Leeg ng babae ang bibig ng lalaki. Ah No, Bampira. Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa nakita ko
Wala nang buhay yung Babae. Nakikilala ko itong babae, Nakikita ko tong laging nagpupunta dito sa Bar
Mga dem*nyo talaga ang mga bampirang 'to
Umatras ako ng hindi nawawala ang tingin ko sakanila, first time kong makakita ng ganito. Hindi ko yaya kaya 'to
Sa kakaatras ko ay may naapakan akong kung ano kaya mabilis na lumipat ang tingin nila sakin na ikinalaki ng mga mata ko
Ah, damn!
Puno ng dugo ng labi nila
“ hmm.” binitawan nila yung babae
Nice Luna, ang Galing ng ginawa mo kaya ngayon patay ka
Napaatras ako dahil sa mga nakakatakot nilang tingin
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...