CHAPTER 32

724 22 0
                                    

LUNA FREI POV

[“ Hello Luna anak?”] saad ni mama mula sa kabilang linya. Parang hindi pa nag proseso sa utak ko yung pagtawag niya sakin ng anak. Tinawag niya ba talaga akong anak o Baka Iniimagined ko lang 'yun?

“ ma?”

[“ Luna, Pwede ba tayong Magkita?”] sa boses neto, Hindi ito ang mama na kilala ko sa tuwing kinakausap ako. Pero gusto kong mapangiti dahil sa naririnig ko ngayon. May lambing sa boses neto at Tinawag niya akong anak na hindi ko Pa narinig mula nung bata ako.

“ opo ma, Pwedeng pwede po.” saad ko ng nakangiti

[“sige anak, Ite-text ko nalang sayo kung saan. ”]

“ opo.”

Si mama naman talaga yung kausap ko sa phone diba? Pero bakit parang bigla siyang nagbago sakin? Kung ano man ang dahilan, Hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga ramdam kona yung pagtanggap sakin ni mama

Nakangiting nagpaalam ako kay Thyroid dahil magkikita na nga kame ni mama

“ Sasamahan kita.”

“ no Thyroid, Hayaan mona muna ako kasama si Mama.” ngumiti ako “ kanina habang kausap ko siya Parang hindi siya yung mama na kilala ko na lagi nalang akong sinisigawan o minumura.”

“ Kanina Sobrang saya ko nang marinig na Tinawag niya akong 'anak'. ” nakangiti pa rin ako habang kinukwento 'yun

“sobrang sarap pala sa pakiramdam. ”

“ Mas lalo akong sumaya nang sabihin niya na gusto niyang makipag kita. ”

“kaya thyroid, Gusto ko sanang Makasama muna si Mama ngayon. ” Napabuntong hininga ito at lumapit sakin

“ okay, But please, Promise Me. Mag iingat ka, ayokong sabihin 'to pero Pag may nangyaring masama sayo nang dahil sa mama mo, Hindi kona alam kung anong magagawa ko.” mapupungay ang mga mata neto. Nakipag titigan ako sakanya at hinawakan ang kamay neto

“Thy, Hindi ako ipapahamak ni mama. ” paninigurado ko rito. Hindi ganun kasama si mama para ipahamak ako.

“sinasabi ko lang Frei, Ayokong may mangyaring masama sayo. ”

“walang mangyayaring masama. ”

“ just Call my name if you need me, Promise darating ako agad.” ngumiti ako at hinawakan ang pisngi neto

“ Mr. Pervert vampire, Wag kanang Mag alala. Walang mangyayaring masama, magkikita lang naman kame ni mama. ” hinawakan neto yung likod ng kamay ko habang nasa pisngi niya pa rin ito, Ang swerte ko naman sa bampirang 'to. Mas sweet pa pala siya sa inaakala ko

“just in case Frei. ”

“ okay, Okay.” hindi na rin ako nakipagtalo pa. Baka mamaya pag awayan lang namin 'to

“ sige na, Aalis na'ko.” saad ko rito. Tinitigan lang ako neto at halatang labag sa loob pa yung pagpayag neto sa pagpunta ko kay mama. Tatalikuran kona sana siya nang bigla ako neto hilain papunta sakanya at hinalikan ako

“ you forgot that.”

“ Kailangan pa pala 'yun. ”

“of course. ”

Inihatid niya ako sa lugar na kung saan kame magkikita ni mama at agad rin siyang umalis dahil may trabaho pa naman.

Wala pa rin si mama dito kaya ilang minuto rin akong naghintay

“ bakit kaya wala pa si mama”

“ Hinihintay mo ba Yung mama mo? ” isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likuran ko. Biglang nagsitindigan ang mga balahibo ko ko dahil doon.

MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]Where stories live. Discover now