“ sigurado kabang sasama ka?” tanong ko kay Thyroid. Humingi ako ng excuse, Birthday ngayon ni Elaija kaya Hindi muna ako mag t-trabaho, pero itong si Thyroid e gusto ring sumama
“yeah. ” sagot neto
“ e hindi ba marami kapang gagawin sa opisina?”
“No, it's okay, Gusto ko ring sumama. ”
Tumango nalang ako, hindi na ako nangulit pa, ayoko rin namang isipin niya na ayaw ko siyang dalhin doon
“ Pero hindi ba nagkasagutan kayo ni mama. ” saad ko, Tumingin ito sakin
“ Hindi ako manggugulo frei, I promise, Basta lang ay Walang ng sasabihin pang masasakit na salita sayo ang mama mo. ”
Nag iwas na ako ng tingin
“ 'wag kana lang sumama.”
“ sasama ako. ”
“ Thyroid, Espesyal na araw ito para sa kapatid ko, Ayokong may gulong mangyari, Gusto kong maging masaya ang kapatid ko ngayon. ”
Napabuntong hininga ito
“ Okay, I wont do anything, Just let me Come with you, i wanna Greet your Brother saka isa pa gusto niya ring pumunta ako, nag promise na akong pupunta tayo. ”
Tama nga naman siya, 'yon din ang gusto ni Elaija, Ang pumunta si Thyroid sa Birthday niya, Ayoko namang Malungkot na naman yung kapatid ko pero Paano kung magkagulo, Hindi na sila okay ni mama
“let's go. ” saad neto
Bahala na nga
Tumango ako at sabay na kameng lumabas ng bahay
Dumaan muna kame sa mall dahil bibili daw muna siya ng regalo para kay Elaija pero nagulat ako nang makitang sobrang dami niyang pinamili
“ Thyroid ang dami naman niyan, kahit maliit na regalo lang yung ibigay mo kay Elaija matutuwa na 'yun. ”
Nilagay niya na sa back seat lahat ng pinamili namin
“ Para sakanilang Lahat 'yan.” saad neto at sinarado na ang pinto sa may backseat . Sunod niya namang binuksan yung Pinto sa passenger seat
Pumasok ako at sinara niya 'yun saka umikot papuntang Driver seat
“ sakanilang lahat? Pati si mama meron?”
Nakapasok na ito at nagsuot ng seatbelt saka Pinaandar ang makina
“yeah. ” pinaharurot na neto yung sasakyan
Pati si mama ay binilhan niya. Napangiti nalang ako, Kahit hindi naging okay Yung huling pagkikita nila ni mama ay eto parin siya, Nagmamagandang loob
Pero sana nga hindi sila magkagulo ni mama, Espesyal na araw pa naman ito para kay Elaija tapos magugulo lang
Nang makarating kame ay binitbit na namin lahat ng pinamili niya Sa loob ng bahay. Marami rin siyang binili na mga pagkain, nahihiya na nga talaga ako e Thyroid e ayaw magpapigil
“ Kuya! Ate!” masayang niyakap kame ni Elaija Sumunod rin sina Naria at yurica
Napangiti nalang kame
“ akala po namin ay hindi na kayo dadating.” saad ni Elaija
“ Bakit mo naman naisip 'yun? Hindi pwedeng mangyari 'yun. ” naka ngiting saad ko
“ and Elaija.” tawag ni Thyroid sabay abot ng regalo kay Elaija. Agad na nagliwanag ang mukha neto nang abutin 'yun ni Thyroid
“salamat kuya! ” masayang pasasalamat neto sabay yakap ulit sakanya
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...